read.cash Log in
E@ElyzzBerttErynn

Basang sisiw! Ayun na nga inabot ako ng napakalakas na ulan! Halos isang oras din akong pumila sa school. Sobrang dami ngayon ng mga parents na nagpapasa ng module. Nagtaka naman ako kasi dati naman hindi ganun. Parang ngayon palang ata sila nagsasubmit ng mga previous modules kaya si teacher sige din sa kakasermon. Buti nagpahintay ako kay manong tricycle na nasakyan ko. Pero naawa naman ako sa tagal ng paghihintay nya at inabot na din sya ng malakas na ulan. Binigyan ko na lang ng malaki-laking pakunswelo sabay sabing salamat na naghintay sya. Kung hindi nya ako hinintay mapapalusong pa ako sa bahang daan. 😅 Makapagkape na nga muna. 😉

2 comments

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.