Grabehan sa lakas ang ulan dito sa amin! May bagyo ba? Titigil lang ng sandali tapos bubuhos na naman ng pagkalakas. Hahay! Kung bakit ba naman natapat pa sa araw ng paglalaba ko. Huling banlaw na sana ako e. Nakaramdam na tuloy ako ng gutom. Yun lang wala pa akong nakaready na snack. Nauna kong sinalang ang pinapalambot kong monggo. Nakakatamad sa kusina ngayon at napasok ang tubig galing laundry area. :(
Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.
4 comments
Dito din sis umuulan.. kumusta ma pala ang Vertigo mo? sana magaling na sis
After 2 days kong uminom ng gamot sis nawala sya pati yung tunog sa left ear ko. Tapos tinigil ko na kahit nalulula ako kasi masakit sya sa sikmura kahit kumakain naman ako before ko sya inumin. Madalas masakit ulo ko ngayon pero parang sa mata naman na sya. Salamat sis.
Sa amin naman sis gloomy ang weather at may pa amabon ambon na kanina pero nag stop rin. Kami ay buti tapos na sa laundry day
Ako kakatapos lang sis. Daming pagod!