Chicken sinigang for dinner time! Maaga akong namili ng gulay para sa requested sinigang ni Bertt. Para sana sa lunch ko sana lulutuin yan kaya lang medyo natagalan kami maaccomplished ang module nila kanina kaya nagprito-prito na lang ako. Ganun kapag kapos na sa oras, kung anong pinakamabilis na lang. Tatlong gulay lang naman madalas ang always present sa sinigang ko - kangkong, sitaw at talong. Kapag may fresh na okra naglalagay din ako pero mas bet ko kasi yan na steamed lang saka bagoong. Nang piniprepare ko na yang mga rekado ko saka ko lang nalaman na hindi pala naipagay ni ateng tindera yung binili kong sitaw. Kaya ayan may absent na gulay! Lalabas pa sana ako para bumili kaso bumanat na naman ang napakalakas na ulan! 😅 Ang kwento ng sinigang! Tara kain tayo. 😉
1 comment
Sarap ng sabaw sa malamig na weather today hihi enjoy po sa dinner!