read.cash Log in
E@ElyzzBerttErynn

Tag-ulan na yata talaga! Araw-araw na umuulan dito pero grabehan parin sa tindi ng init. Dati kapag maulan tipid na sa kuryente kasi malamig na. Ngayon ganun parin doble electric fan parin ang gamit. Closing shift si mister kaya naaya kong dumayo sa pamilihan sa kabilang subdivision kanina. Mas marami kasi ang nagtitinda ng meat at vegetables doon. Nakabili naman kami 1kg ng baboy - 360Php saka whole chicken - 190Php. Nagluto ako ng nilagang baboy para may sabaw. Dinamihan ko na para abot na hanggang hapunan, iinitin na lang solved na! Sana naman tumila ang ulan at magpapasa ako ng module ng mga bata ngayong 1:30pm. Nakakatamad kasi lumabas kapag nag-uuulan. 😅

No comments yet

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.