Nakapaghapunan na ba ang lahat?
Kakatapos lang naming mag-iina. Busolved na!
Adobong pork giniling at nilagang saba panghimagas. Mabigat sa tiyan! Hehe. Dapat para sa snack yan kaya lang mas pinili ng mga chikiting ko ang champorado.
Mamaya naman makapagkape.
Ngayon magpapareading session muna ako kay Elyzz at Bertt. 😉
Magandang gabi po sa inyo. 💚
Inabutan kami ng ulan habang namimili sa palengke kanina. Tinanong ko si mister kung ano bang lulutuing ulam. Di naman sya nasagot! Haha! Sabi ko bet mo ba ang tuyo kako saka noodles? Parang ang perfect nya sa maulang gabi kasi. Ayun nag-agree sya kaya nag-ikot kami at naghanap ng tuyo.
Akala ko 'yung tuyong "lawlaw" kung tawagin ang bibilhin namin. Kaya lang mas masarap ang tuyong "sapsap"! 200Php ang isang kilo pero ang dami naman masyado kaya sabi ko kalahati lang. At nung nagtitimbang na ang Ale naku sobrang dami parin pala nung half. Di ko na mabawi, dapat pala 1/4 lang. 😂
Di na naman nakapagtantya ng ayos!
Matagal tagal kami mag-uulam ng tuyo.
Di bale masarap naman talaga yan.
Tara po kainan na. 😉
Sa Wednesday na ang pictorial for moving up ng mga kids. Kailangan ng uniform kaya nag-order ako last time pero pangtaas lang. Tapos medyo malaki din 'yung size na nabili ko at di ko talaga bet ipagamit sa kanila. Kaya naghanap kami ni mister sa bayan at nakabili kami ng tig-isang pares na. Nakakahinayang man dahil di na magagamit ni Elyzz 'yung kanya pero keribels lang at remembrance naman nila 'yun na makikita hanggang sa paglaki nila.
Nakabili din kami ng prutas sa palengke. Saging at ang most requested ni Bertt na grapes. 'Yung banana para sa mga girls kasi yun lang ang kinakain nilang prutas. Si Bertt lang talaga ang naiiba, halos lahat ng fruits ay gusto nya. Ngayon yang grapes ang special request nya. 😉
Watching while eating ang bebe pogi ko. 💚
Budol (again!) 😅
Kanina habang nagbibreakfast kami tamang usap at kwentuhan kami ni mister habang nagkakape. Ang mga kiddos mas nauna sa aming natapos. Bigla ko naalala na Monday pala at may module ulit kami ng mga kids.
Sya naman biglang nagsabi, "Mag-general cleaning pala ako." Aww! Biglang pumalakpak ang tenga ko. Tuwang-tuwa ako at pinuri ko pa na napakabait naman kako. Sabay tawa at sabing ang iki-clean up naman pala ay aquarium at mga alaga nya! Aigoo!
Nabudol nga pala sya ulit! Bumili ng water pump/filter at LED lights. Dalawa na kasi ang tank nya. Akala ko pa naman talaga maglilinis sya ng bahay. Haha! Napeke ako. 😂
It's Pork Nilaga for dinner time. 😉
Masarap parin naman ang sabaw kahit cabbage at pechay lang ang gulay nya. Habang nakasalang at pinapalambot ko 'yung pork niyaya ko mga chikiting ko para bumili ng gulay. Ngayon na lang sila nakalabas at f na f nila ang paglalakad sa kalsada na hawak kamay kami.
Super enjoy na sana ng biglang may padaang police car sa street sabay nagkagulo dahil may sumigaw na may police. Nagtakbuhan na naman mga tao specially mga bata sa loob ng mga bahay nila. Nakakatrauma kaya kapag ganyan! Maluwag naman na e pero nataranta din ako promise. 😂
Kaya sa unang tindahan na nadaanan namin dun na kami bumili. At ayun kulang-kulang ang nabili ko dahil sa pagmamadali. Naisip ko nga nakaface mask naman kami at baon ko din naman vaccine card ko. Tinamad na lang din ako lumabas ulit. Pwede na din naman kako yan. Haha!
Tara kain po tayo. 💚
3pm ako nakauwi galing pagsamba. Papunta at pauwi special ride ako sa trike. Ayaw kasi nila magsakay ng wala kang kasama or kasabay. Understandable naman kasi napakamahal ng gasolina. Kaya lagi ko ng linya sa mga driver e isang takbo na po. Kaysa naman mahuli ako at kaysa naman matagalan na walang kasama nga anak ko.
Ang dami kong gutom! Hindi pala ako nakapaglunch kanina. Di ko naman feel kumain ng rice sa ganitong oras kaya nagluto na lang ako ng pancake. Sabayan ng kape e solved na. Lunch and snack in one ko na ito. 😉
Gandang hapon po sa inyo. 💚
Story Time! 💚
Last night after dinner ay nagrequest pa na makapagplay sa gadgets ang tatlong chikiting. Di naman ako mahigpit sa ganyan as long as may limit at tapos na sila sa mga aralin nila. Weekend naman kaya walang module pero may reading activities pa kami. Kaya sabi ko after nila makapagbasa ng isang short story ay okay na at pwede na sila magplay.
Ayun na nga busy na ang tatlo sa paglalaro ng tumabi at sumandal sa akin ang bunso. Habang naglalaro sya nangingiliti pa. Edi nagkilitian na nga kaming mag-ina. Hanggang napansin ko di nya suot ang anti-radiation glasses nya. Isa din 'yun sa nirerequire ko sa kanila kapag gagamit ng gadgets.
MAMA:
Why you're not wearing your glasses baby?
Nagulat sya sa tanong ko (paninita ko) at biglang binaba ang tablet nya. Akala ko tatayo na para kunin ang salamin nya pero dinampot lang ulit ang tablet.
Sabay sagot sa akin ng..
ERYNN:
I'am wearing an INVISIBLE GLASSES!
Sabay ngisi sa akin at may pahawak effect pa sa mata nya! Naloka ako sa sagot nya! Ang tawa ko naman talaga!
Gusto ko sana sakyan 'yung kalokohan nya e kaya lang tawang-tawa na talaga ako.
End up ako na kumuha ng salamin nya at sinuot ko sa kanya. Ang kulet!!! 😂
Chicken adobo for lunch (again). 😅
Sobrang hirap ang pag-iisip ng uulamin 3x a day. Plus 1 pa kasi may meryenda. Legit na legit yan! At kapag hirap ako makaisip at wala naman din mailalahok aside sa prito-prito ay adobo ang pick ko! Aside sa very easy to prepare at tipid sa sangkap e patok naman talaga sa tastebuds ng lahat.
Fresh na fresh ang mga chikiting at bagong paligo. Time to eat na! After ko makapain ang aking mga chikiting ay time to prepare naman para sa pagpunta ko sa school. Schedule ng retrieval and distribution ng module. Last time nasabi ng teacher na 3 weeks na lang ang klase. Kaunting tiis at tiyaga na lang! Aja! 💪
Malapit ng mag-end ang school year at di ko expected na mairaraos ko talaga etong dalawa ko. Sobrang hirap pero napakafulfilling na natuto naman sila sa akin. Nung una nakakafrustrate kasi di ko malaman ang tamang approach kasi parang di ko ba ma-impart sa kanila ng tama 'yung kailangan nilang matutunan. Pero nagulat na lang ako na advanced na pala sila while all along akala ko behind kami. 🙏
Pictorial na nila for graduation sa June 1 and kagabi lang kami nainform na need ng uniform. OMG! Never kami bumili kasi wala namang face to face classes. Nanghinayang naman ako if ngayon pa bibili tapos next pasukan iba naman na ang school so iba na din ang kulay.
Nagtanong pa nga ako if may iba pa bang option. Baka pwede nakadress or any polo sana. Di daw pwede kasi may picture na uniform ang suot. Ayun walang choice kaya napa-placed ako ng order sa Lazada kagabi. Pwede naman pangtaas na lang kasi half body lang naman. 😅
Nauuso na naman ang ubo at sipon gawa ng pabago-bago ang panahon! Napakatindi ng init pero maya-maya may biglaang pagbuhos ng malakas na ulan. Doble ingat at bawal magkasakit! Huwag kalimutang magdala ng payong kapag kayo ay aalis ng bahay. 😉
Oras na po ng pananghalian!
Kumain na po ba kayo?
Mackerel sinigang ang aming pagsasaluhang mag-iina.
Tara kain po tayo. 💚❤️
Feeling weird ako ngayon!
May gusto ako kainin na di ko mafigure out kung ano. Kung something salty ba or sweet. Basta magulo. Haha!
Dinner time na at ang niluto ko ay chicken tinola, na ang tanging gulay ay sayote! Gusto ko sana mag-sigang kaya lang wala na akong mabiling sariwang gulay. Late na kasi ako nakalabas kanina kaya ayun sayote na lang.
Hindi na ako masyado nag-i-stock ng gulay sa ref kasi madaling masira lalo kapag mga dahon. Kaya if magluluto ako na may gulay e nalabas pa ako para bumili na lang. Meat na lang ang stock ko kasi mahirap din ang bilihan dito.
Gandang gabi po!
Tara kain. 😉
Good morning it's breakfast time!
Hotdogs, pritong galunggong at leftover namin kagabi na pork paksiw with lechon sauce. Ang aga ni mister kanina at sumamba muna sya bago pumasok sa work. Di na ko sumabay sa kanya para maiready ko pa ang baon at uniform nya.
Dapat pritong galunggong ang ipapabaon ko sa kanya kaya lang di ko pala naibaba sa chiller kaya ayun nauwi sa hotdogs. Sinamahan ko na lang ng pork paksiw na ulam kagabi. Ininit ko na lang saka nag-add na lang ako ng instant carbonara para may pang snack sya.
Tara po kain na at magkape. 💚
Magandang umaga! 💚
Ready na ang breakfast pero ang mga chikitings ko tulog na tulog pa. Coffee na muna ako habang naghihintay magising ang tatlo. Coffee is life parin. 😉
Kahapon non-stop na naman ang ulan dito at nataon na naman sa araw ng paglalaba ko. Kaya ayun ginabi na din ako bago nakatapos. Inabutan pa ako ni mister na nagsasampay at buti tinulungan na nya ako.
Ngayon ang agang sumikat ng haring araw kaya nagmadali akong ilabas ang mga sampay. Araw-araw ng umuulan kaya feeling ko di din tatagal ang init. Pero sana naman bago sya magtago ulit mamaya e nakatuyo na ang mga damit.
Magluluto sana ako ng sopas para sa meryenda ng mga bata kanina. Request ni Bertt yun ilang araw na. Kaya lang may mga bisitang dumating at may dala namang spaghetti at chicken burger. Etong nasa picture e natira na lang namin mag-iina. Mukhang may aabutan pa si mister mamaya pag-uwi nya!
At dahil naman nakagayak na din yung pangrekado ko sa sopas e itutuloy ko na din lutuin. Yun na lang ang panghapunan namin. 😅
Basang sisiw!
Ayun na nga inabot ako ng napakalakas na ulan! Halos isang oras din akong pumila sa school. Sobrang dami ngayon ng mga parents na nagpapasa ng module. Nagtaka naman ako kasi dati naman hindi ganun. Parang ngayon palang ata sila nagsasubmit ng mga previous modules kaya si teacher sige din sa kakasermon.
Buti nagpahintay ako kay manong tricycle na nasakyan ko. Pero naawa naman ako sa tagal ng paghihintay nya at inabot na din sya ng malakas na ulan. Binigyan ko na lang ng malaki-laking pakunswelo sabay sabing salamat na naghintay sya. Kung hindi nya ako hinintay mapapalusong pa ako sa bahang daan. 😅
Makapagkape na nga muna. 😉
Tag-ulan na yata talaga!
Araw-araw na umuulan dito pero grabehan parin sa tindi ng init. Dati kapag maulan tipid na sa kuryente kasi malamig na. Ngayon ganun parin doble electric fan parin ang gamit.
Closing shift si mister kaya naaya kong dumayo sa pamilihan sa kabilang subdivision kanina. Mas marami kasi ang nagtitinda ng meat at vegetables doon. Nakabili naman kami 1kg ng baboy - 360Php saka whole chicken - 190Php.
Nagluto ako ng nilagang baboy para may sabaw. Dinamihan ko na para abot na hanggang hapunan, iinitin na lang solved na! Sana naman tumila ang ulan at magpapasa ako ng module ng mga bata ngayong 1:30pm. Nakakatamad kasi lumabas kapag nag-uuulan. 😅
Habang pinapanuod ko syang kumain e nabubusog na ako! 😁
Ayan na naman sya sa "Mama's cooking is the best!" This time with matching thumbs up pa! Napakalambing na bata! Kinikilig naman akong lagi. 🥰
Pork adobo with boiled eggs ang ulam namin pero kanya sabaw at boiled eggs lang sapat na. Dapat pork nilaga ang lulutuin ko para sana may mainit na sabaw kaya lang non-stop ang ulan. In-short tinamad akong lumabas para bumili ng panglahok na gulay. 😅
Chicken sinigang for dinner time!
Maaga akong namili ng gulay para sa requested sinigang ni Bertt. Para sana sa lunch ko sana lulutuin yan kaya lang medyo natagalan kami maaccomplished ang module nila kanina kaya nagprito-prito na lang ako. Ganun kapag kapos na sa oras, kung anong pinakamabilis na lang.
Tatlong gulay lang naman madalas ang always present sa sinigang ko - kangkong, sitaw at talong. Kapag may fresh na okra naglalagay din ako pero mas bet ko kasi yan na steamed lang saka bagoong.
Nang piniprepare ko na yang mga rekado ko saka ko lang nalaman na hindi pala naipagay ni ateng tindera yung binili kong sitaw. Kaya ayan may absent na gulay! Lalabas pa sana ako para bumili kaso bumanat na naman ang napakalakas na ulan! 😅
Ang kwento ng sinigang!
Tara kain tayo. 😉
Ang sad part! 😔
Ang aga-aga kong nagluto ng food namin for dinner. Actually mas nauna ko pa ngang naiprepare yan kaysa sa meryenda namin. Tapos ngayong oras na ng hapunan at excited na akong maghahain saka ako napaisip na parang hindi ako nakapagsaing.
At ayun na nga..
Pag-open ng rice cooker..
Confirmed!
May ulam kami pero walang kanin!
Gutom na mga alaga ko. 😅
Grabehan sa lakas ang ulan dito sa amin! May bagyo ba?
Titigil lang ng sandali tapos bubuhos na naman ng pagkalakas. Hahay! Kung bakit ba naman natapat pa sa araw ng paglalaba ko. Huling banlaw na sana ako e.
Nakaramdam na tuloy ako ng gutom. Yun lang wala pa akong nakaready na snack. Nauna kong sinalang ang pinapalambot kong monggo. Nakakatamad sa kusina ngayon at napasok ang tubig galing laundry area. :(
Our all time favorite adobo!
Ang daming version pero madalas nag-i-stick ako sa nakasanayang lasa ng mga kids. Kasi once hindi magustuhan e hindi na nila kakainin. But sometimes nakakasawa kapag iyon at iyon lang din diba?!
Last time naitry ko 'yung adobo sa gata and winner sya para sa amin ni mister pero negative sa mga kids. Ngayon naman naitry ko itong medyo sweet version. Medyo kabado pa ako if magugustuhan nila. Haha!
Nag-start na silang kumain ngayon at mukhang pumasa naman! Hahay! Kahirap maging nanay! Magpalaki pa kayo ng kaunti at babatasin ko na kayo sa susunod. Di na pwedeng aayaw-ayaw! Haha. 💪
It's dinner time!
Pork giniling and luncheon meat. May boiled eggs din ako pero nalimutan ko ilagay. Hehe. Medyo natabangan si mister sa luto ko. Isasalang ko pa sana ulit para remedyuhan kaso gutom na ako. Kaya sabi ko magpatis na lang sya. Di na keri e! Nagagalit na mga alaga ko. 😂
Di pala ako nakapagsnack kanina at di din nakapagcoffee kaya pala dami ko ng gutom.
Tara kain po tayo. 💚
Para sa snack time pa talaga itong champorado na niluto ko kaya lang nakita agad ng bunso ko. Di pa man luto e nakaabang na tuloy sya. At ng maluto na nga e nanghingi na agad!
Nakita naman ngayon ni Bertt kaya humingi na din. Ang end up silang 3 yan na ang kinain ngayong lunch. Wala na akong ipapameryenda sa kanila mamaya, ubos na! 😂
Sino ba ang di matutuwa sa makulit na bunsong ito. Habang kumakain e sige din sa pagdaldal! "Mama's cooking is the best!".
Legit ang kilig ko. 😁🥰
Nagluto ako ng pork steak pero di ako satisfied sa lasa!
Inabot na ako ng 10 years sa kusina pero bawat taste test ko e hindi napasa sa taste buds ko! Nakakafrustrate din kapag ganun! Dagdag-bawas na nga ako sa mga pampalasa pero waley e. Di ko alam san ako nagkulang. Haha! Parang hugot lang. :))
For lunch and dinner na sana namin 'yun. Bahala na si mister magremedyo pag uwi nya. Dinamihan ko na niluto ko kasi sasamba ako ng 6pm. Dapat kaninang madaling araw para sabay sana kami ni mister kaya lang mabigat pakiramdam ko. Dami kong pagod sa nilabhan ko plus mabigat din ang ulo ko. Maaga naman uwi nya mamaya kaya keribels na nya remedyuhan yan. Suko na ako ihhh..
Wala ako maipost na picture gamit ng mga bata ang phone. Later na lang ako magpost if makahiram sa kanila. Iba na kasi ngayon 'yung may-ari na kailangan manghiram. Minsan binabalik naman nilang kusa, pero empty bat na. :))
Kinabahan naman ako kay kuyang delivery ng Lazada! Wala akong expected na parcel at wala akong extra cash. Nalintikan na kako. Haha!
Natutulog mga kids ko sa living area namin. Nakalocked gate namin tapos sarado pa main door kasi tirik ang araw at masyadong maliwanag. Kapag ganun mahirap matulog kaya sinarado ko. If may expected akong delivery di ako magsasara baka sabihin wala na naman tao.
Una akala ko sa kapitbahay namin pero ng marinig ko na gate na namin nakalampag e ang kaba ko ba naman! Haha! Dali-dali ako dampot ng phone ko para icheck nga. Kasi may order ako pero May 12 pa ang expected delivery. Ang kaba ko talaga kasi alam kong di kakasya pambayad yung pera ko sa wallet. 😂
Buti bigla kong naalala na sabi ni mister may pera syang iniwan at sinabi kung saan nilagay. Nang makita ko pera ni mister saka lang kumalma puso ko. May pambayad na e! Haha! Tapos paglabas ko iba naman nakapangalan ang item pero address namin. Kaya pinakita ko din kay kuya kung ano order ko. Syempre di ko binayaran saka alam naman na nya yung name ko at lagi naman sya ang nagdedeliver.
In short, ninerbyos lang ako!
Di pa ako nagkape nyan hah! Pero kung parcel ko nga talaga yun at wala talaga akong ibabayad baka di na ko umulit mag-order. Nakakahiya! 😅
In fairness sa sobrang kalimot ko na ngayon e nagfunction sya dahil sa adrenaline rush. Nakaalala bigla! 😂
Nakakapagod na araw pero napakasaya!
First time namin makavisit sa bahay at halos patapos na nga sya. Fence and gate na ang ginagawa ngayon. Salamat at kahit nahirapan sa pagbabayad ay nairaos kahit nagpandemya.
Thanks G ng maraming-marami!
Sana magtuloy-tuloy at malipatan na namin within this year. Nakakaexcite at napakasarap sa pusong isipin na malapit na din kami magkaroon ng sariling amin. 🙏
Sobrang toxic ng election 2022!
Natapos na pero di parin nila makamoved on ang mga tao. Lahat naman sila kaya inaccept ang candidacy or pagtakbo is because qualified sila. Huwag maliitin ang kapwa dahil wala sa taas ng pinag-aralan ang buti ng kalooban!
Nagsalita na ang mayorya ng mga Pilipino.
Matatalino naman lahat, magbigay respeto!
Kalurkey ang feeds sa socmed. 🤦
Agang-aga ihh..
Mukhang landslide na nga ang ❤️💚.
Napakalaki ng lamang! Sana naman after nyan e matapos na ang pagtatalo-talo ng bawat kampo. Kung sinuman ang maupo at binoto ng mayoryang Filipino ay irespeto ng bawat isa. 🙏
Another blessing sa mga kids!
Maraming salamat sa nagbigay. 🙏
Sa totoo lang di namin afford ibili ang mga bata ng ganito. Kung makabili man siguro kami e paisa-isa lang at ang interval siguro e sobrang tagal or may super special na occasion like birthday ganun. Hehe.
Kauuwi lang ni mister galing sa pagboto at pag-uwi nya dala-dala nya yan galing sa kuya nya. Humihingi pa daw ng pasensya dahil wala ng mabiling katulad sa dalawa kaya yung sa bunso daw ay naiba.
Kami naman yung nahiya ng bongga, promise!
Salamat po talaga. ♥️💚
First time kong hindi makakaboto. 😔
Simula ng tumungtong ako sa tamang edad na may karapatan ng bumoto ay talaga namang inexercised ko yang right na yan. Sadly eto ngayong eleksyon pa ako hindi makakaboto. Nakakapanghinayang at nakakalungkot.
Kahit pa nga may sakit ako dapat luluwas parin ako. Inagahan na nga ni mister para makatapos sya para ako naman kaso minalas malas naman. Ang haba na ng pila e nasira pa ang machine sa precinct nya. Pano pa kami makakauwi at ako naman?!
Nalulungkot naman ako. 😔