May mga tao talagang hindi pwede
Hindi ako Maganda. Hindi ako matalino. Hindi ako katulad ng ibang babae kung saan saan mo nakikita. Tignan mo, pagmasdan mo ang nasa paligid mo. Bakit ako? Bakit ako ang pinili mo?
Nakilala mo ako bilang isang babae na dinidistansya ang sarili sa mga lalaki. Naging masama ang tingin mo sakin dahil akala mo ako lagi ang nauunang gumagawa ng hindi tama.
Year 2016
"Anong pakiramdam ng naghahabol?" tumingin siya sakin at ngumiti pagkatapos niya iyong sabihin "Sa ilang taon mo na siyang gusto nagmumukha kanang aso."
Tumingin ako sa labas ng bintana at tumawa dahil sa sinabi niya at tumingin sakanya ng kalmado "Anong pakiramdam ng hinawakan ng isang laki ang bawat parte ng iyong katawan?" Tinaasan ko siya ng kilay "Ayaw ko talaga sa lahat yung babae na katulad mo. Bukod sa akala mo perpekto ka, yung nagkukunwaring mahinhin pero nasa loob naman pala ang kulo. Pero naisip ko, ayoko pag aksayahan oras ko sayo. Kawawa ka e."
"Anong sabi mo?" Aakmain na sana akong sasampalin pero hinawakan ko kamay niya
"Pvtngna naman. Ang haba ng sinabi ko ayoko ng ulitin pa. Diretsahin na kita wala akong panahon sayo, kaya pwede ba? tigilan mo na ako
Dahil sa isang halakhak nag bago ang lahat. Nandoon ka, nakita mo ako sa posisyon na hindi pagkakaunawaan at andon ka din nung mga panahon na kahit hindi ko kailangan ng tulong...
Sa araw din na iyon...
"Mauwie." Tinawag mo ang pangalan ko at napatigil ako sa paglalakad pero di ako humarap sayo "Naniniwala ako sayo."
Sapat na sakin yun. Simpleng salita pero binigyan mo ako ng dahilan para patunayan na meron at meron pading tao na naniniwala sakin na hindi talaga ako ganon dahil gusto ko. Mas pinili kong maging masama sa paningin ng iba dahil gusto kong ipaglaban kung ano talaga ang tama. At masaya ako sa araw na iyon dahil nandyan ka.
Year 2017
Nakita mo kung paano ako maglabas ng isang stick ng s!g@rilyo at sinisindihan ito at ng masindihan na, humithit ako ng isa at tumabi ka hindi man kita pagmamasdan, nakatayo ka ng pirmi sa gilid ko't nagkakamot ng ulo "Hindi kaba natatakot na...malaman ng lola mong naninigarilyo ka?"
Pinigilan kong hindi matawa "Kung isusumbong mo ako Prez." at napatawa din siya dahil doon
"Oh sige, ganito nalang di kita isusumbong pero...pwede ko bang maranasan humithit kahit isa lang?" Hindi ako makapaniwala sa sinabi mo nung mga oras na 'yon kaya natawa ka sa reaksyon ko at kinuha nalamang ang stick na nasa kamay ko at humithit.
Akala ko kahit may jowa kana sa mga panahon na yon, magbabago pagtingin mo sakin. Pero hjndi, Sa kada lapit at pangasar mo sakin. Ikaw lang ang nag-iisang lalaking nakakayanan akong kausapin kahit na alam ng iba na ayoko ng kinakausap ako palagi.
12.12.17
"Paano mo siya nakakayanan kausapin pre?" Nadinig kong tanong sayo ng kaibigan mo sa kabilang seksyon
"Bakit, mahirap ba siyang kausapin?" Napatawa ka dahil don "Hindi naman siya nangangagat ah. Nakita niyo naba siyang nagalit kapag kinakausap ko siya?"
"Wag mong sabihin na, may gusto ka sakanya?"
"Gags, Pinsan ko gusto niya."
Nagpapasalamat ako sa lahat. Kasi sa lahat ng naging kaibigan ko simula pagkabata, alam mo kung sinong gusto ko noon paman. Kahit na, umamin ka sakin noon na gusto mo ako. Pasensya na, hindi ko kayang magmahal ng pinsan ng lalaking gusto ko.
Year 2019
"Mauwie, wala kabang jowa ngayon?" Nakasakay tayo sa motor mo at ihahatid mo ako sa mga araw na yon
"Wala." Simple pero gusto kong dugtungan at sabihin sana na naghihintay padin ako sa pinsan niya
"Oh, okay. Kung...pwede sana akong manligaw sayo?"
At pagkatapos non, Sa mga oras na yon, hindi kita kinausap. Di ako nag chat. Di ako sumagot sa tanong mo na iyon at pinagpatuloy ang buhay kong tahimik.
Year 2021
"Nadinig ko yung problema mo sa lovelife haha bakit dimo pa kasi ligawan yung kaklase mo?" Napangisi ako "Wala akong masabi kanina kasi wala naman akong jowa lol"
Napatawa siya ng mahina "Baliw, wala yon. Teka, ilang taon na din pala simula nung huli tayong nagkausap ng ganto ah."
Sumang ayon ako "Kung liligawan mo yung babae na yon, siguraduhin mo na totoo yung nararamdaman mo. Dibale na kapag na reject, ang mahalaga'y nagpakatotoo ka."
Sa kinagabihan din na iyon, nabasa ko ang chat mo sakin 'Paano kapag ikaw talaga ang gusto ko?' Pero...mas pinili kong tumahimik ulit.
01.04.22
"Bakit ba lagi mo iniiwasan nararamdaman ko sayo?" Tinatagan kong tumingin ako sa mga mata mong malungkot pagkatapos mong sabihin yon.
"Hindi mo ba gets? Hindi tayo pwedeng dalawa. Yung buhay ko iba sa buhay mo ngayon. May patutunguhan ka, ako? Hindi ko alam kung ano bang gagawin ko sa buhay ko. Kaya pwede ba? Please, wag mong sayangin ang buhay at pangarap mo sa babae na katulad ko. Wag mo sayangin pinaghirapan ng magulang mo kung ano ka ngayon." Umiwas ako ng tingin "Sa totoo lang, Wala akong nararamdaman sayo. Alam mo naman na yung pinsan mo gusto ko diba?"
Pagkatapos ng ating pagtatalo sa mga panahon na yon, naging malamig ang pakikitungo nating dalawa at isang araw, nakita kitang may kasamamg iba.
*Flashback*
Kinabukasan, pagkatapos ng pagkikita sa outing, "Nanliligaw ba sayo si Yvez, Mau?" Tanong sakin ni lola
"Ewan ko sakanya. Bakit mo natanong la?" Nagtatakang tanong ko sakanya habang kumakain ng pandesal
"Nagulat lang ako sinundo ka dito. Siya lang ata yung may lakas ng loob na mag hatid sundo sayo noon pa diba?" Napakunot noo ako sa sinabi nya "Pero iha, alam mo naman ang pamilya niya diba? Graduate sila sa college, professional silang guro, engineer. Nag aalala ako kapag nalaman ng Mama niya yan or pamilya nya, alam mo na."
Minsan sa buhay natin kailangan nating idistansya ang sarili natin sa mga taong nagmamahal sayo. Hindi dahil gusto mo pero mas nararapat para sa ikabubuti nila. Wala talaga akong nararamdaman sakanya. At noong nakita ko na may kasama siyang iba. May parte sa sarili ko na malungkot kasi hindi kami pwede, at may parte din sakin na masaya kasi alam kong balang araw ikakasal siya sa babae na mabibigyan siya ng magandang kinabukasan.
Nagparaya ako kasi hindi ko kayang suklian ang nararamdaman niya. Kung mananatili siya sakin, baka ipagsiksikan niya lang ang sarili niya. Ilang beses ko nabang nilayo ang mga lalaki sa buhay ko? Hindi nila ako pwedeng mahalin dahil wala pa akong naipapakita, wala pa akong nararating. Nanliliit ang sarili ko sa mga ibang babae na nakapaligid sakanila. Ayoko, ayokong masaktan sarili ko. Kaya inunahan ko na. Tutal naman, hindi kami talaga pwede sa isa't-isa.
Author's Note:
Hi, Ako nga pala si ExpertWritter, simula ngayong Pebrero, gusto ko sana mag publish ng mga tagalog or english short stories ngayong buwan ng mga puso. At dahil bitter ako, pasensya na kayo if ganyan ang ending HAHA alam niyo or napansin niyo ba? Opo, Kwento namin ni Engr. To kung pano nagsimula at kung paano nagwakas.
To translate this Article if you like to read, try to click the globe above to translate to English. Thank you for reading!
My Previous articles:
Secret Recipe: How to have a best relationship?
3 relatable situations that always happen in the School
My Daydream romantic date with you
Ganito pala yung kwento niyo yiee.. He was very persistent ah hihi..pero dahil may ganiyan na situation..sometimes we can't get out of it. that's why we tend to stay quiet nlang...pero sa huli alam ko masakit..parang wattpad lang..