read.cash Log in

@Mariagioia00

Joined 5 September 2022 · 151 posts

120 KT

0 KT received · 0 KT given

Posts

M@Mariagioia00

FRIENDZONE My heart's weak, I fall. I crossed lines though t'was tabooed, Can I blame Cupid? -magioia- ***Mahirap magkaroon ng malalim na feelings sa kaibigan. Marami ka kasing dapat ikonsidera bago ka makapagdedesisyon kung itutuloy mo ba o ititigil ang nararamdaman mo. Dapat mo ring timbangin ang resulta ng alin man sa pipiliin mo. Kaya lang, anu man ang pagtitimbang ang gawin mo, asahan mong kaakibat pa rin sa resulta ang isang malaking pagbabago sa pagkakaibigan ninyo. Kung pipiliin mong itigil ang nararamdaman mo, syempre kailangan mong baguhin ang pagtrato mo sa kanya. As much as possible kakailanganin mong bawasan ang interaksyon mo sa kanya para mabilis ang pagmomove on mo. Kung pipiliin mo namang ituloy, asahan mo naman ang dalawang resulta, either rejected ka as in friendzone, or mutual ang feelings nyo. Kapag rejected or friendzone, syempre magiging awkward na kayo nyan. Lalawak ang gap ng pagkakaibigan nyo hanggang sa umabot sa puntong "he's near yet so far." Ngunit...kapag mutual naman ang feelings nyo edi much better, mas positive ang magiging relationship nyo at baka umabot pa sa puntong maging official magka-IBIGAN na kayo. Gayunman, alin man ang mapili mong gawin, dapat lagi kang handa at dapat tanggap mo ang magiging resulta nito. Subalit, kung ako ang papipiliin, itutuloy ko pa rin at aaminin sa kanya ang nararamdaman ko, gaano man ka-imposible na masuklian niya ang aking pagsinta. Naniniwala kasi akong mas mabuti na ang maagang ma-heart broken (kung marereject), kaysa magtagal sa kakaassume at kaka-what if. At least kapag nalaman mo na ang resulta, mas madali na lang sayo ang mag-isip ng mga dapat gawin. Pero sa ngayon, hindi pa ako ready umamin. Chos! Hahah Good night everyone! Itulog ko na lang po ito hahaha. @Mariagioia00

M@Mariagioia00

PAANO BA? Paano ba matuturuang maging matigas ang pusong sinlambot ng bulak? Paano ba ito matuturuang huwag mahulog at kumapit sa mga tao, bagay at hayop na pansamantala? Paano ba ito mapipigilang masaktan sa tuwing may lumilisan? Paano ba ito malalagyan ng harang para sa mga pangahas na bigla na lang mang-iiwan? Paano ba? -magioia- ***Kinatay nina Papa yung alaga kong mga manok (with permission naman mula sakin), kaso nung nakita ko yung itsura ng dalawang manok, nalungkot ako. Hindi ko kasi talaga keri na makakita ng kinakatay na manok or kahit anong hayop. Naninikip ang dibdib ko sa awa, pero kapag luto naman, sarap na sarap naman ang kain ko. Aisshhh..Di ko na talaga alam ang sarili ko. Lol Magandang gabi sa lahat! PS: Dapat sa kabila ko ito ipopost kaso nadelete ko pala, di ko na na-undo. Bawal pa naman ulitin haha.

M@Mariagioia00

GREEN THUMB💚 To be honest, my green thumb is very poor, but it doesn't mean that I couldn't contribute on the preservation of our Mother Earth. We can still help our nature by doing simple ways such as throwing our garbages on the right place, implementing waste segregation etc. In my case, I don't do planting, but I am always the one incharge of land preparation. Good aftie everyone! PS: Sabi nila magtanim ay di biro, lalo naman ang pag-ayos ng lupang taniman pati pagtanggal ng mga ligaw na damo.

M@Mariagioia00

CUCUMBER "Stay cool as a cucumber, even in the toughest of situations." -Aakanksha (PARI) Patil ***Pipino everyone! Ako lang ba ang ganito kumain ng pipino? Asin at pipino lang oks na. Sabi ni Mama kanina lagyan ko raw ng suka, paminta at asukal, kaso di ko trip ang ganun kaya di ko sinunod. Ganito talaga ako kumain ng pipino, i-slice lang then sawsaw sa asin, may times nga na di ko na ini-slice, diretso papak na pakatapos balatan. Skl po, lol. Magandang hapon sa lahat! PS: Don't mind the salt po haha, wala kaming iodized salt, granular lang. @Mariagioia00

M@Mariagioia00

RADIO GARDEN In this age of Spotify, YouTube and Tiktok, is there anybody here who still loves listening to radio music? If yes, let me share to you this another underrated site (you can also download its apps on playstore) where you can listen to live radio music and news from many countries around the world. It's really good and entertaining. When I am bored, but don't want to scroll to any of my socmed accounts, I would just put my earphones then listen to radio garden. This is the link: https://radio.garden/visit/ Or, you can just search Radio garden on playstore and then download it. I assure you it's worth the try! Good night everyone! PS: I am just sharing what I think would be entertaining for some people. No harm intended. @Mariagioia00

M@Mariagioia00

THE BOILING FROG Have you ever heard about the so-called 'The Boiling Frog Syndrome'? Here's the synopsis of its story: If you put the frog in a boiling water, it will jump out immediately. But, if you put the frog in a tap water and just gradually turn up the temperature of the water, the frog will remain there. The frog will adjust its body temperature in accordance with the rising temperature of the water. It will not jump out no matter how hot the temperature it's in. However, as the water reach its boiling point, the frog is not able to adjust anymore and so, it decided to jump. Unfortunately, it is also no longer able to jump, because it has already lost all its strengths by adjusting with the water's temperature. Consequently, the frog dies. ***This story is often used as a metaphor for the inability of people to decide when to adjust and face the situation, and when to jump out of it. Madalas itong mangyari sa mga abusive relationship. May mga abusive people kasi na umpisa palang nagpapakita na ng mga traits ng pagiging abusive (like the way they think, they act and they talk) pero still tinatanggap at minamahal pa rin natin sila. Some people are already aware that they might be entering an abusive relationship, pero go pa rin sila...kasi nga nanghihinayang sila sa pinagsamahan, kasi mahal nila, kasi akala nila magbabago pa. Kaya ang resulta nasasaktan sila, physically and emotionally. Kaya paalala lang mga kaibigan: "Huwag tayong maging katulad ng Palaka, na aalis lang kapag hindi nya na kayang mag-adjust sa sitwasyon. Hangga't maaari, kapag nasaktan ka na ng sitwasyon o taong iyon sa pisikal, emosyonal at mental na aspeto. Umalis ka na...jump out ka na beh, bago pa mahuli ang lahat. Yun lang po! Magandang hapon sa lahat! Katatapos ko lang maglaba, kaya ngayon lang nakapagbisita kay noise. Hehe @Mariagioia00 PS: Galing po sa isang Facebook post ang ginamit na istorya at litrato (CTTO)

M@Mariagioia00

FUTUREME Have you ever tried writing a letter for your future self? If not yet, you can write that letter in this app FutureMe or in this link https://www.futureme.org/ then deliver it to you on the future date you've chosen and to the email you've provided. I've tried it months ago, and all my letters are now time-travelling. I only write letters for my futureself when I feel ecstatic, disappointed or lonely. I do that because I wanted to be reminded on the next coming years that, there's some time in this year 2022 that I felt that way--that someone made me feel that way. Good morning everyone! Sana future letters na lang ako, so I could also time-travel. Chos! PS: You can visit the site if ever you want more information about futureme. Also, I've learned about this from my trusted Newswriter/Newscaster friend. @Mariagioia00

M@Mariagioia00

Hello po sa lahat!😁 Kaninang hapon pa ako nakapagregister dito, pero ngayon pa lang ako nakapagpost at nakapag-explore. Anyway, magpapakilala muna ako. My username Mariagioia is an Italian translation of my real name. It is pronounced as (Ma-Ri-Ya-Dyo-Ya). Bakit italian, at hindi ibang language like korean or anything? Kasi mahilig po ako sa mga italian-related na bagay-bagay, especially pagkain: pastries, bread, pasta etc. Feeling ko nga isa akong Italian citizen sa past life ko. Lol. Yun lang po. Magandang gabi sa lahat!💚

M@Mariagioia00

NOISE APP Good afternoon everyone! Nag-register na rin po ako sa noise.app gamit ang invite ni @unknownymous. Kung isa ka sa hindi pa nakapagregister, nasa baba po yung invite link ko. I-click nyo na lang po, then create account. Huwag nang magpahuli everyone! Thank you☺️ https://noise.app/invite/gcefviif PS: Same username lang po ginamit ko sakin. Ito po ang aking profile link sa kabila. noise.app/Mariagioia00 @Mariagioia00

M@Mariagioia00

FRIDAY MASS Every Friday (kung wala akong urgent na gagawin), lagi akong nag-aattend ng mass sa simbahan sa kabilang baranggay. At, ngayong araw, ang punto ng banal na ebanghelyo ay: "Hindi maaaring akayin ng isang bulag (sa paglalakad halimbawa) ang isa pang bulag, dahil maaari silang maaksidente, matumba or kung ano pa man." ***Dahil sa punto na ito, naalala ko yung madalas ipaalala saamin ng Prof namin nung college. Sabi niya, "You cannot give what you do not have, as well as, you cannot teach what you do not know." Tama nga naman! Kagaya nang sa puntong nabanggit, paano nga naman maaakay ng isang bulag ang isa pang bulag, kung mismong siya ay walang makita? Paano mo maibibigay ang isang bagay kung wala ka ni-kapiranggot nito? At paano mo maituturo ang isang leksyon, kung hindi mo ito alam at di mo pa nararanasan? Kaya, dapat "HUWAG TAYONG LAGING BIDA-BIDA", sa kahit anong bagay o sitwasyon. Tanggapin na lang natin kapag wala tayong alam, kapag hindi natin kaya, at kapag mali na tayo, para maiwasan nating makapahamak ng ibang tao at makaperwisyo. At, hangga't maaari huwag tayong magpresenta ng mga bagay-bagay na alam naman nating hindi natin ini-aapply sa sarili nating mga buhay. Ika nga sa kasabihan, "Bago mo punahin ang uling ng iba, ang uling mo muna ang sya mong pahirin." Bago ka mag-bigay ng mga suhestyon o komento sa iba, gawin mo muna ito sa sarili mo. That's all! Magandang umaga sa lahat! Happy Friday! Weekend na naman bukas, ano kaya ang magandang gawin bukod sa maglaba? Lol. @Marigioia00

M@Mariagioia00

THIS ISN'T LIKE MY USUAL CONTENT... Good evening everyone! I just wanna ask if there's anyone here in noise who knows the consequences if I change my signature? *** It is because the signature I usually used can be easily forge, so I am planning to make it as my initial, then create new one as my full signature. However, according po sa Attorney ng PAO dito samin, hindi na raw pwede magpalit ng signature unless magpapakasal na, magkakaroon daw po kasi ng descrepancies sa mga past transactions ko. Pero, according naman dito sa Attorney sa video, okay lang daw po magbago, basta you can prove na yung pirma mo sa mga dating transactions mo ay saiyo talaga. Hindi ko po talaga alam kung alin sa kanila ang tama, so I wanna ask all of you po, kung meron bang nakaexperience na ng ganito at kung ano ang ginawa ninyo. Gusto ko po kasi talagang magbago ng pirma bago po ako kumuha ng mga government ID. Ang valid ID ko na lang kasi is PhilHealth and balak ko na ring i-update ito soon, kaya gusto ko po talagang baguhin ang pirma ko. If you'll ask me kung nagkaroon na ako ng transactions sa isang bank...Yes po, nag-open po ako ng Savings account for scholarship purposes, at ang pirma ko dun is yung pirma po na gusto kong palitan. Anyway, sana po may sumagot sa tanong ko.Thank you so much in advance po. @Mariagioia00 PS: Ang larawan ay isang screenshot mula sa YouTube.

M@Mariagioia00

HOLISTIC HEALTH Karamihan sa atin naniniwala sa phrase na: "HEALTH IS WEALTH." Pero sa tingin ko'y kulang ang phrase na iyan, dapat: "HOLISTIC HEALTH IS WEALTH." If you are holistically healthy (Physical, Mental, Emotional, Social and Spiritual), then you are indeed wealthy. ***Aanhin mo ang malusog na katawan, kung marupok naman ang emosyon mo at ang isip mo ay punong-puno ng negatibong bagay. Aanhin mo ang maayos na pangangatawan at kaisipan kung nag-iisa ka naman at di marunong makisama. Kaya, kung gusto mong maging mayamang tunay, pakaingatan mo at bigyang importansya ang 'yong kalusugan sa lahat ng aspeto. Magandang umaga sa lahat! Share ko lang itong week 2 menu nila Mama para sa supplemental feeding nila sa mga bata. Mga pangalan lang talaga yung sosyal pero abot-kaya naman ng bulsa at healthy pa. @Mariagioia00

M@Mariagioia00

LOVE YOU TO THE STARS AND BACK "Walang sigurado pero minsan kailangan mo lang maniwala." -Mika (Julia B.) ***Nakakainis talaga ang movie na 'to nina Joshua Garcia at Julia Barreto, ilang beses ko na 'tong napanood simula nung Senior High ako pero still, TULO-LUHA pa rin ako. Kahit pigilan kong maiyak, wala eh, nakakaiyak talaga ang aktingan nina Joshua at Julia, lalo na 'yung scene sa may tulay. Pero, alam nyo ba kung ano talaga narealize ko sa movie na 'to? Iyon ay, darating talaga tayo sa puntong kukuwestiyunin natin ang diyos, lalo na kung puro negatibo na lang ang nangyayari satin o di kaya'y hindi natin nakukuha ang mga gusto natin. Marami ang nagsasabi na mali ang kuwestyunin Siya, at oo, mali naman talaga. Subalit, kapag nasa punto ka na ng sobrang desperasyon at paghihirap, mas madali sayo o satin ang magalit sa Diyos kaysa maniwala sa mga salitang: "Everything happens for a reason", "May plano ang Diyos saiyo", o di kaya'y "Sinusubok ka lamang ng Diyos, dahil alam Niyang kaya mo at malakas ka." Mahirap paniwalaan ang mga ganun kapag problemado ka na. "Mahirap maniwala sa isang positibo, kung may isang daang negatibo." Pero in case makaharap kayo ng taong kinukwestyon na ang diyos, ano ba ang dapat gawin or sabihin natin sa kanila para gumaan man lang ang loob nila? Ako, if ako yung taong kumukuwestiyon sa Diyos, ang gusto kong gawin ninyo'y HAYAAN AKO. Hayaan akong ilabas ang saloobin ko sa Kanya. Hayaan akong marealize na mali na ang ginagawa ko. Hayaan akong kusang magpagaan sa sarili kong loob. At, hayaan akong maniwala pa rin sa kabila ng pagiging hindi sigurado ng lahat. Kapag hinayaan kasi ako, dun lang ako mas natuto -- natuto sa mga pagkakamali ko at sa mga negatibong pangyayari. Anyway, share ko lang naman ito haha, maghapon kasi akong di nakabisita kay noise. Magandang gabi sa inyong lahat! Nawa'y naging maayos ang buong araw ninyo. Kung hindi naman, ayos lang yan... May Bukas Pa naman! Lol. @Mariagioia00 PS: Galing kay google ang litrato, medyo malabo dahil ini-screenshot ko lang ito. Hehe

M@Mariagioia00

TRASH MONSTERS I love the idea of these trashcans in SM Legazpi City. It's very creative, and when you're throwing your trash, it seems like you are feeding these monsters. I commend those people who created and thought of this brilliant idea. Bravo! Good afternoon everyone! Have a great day! PS: Nasa SM kami now nina @Viola1225 at @OreoCookies, nagpapalamig bago bumalik sa school para kunin yung OTR namin. Dito ko na rin sinabi sa kanila ang tungkol kay noise! Lol. @Mariagioia00

M@Mariagioia00

TORMENT The sun sets as the night falls. I'm alone, how can I break these walls? Guarded by doubts, keep me away from optimism Lighted by torches with flame of pessimism Through vague lights, I saw nothing Only me who's confuse with everything. Negativity is a leech in myself. It sucks the real me, degrades me like an elf. No wonder I am easily deceived, By those people, I truly believe. I was imprisoned since the last many years, In the cage I built because of my fears. Fear of expectations, fear of disappointments. Living with them feels like a torment. -magioia- ***I've written this poem during my dark days. When my mind was still clouded with so many fears. Too clouded, that I couldn't even live the life I wanted to live, that I couldn't be myself when I am doing or saying things. Anyway, it's all in the past, and thanked God, I have overcome all of it. Magandang gabi sa lahat! PS: Nabasa ko iyang poem kanina sa black notebook ko hehe. Kaya shinare ko na rin dito, para marealize ng lahat na anumang sitwasyon o pagsubok ang dumating, darating ang panahon na magiging isa na lamang iyang piece, as in literary piece. Lol. @Mariagioia00

M@Mariagioia00

MOTHER'S LOVE "Anuman ang paraan, kanino man galing--sa nakapagsasalita man o hindi, sa nakapaglalakad man o lumilipad. Ang pagmamahal ng isang ina ay PAGMAMAHAL pa rin na walang katulad, pagka't ito'y puro at wagas." -magioia- ***Let me share to you this beautiful moment of a mother's love. Basta-basta lang kanina pagkuha ko ng pictures sa bagong panganak na si Persha, at hindi ko akalain na maka-capture ako ng ganito kagandang scene. Anyway, share ko lang naman. Magandang hapon sa lahat! Nawa'y maging maayos ang buong linggo natin! @Mariagioia00 #originalcontent

M@Mariagioia00

ANTI-FALLING IN LOVE ACT OF 2014 "Innocent mind suggests innocent solution." -magioia- ***Simula na naman ngayong gabi, ang linggo-linggong sayawan dito saamin. Dahil dito, bigla kong naalala ang isang nakatutuwang pangyayari nung ako ay nasa ika-siyam na baitang sa hayskul. Binigyan kasi kami ng practice teacher namin nun sa ESP ng assignment patungkol sa topic namin. Ang topic namin sa oras na yun ay tungkol sa tumataas na kaso ng Teenage Pregnancy, at ang assignment na binigay ay "kung maging isa raw kaming opisyales sa aming lugar, anong batas o regulasyon ba raw ang isusulong namin para mabawasan ang bilang ng mga kabataang maagang nabubuntis." May mga kaklase akong ang isinagot ay pagpapatupad ng curfew, paglimita sa sayawan, pagbabawal sa PDA at pagkakaroon ng regular na seminar tungkol sa Teenage Pregnancy. Ilan lamang ito sa mga natandaan kong sagot nila. So, eto na nga, ako naman 'tong si Exagge at masyadong general sa buhay. Ang isinagot ko sa assignment ay pagsusulong ng ANTI-FALLING IN LOVE ACT OF 2014. Ang rason ko pa nun ay ito kako ang madalas dahilan ng mga kabataan kung bakit sila nai-involve sa pre-marital sex. Kesyo mahal nila kaya nila nagawa yun at nag-bunga. Tawang-tawa yung teacher namin sa sagot ko, at dun ko lang totally narealize na masyado palang imposible yung batas na gusto kong ipatupad haha. Gusto ko lang naman maalis ang main reason kaya ko naisip yun, kaso di ko naisip na di naman pala talaga madali ang awatin ang puso na magmahal. Hindi naman madali mapigilan ang pagtibok ng puso para sa isang tao. Kaya, gaano man kaepektibo pakinggan ang batas na ito, hindi pa rin ito posible. Magandang gabi sa lahat! At good night sa lahat ng matutulog na! @Mariagioia00 #originalcontent PS: Para sa mga taga-lungsod na di alam ang sayawan, yan po yung probinsya-version namin sa mga club parties na nasa lungsod. Lol!

M@Mariagioia00

GUSTO KO LANG TUMULONG "Gaano man kaganda ang dahilan, kung mali ang paraan...asahan na ang negatibong kahihinatnan." -magioia- ***Habang ginagawa ko yung assignment sa Science ng kapatid ko, napapaisip ako kung tama ba ang ginagawa ko o mali. Ang gusto ko lang naman kasi is ma-feel nya na hindi sya nag-iisa sa academic struggles, kaya as much as possible tinutulungan ko siya sa kanyang mga assignments. Pero siguro, ang ginawa kong pagtulong sa kanya ngayon ay talagang MALI dahil ako na mismo ang gumawa ng assignment nya. Kaya, imbes na siya ang matuto sa aralin, hindi, dahil ako yung gumawa at ako yung natuto. Kaya, dapat hinay-hinay lang sa pagtulong pagdating sa mga akademikong gawain ng ibang tao, kasi imbes makatulong tayo, ang nangyayari ay mas napapasama pa natin sila. Tulungan natin sila sa pamamagitan ng paggabay, at hindi ang mismong paggawa ng mga takdang-aralin nila. Magandang hapon po sainyong lahat! @Mariagioia00

M@Mariagioia00

MANOK Did you know? "If you take a closely look at the word manok, you'll see that it is composed of two English words 'Man and OK'. If we try to put its other English values, we'll have: Man is human. Ok is good. Thus, MANOK means HUMAN GOOD." -magioia- ***According to Aristotle, human good is the best "GOOD" achievable by humans in action. The highest human good is called EUDAIMONIA, a greek term which has three-words English translation, such as: WELL-BEING, HAPPINESS and FLOURISHING. So, what's the point of all these? Nothing. I just want to remind every people here in noise that the best way to achieve true happiness, well-being and a flourishing life is to do HUMAN GOOD! That's all. PS: I was trying to think a nice caption for this photo, but I end up realizing all of these. Good morning everyone! Have a great Sunday! @Mariagioia00 #originalcontent

M@Mariagioia00

AKALA KO... "Maraming MASASAYANG PAGKAKATAON ang maaari nating MAPALAGPAS kung patuloy nating paiiralin ang salitang AKALA." -magioia- ***Few days ago, napag-usapan namin na magkaroon ng outing sa last day ng training namin sa TESDA. Sang-ayon ang halos lahat sa aming mga kaklase, maliban saakin. I was really hesistant kung magjojoin ba ako sa outing or not. Iniisip ko kasi na baka hindi ako mag enjoy since sa loob ng 29 days training namin iilan lang talaga ang masasabi kung close ko. Balak ko lang talaga mag-ambag sa contribution, and wag na sumama. However, there was something yesterday that changed my mind. I don't know what was really that, all I know is, it pushed me to join the outing today. And buti na lang nagbago ang isip ko, dahil nag-enjoy ako ng sobra sa outing namin. Ang lamig-lamig ng tubig na parang may ilang bucket ng yelo ang inilagay. Pero kahit ganun, preskong-presko ako na parang ayaw ko ng umahon mula roon. Dagdag pa, mas lalo rin akong nag-enjoy sa mga pakulo na pinaggagagawa ng mga kaklase ko. Akala ko maa-out of place ako sa grupo, pero "AKALA KO LANG PALA" talaga. 'Kaya kayo mga kaibigan, kung may pinaplano kayong gawin or abutin subalit nababalot kayo ng mga AKALA. Huwag na lamang kayo magpadala sa akala ninyo--try to take risks, dahil malay mo, doon ka pala talaga magiging masaya at kontento.' Magandang gabi sa lahat! Maghapon akong di nakapagbukas ng noise, busy kasi. Anyway, I hope masaya ang naging maghapon nyo, masaya kasi yung akin. Lol @Mariagioia00 #originalcontent PS: Yan po yung lugar kung saan kami nag-swimming. Marami ng kaibigan ko ang nag-ayang pumunta kami rito, pero di ko napaunlakan. Kaya, ngayon palang talaga ako nakapunta rito kahit super-lapit lang nito sa barangay namin.

M@Mariagioia00

PAGHIHINTAY "Ang salitang paghihintay ay hindi kailanman magiging tama o mabuti kung palaging kaakibat nito ang salitang pagmamadali." -magioia- Alam nyo ba ang mga rason kung bakit NABABAGOT tayo sa PAGHIHINTAY, NAIINIS tayo pag PINAGHIHINTAY at NAGAGALIT tayo pag NAGHINTAY tayo sa wala? Ito ay dahil una, may umaasa't naghihintay din sa pagdating o pagbalik natin. Ikalawa, dahil nagmamadali tayo at ikatlo, dahil nag-eexpect tayo lagi na may makukuha tayo kapag naghihintay. ***Kanina, naghintay ako sa pagbukas ng PAO dito samin, dahil kukuha sana ako ng affidavit. Habang naghihintay, pinapakiramdaman ko ang sarili ko, kung bagot na ba or inis na, pero alam nyo kung anong nakapagtataka? Hindi ako nabagot at hindi ako nainis. Para sa isang taong mainipin na gaya ko, talagang kakaiba ang ganitong pakiramdam. Kaya para malinawan, muli kong inalala ang mga paghihintay na ginawa ko sa nakaraan. At dun ko napagtanto na kaya pala hindi ako nabagot o nainis ay dahil hindi naman ako nagmamadali, wala akong inaalalang urgent na gagawin pagkatapos kumuha ng affidavit, at wala ring naghihintay sa pagbalik ko (sad🥺, chos!) kasi alam naman ng mga tao sa bahay kung nasan ako. Pagkalipas nang mahigit isang oras, dumating ang inaantay ko (pagbukas ng opisina ng PAO). Yun nga lang, hindi ako nakakuha ng affidavit dahil hindi raw darating si Attorney sabi ng assistant nya. Nagalit ba ako dahil wala akong napala? Hindi, kasi hindi ako nag-expect na makakakuha ako agad. Alam ko naman na hindi ko talaga lagi maaabutang nasa opisina si Atty dahil sa mga hearing nito. Kaya nang sabihin na bumalik na lamang ako sa lunes ng hapon ay magalang kong sinagot na 'okay po, walang problema.' *** Kayo mga kaibigan, nababagot na rin ba kayo sa paghihintay sa mga tao, bagay, pangyayari o biyaya na inaantay nyo? Kung gayon ay "Alisin ninyo ang PAGMAMADALI sa inyong mga sarili, upang ang PAGHIHINTAY ninyo'y maging madali." Magandang araw sa lahat! Happy Friday po sainyo! @Mariagioia00 #originalcontent

M@Mariagioia00

MAKAHIYA Kilala nyo ba ang halamang Makahiya? Eh, ang lumang kwento nito? Kung nabasa nyo ang lumang kwento nito kung saan tampok ang halamang makahiya, si langgam at diwata, matatandaan ninyo kung gaano kaganda ang aral na mapupulot dito. Ang aral na: "Gaano man kaganda ang iyong panlabas na kaanyuan at gaano man kataas ang iyong pinag-aralan, kung ikaw ay isang palalo at sakim, asahan mong may kahihinatnan ka. Sabi nga sa Mateo 23:12, 'Ang nagmamataas ay ibababa at ang nagpapakumbaba ay itataas.'" Good night everyone! Sweet dreams to all of you! @Mariagioia00

M@Mariagioia00

SKY BLUE Have you ever wondered why the sun only comes out when the sky is clear and blue, but hides when the sky is crying? ***This is to remind us that in our lives, there's always someone out there who would rather stay behind us to give us time for ourselves and cry alone, and who will only show up and sit beside us when everything is already calm but blue. Calm kasi manhid na, at blue as in na sa point of miserableness ka na. Minsan, nakakainis ang mga taong ganun, kasi mapapatanong at mapapaisip ka na lang na, "Hindi ba ako ganun kahalaga para damayan mo ako sa oras na kailangan kita?" Pero ito kasi ang point dun eh, may mga oras na nahihirapan tayo na akala natin kailangan natin ng tulong ng iba, pero yun pala kayang-kaya naman nating lagpasan nang tayo lang. Alam ng mga taong iyon (na nagsisilbi bilang mga Araw natin) kung kailan kailangan na kailangan na natin ng tulong. Dumadating sila sa ganoong punto ng paghihirap natin dahil alam nilang hindi na natin magagawa o malalagpasan iyon ng tayo lang. Napatunayan ko ito nang minsang maharap ang pamilya namin sa isang malaking dagok. Bago pa iyon, hirap na hirap si Mama at si Papa na makahiram ng kahit maliit na halaga ng pera sa mga kapatid nila. Pero nang dumating itong dagok na ito, wala pang paghiram at paghingi na nangyayari ay nagsipuntahan na agad ang mga tito at tita namin para makiramay at tumulong sa pagresolba sa dagok na iyon. Kaya tandaan, sa oras na kailangan mo ng tulong at walang nagbigay saiyo. Isipan mo lamang na baka gusto nilang harapin mo iyon ng mag-isa, gusto nilang matuto ka roon kaya hindi ka tinutulungan. Darating naman sila kapag lugmok ka na, at hindi mo na kaya. @Mariagioia00 Hindi ko alam kung sang-ayon kayo sa aking sinabi, pero iyon ay mga reyalisasyon ko lamang. Magandang hapon sa lahat! PS: Hindi ko nasamahan ng litrato dahil medyo makulimlim dito sa amin.

M@Mariagioia00

IT'S THE TIME OF THE YEAR AGAIN... Narinig nyo na ba ulit ang kanta ni JMC? Di ko pa kasi naririnig haha. Kala ko magigising ako sa mga kantang pamasko, pero di pala. Excited pa naman akong maki-sing along sa 'Whennneeeveer I seee girls and boyyss...' Chos! Anyway, buti na lang September na, four mos. to go na lang, tapos na 2022. Nawa'y maging maayos, masaya at masagana pa rin ang natitirang mga buwan ng taon. Advance Merry Christmas sa lahat! At Happy September 1st sa inyo! @Mariagioia00 Photo credit to the owner.

M@Mariagioia00

SARIMANOK Alam nyo ba na ang tunay na ibig sabihin ng SariManok, ay Sari-saring Manok? Chos lang. Nakita ko lang 'to sa gallery ko. Kuha ito last year, habang nagtetraining kami ng Poultry Production sa isang Farm dito samin. Gustong-gusto ko itong mga manok ni Sir, sari-saring breed kasi at ang tataba pa. Ang sarap nitong ulamin. Nagtry nga ako kumuha ng isa kaso huli agad. Haha. Anyway, ngayon naman patapos na ako sa training ng Poultry Production NCII sa Tesda(skl). At nagpaplano akong magraise ng layers na mga ganitong breed. Mahilig kasi ako sa itlog, kaso butas-bulsa na ngayon sa presyo ng itlog. Lol. Speaking of itlog...tanong lang, kailan ba natin masasabi na ang itlog ay organic? @Mariagioia00 Napakarandom ng content ko, pasensya na po haha. Magandang gabi sa lahat! PS: Ang Sarimanok po ay isang alamat mula sa Mindanao (kung di ako nagkakamali), tungkol ito sa prinsesang si Sari at ang prinsipe na nag-anyong tandang na manok.

M@Mariagioia00

NO ONE CARES My life is an open-book. But no one tried to read it, Not because it's boring, It's just that no one cares. -magioia- ***'Being ignored' is one of the things I fear. Being ignored by the people I value and care about the most hurts me. Hindi ako papansin o bida-bida na tao. Isa akong invisible sa mga pagtitipon, ayoko ng masyadong atensyon. Pero kapag nauhaw ako sa atensyon ng isang tao, dun lang ako gumagawa ng paraan para magpapansin. At kapag nag-effort na ako, pero no pansin pa rin, iyon na ang point na magdadamdam na ako at mag-ooverthink, kesyo di ako importante, di na ako kailangan...emo-emo ba, ganun! Lol. Masyadong maarte pakinggan, pero yun talaga nararamdaman ko. Pero syempre, di ko 'yon sinasabi sa taong yun, sinasarili ko lang kasi alam kong di naman magtatagal ang tampururot kong iyon. Haha. Anyway, di ko na talaga alam mga sinasabi ko. Mema na lang haha! Pero seryoso ako sa part na di ko talaga gusto ang maignore ng mga importanteng tao sakin. Ang sakit kasi nun, promise! Magandang hapon! @Mariagioia00 Ang larawan ay kuha mula sa PINTEREST.

M@Mariagioia00

PAGTITIWALA Ang pagbuo muli sa nasirang pagtitiwala Ay parang pagpapalipas ng araw, Pwedeng mangyari, pero kailanma'y di na magiging gaya ng dati. -magioia- ***Maraming bagay ang sumisimbolo sa tiwala. Mayroong nagsasabi na ang tiwala ay kagaya ng mababasaging bagay, kapag nahulog, nabasag at nasira - hindi na muling maibabalik pa. Subalit, iba ito sa aking paniniwala tungkol sa 'tiwala'. Naniniwala ako na kaya pa nating maibalik ang tiwala sa atin nang sinuman, iyon nga lang hindi na ito katulad ng dati. Mas sensitibo na ang pagtitiwalang maibibigay nila, pagka't may lamat na. Konting kibot, konting mali, madadamay ang nakaraan. Kaya kung ayaw mo ng ganitong tiwala, pakaisipin mo palagi nang makailang ulit ang mga desisyon at gagawin mo sa buhay. Timbangin mo palagi ang mga kahihinatnan at ang maaaring mawala sayo sa oras na gawin mo ang isang bagay. Gayunman, kung nangyari na ang pagtitiwala sayo ay naging sensitibo na. Ang payo ko lamang ay pakaingatan mo na itong mabuti. Seryosohin ang pangalawang pagkakataong binigay sayo, dahil kung nahihirapan kang alagaan o ingatan ito, tandaan mong mas mahirap magbigay ng bagong pagkakataon at pagtitiwala sa mga nanakit o nakasakit na. Magandang umaga sa lahat! Kayo, ano ba ang paniniwala nyo sa PAGTITIWALA? @Mariagioia00

M@Mariagioia00

BAMBOO TREE Slender stems, unstable roots, Small leaves, weak branches. That's a bamboo tree! Typical and no significant characteristics, But has an amazing behavior toward strong winds. Unlike mango tree and any other trees, Bamboo never resists the winds, nor stand still against it. Bamboo sways with the breeze, in tune of the latter. Thus, no matter how strong the wind blows. It will never be toppled nor broken, 'Cause it's pliant and resilient. -magioia- ***There was a story entitled "Pliant like a Bamboo" - I cannot actually remember its whole story, but I still vividly remember its moral lesson. This story taught its readers about resilience and humility. It reminds people to be like a bamboo when face with struggles. It reminds us that in time of difficult situation, we should just sway gently with it and just go with its flow. So, like a bamboo tree, struggles or strong winds could never bring us down nor break us. Magandang gabi sa lahat! Kamusta ang maghapon nyo? @Mariagioia00 #originalcontent

M@Mariagioia00

Tree of Life Did you know? The Coconut or Palm Tree (Cocos Nucifera L.) is referred to as the "Tree of Life", because of its incredible value to man and the many products and by-products that can be obtained and made from it. -google- @Mariagioia00 Magandang tanghali sa lahat! Ps: Wala akong mapost na content, ito muna. Lol.

M@Mariagioia00

Mahogany "Iwanan man ako ng lahat ng aking mga dahon sa panahon ng taglagas, ayos lang - Mahogany pa rin naman ako. Isa pa rin akong matatag na kahoy na kayang palaguin at patibayin pa lalo ang sarili upang maging handa sa panibagong mga dahon sa tagsibol." -magioia- Katulad ng mahogany, dapat maging bukas din tayo sa mga umaalis at dumarating sa buhay natin. Huwag tayong kumapit sa mga bagay o taong nakatadhanang lumisan. Hayaan natin ang mga aalis, hayaan natin kung mananatili. Ang pakaisipin natin ay kung paano mapalalago ang sarili, kung paano natin patatatagin ang sarili, upang sa pagdating ng mga bago sa ating buhay...handa tayo! Magandang gabi po sa lahat! @Mariagioia00 #originalcontent PS: Mini-forest po ang nasa larawan, karamihan ng kahoy na nakatanim diyan ay mga Mahogany. Wag na lang po pansinin ang mga tao sa larawan, nakidaan lang po sila. Lol