read.cash Log in

@ElyzzBerttErynn

Joined 6 February 2021 · 3288 posts

120 KT

0 KT · 50¢ received · 0 KT given

Posts

E@ElyzzBerttErynn

Before ko makalimutan ng tuluyan, babati pala muna ako sa lahat ng superMOMs - Happy Mothers Day po sa ating lahat! 💚 Dinner time na, kain po tayo! Chicken adobo version ni mister! Simula Friday sya na ang in-charge sa gawaing bahay at pag-aalaga sa aming 3 makukulit. Medyo napapagod na nga po ako sa kaka-pahinga. Feeling ko mas nananakit ang katawan ko sa paghiga at pag-upo lang. 😅

E@ElyzzBerttErynn

Self medication muna. 🙏 Much better naman talaga magseek ng professional help lalo at health ang issue pero may instances na di maiiwasanang mag self medication muna. Research at asked Google. Sa case ko naman nag-rely ako kay Doc Willie Ong. Sya din pala ay may vertigo at sinunod ko 'yung inadvised nyang gamot which is betahistine hydrochloride. Eto nakatulong ng malaki kasi wala ng pagkahilo na nag-i-spin pero may times na parang may lula at masakit parin ang ulo. Atleast medyo umigi na. Marami pang aasikasuhin at after matapos ng mga yan isusunod ko na ang pagpacheck up. 💚

E@ElyzzBerttErynn

Vertigo after head injury. Wala akong ibang nakikitang cause ng sudden attack ko ng vertigo kundi ang head injury ko. April 16 nung birthday ni mister nadulas ako at pumalo ang ulo ko. Di naman ako nawalan ng malay pero may part na wala akong naalala sa nangyari sa akin. Di ako nahilo, di din ako sumuka pero nagkaroon ako ng malaking bukol sa likod ng ulo. Halos okay na sya after 3 wks. Di na ko hirap sa pagtulog kasi hindi na sya masakit. Pero eto nga last Thursday na nauntog ako ng bunso ko sa same spot ng ulo ko na pumalo. Biglang napatigil ako kasi masakit talaga. Pero di naman ininda ng bunso ko. After noon okay pa naman ako kasi nakapaggrocery pa ako. Pero before kami sumamba naicomplain ko na sa mister ko na nahihilo ako. At yun na nga ang simula na pag-spin ng mundo ko! Medyo okay ako ngayon pero may biglaan syang pag-atake na nakakatakot. Last Thurs night di talaga ako makatayo. Kaya eto extended leave ni mister. Naghahanap lang sya ng makakasama ng mga bata at kailangan ko ng magseek ng professional help. Sana nga panandalian lang 'to na gawa ng pagkakauntog at magheal na lang ng kusa. 🙏

E@ElyzzBerttErynn

Parehas kaming hindi nagising ng madaling araw ni mister kaya ngayong gabi lang kami nakasamba. Halos kauuwi lang din namin. Maaga naman ako nagluto ng para sa hapunan namin kaya eto nakaready na agad. Adobong pork giniling at patatas! Kumain na po ba kayo? Tara po kain na. 💚

E@ElyzzBerttErynn

Another blessing! 🙏 Pupunta din pala sa kapitolyo ang brother-in-law ko kaya si mister nagpasundo na lang para makasabay. Makalibre sa pasahe! Hehe. At di lang 'yun, eto nga at meron na naman kaming kalahating kabang bigas dala ni kuya. Ang laking menos na nito para sa amin. Napakamahal pa naman na ng bigas at saka tamang-tama talaga na ang supply ko e hanggang mamayang gabi na lang. 😁

E@ElyzzBerttErynn

Walang pasok si mister ko ngayon. Nagfile sya ng 2 days leave para magkumpleto ng mga kailangang requirements para sa Pag-ibig Housing Loan. Verified TIN 1904 na lang naman ang kulang na aasikasuhin nya today. Halos patapos na din ang bahay, bakod at gate na ata ang ginagawa nila ngayon. Sobrang excited na kami. Salamat po 🖕🙏. Balik sa usaping breakfast. Kahapon pa ako nagkicrave sa itlog na maalat. Hindi ko lang sya ginawa kasi ako lang kakain. Syempre iba yung may kasabay ka at dahil parehas naming fave yan ni mister e yan ang pinirepare ko ngayong umaga. Ang fried eggs ay kay Elyzz tapos yang tuyo kay Bertt. Si Erynn cereal lang solved na! Ginugutom na ko sa itlog na pula. Ayaw pa nila magsigising. Hahay.. 😉

E@ElyzzBerttErynn

Bawi time para sa snack time! Kailangang bumawi ng Mama sa mga makukulit na chikiting. Kahapon kasi hindi na talaga ako nakapagprepare ng meryenda nila. Sobrang natambak kasi ang labahin ko at naging busy. Gabi na nga ako nakatapos. Kaya ngayon 'yung favorite talaga nilang tatlo ang aking ihahain. Lunch time palang sinimulan ko ng iprepare 'to! Actually di lang silang tatlo ang may favorite nito, pati pala ako. Hehe! Sakto at malamig na din sya. Ready na at waiting na lang sa mga kakain kasi tulog pa! 😅 Champorado with l♥️ve! 😉

E@ElyzzBerttErynn

Naniniwala na talaga ako na mabilis matuto ang mga bunso. Lagi kasi silang extra! At mas madalas pa nga na lagi sila ang nangunguna. Hehe! Kapag tinawag ko na 'yung dalawa sa "study time", "reading time" at "writing time" ay madalas pang mauna sa table ang bunso ko na ito. 😁 At kahit pa nga madalas e nakakadisturb sya ng module time ng 2 e wala naman akong choice kundi isali sya. Nagpareading ako kaya ayan kasali ulit sya. At nakakatuwa na yung lesson 1 sa Marungko Reading approach e kuha na nya agad-agad! Nababasa na nya ang mga pantig pero ang problem lang e nagrereklamo sya na pare-pareho ang pantig. Diba ganun naman bawat lesson nakafocus sa words kung ano ang pantig na tinuturo. Ayun ang sagot sa akin, "ma, again?", "sa, again?" Sabay tawa! Kulet nya! Kanino kaya nagmana? 😉🤔

E@ElyzzBerttErynn

Dami kong pagod! Kakatapos ko lang maisampay ang mga nilabhan ko. Ginabi na pala ako pero buti naisingit ko ng maaga ang pagluluto ng para sa hapunan namin. Tamang tama at gutom na din talaga ako. Eto na naman ako sa 1/4 na pork meat. Nilaga ko at dinamihan ng gulay para solved na solved. Hehe. Tara po kain tayo. Gandang gabi po sa lahat. 💚

E@ElyzzBerttErynn

Antok na antok ako pero di pwedeng matulog, tambak ang aking labahin! Habang nagpupuno pa ako ng tubig pangbanlaw ko e makapagkape na muna. Kailangan ng maraming energy at pampagising.💪 Ang mga chikiting ko sarap ng tulog kahit matindi ang init. Wala pa ako nakaready na meryenda nila. Kanina pa ako nag-iisip pero waley parin. 😅

E@ElyzzBerttErynn

Ang dami na naming gutom, mukhang di na namin mahihintay magising si Bertt. Wala sana akong plan na gisingin sya, gusto ko sana hayaan syang matulog hanggang gusto nya para masulit ang bakasyon. Kaya lang nagagalit na mga alaga namin kaya gigisingin ko na para sabay-sabay pa kaming makapag-breakfast. Icontinue na lang nya ang tulog nya after kumain. Hehe! For sure tapos na kayo magbreakfast at medyo late na nga. Pero kung hindi pa po e tara saluhan nyo po kami. Gandang umaga! 💚😉

E@ElyzzBerttErynn

Okay na! Luto na! Chicken adobo for dinner. Maaga pa naman at halos kakatapos lang din namin magmeryenda kaya malamang late din naman kami magdidinner. Naliligo pa ang aking mga girls while ang aking mga boys naman ay nasa barber shop. Sabi ko kay mister e magpagupit na sila kasi parehas ng mahaba ang buhok nila. Galing din sa labas mga bata pero sandali lang din dahil nagluluto nga ako. Hindi parin kasi okay sa akin na lalabas sila na wala silang kasamang bantay. Hanggang ngayon e tutok parin talaga ako sa kanila, bantay-sarado kumbaga. 😁 Gandang hapon po. 💚

E@ElyzzBerttErynn

Storage full na ang tablet ng mga bata kaya need na magclear ng storage. Pagcheck ko ang dami naman ng nakainstall na hindi naman na nalalaro kaya nag-uninstall na din ako. Pagcheck ko naman ng gallery ang daming kung ano-anong accidental pictures at screenshots. Pero itong isang ito nakapagpangiti sa akin! Saved drawing ni Elyzz sa isang kid paint app. Di man sya gaanong kadetailed pero nakakabright ng araw ang bright colors na napili nya. Ang kyut naman diba!? Kahit alam ko na silang tatlo yang nasa drawing e tinanong ko parin sya. At ayun confirmed si Elyzz, Bertt at Erynn nga! 😁

E@ElyzzBerttErynn

Kababalik ko lang sa bahay, hinatid ko kasi ang 2 bata sa dako ng pagsamba. Di nakasama si bunsong Erynn kasi kagigising lang. Grabe ang init sa labas. Nakakapaso na agad sa balat ang sikat ng araw. Pinagpawisan ang kili-kili ko kahit sa kabilang street lang naman ang nilakad ko. 😅 Pagdating ko dito saka ko lang naalala 'yung kape ko. Ayun nanlamig na! Dinagdagan ko na lang na kaunting mainit na tubig at kape pa ulit kaya pwede na 'to. 😁 Tamang sight seeing ng mga fishda habang nagkakape. 😍

E@ElyzzBerttErynn

Nagbago ang ihip ng hangin! Kung dati gustong gusto ng mga anak ko ang lumabas ng bahay, ngayon ay HINDI na. Kung dati hirap ako makalabas at lahat sila gusto sumama, ngayon ay HINDI na. Super pilit ko silang palabasin ngayong hapon para maexercise naman, makatakbo sa labas! Sabi ko hihintayin namin si Papa at maaga ang uwi ngayon. 10 years bago ko sila napilit! Nasobrahan yata ako ng pananakot sa kanila. Last time kasi nagtrend sa fb yung marami na namang missing na mga bata at ayun pinakita ko sa kanila mga missing posters. Ang purpose ko naman is para aware sila na mag-iingat sa strangers. Madalas kasi kapag isinasama ko sa labas e nauuna pa sa akin at tinatakbuhan ako. Di naman marunong kahit may sasakyan. Nasobrahan ata ako kaya kahit inaaya ko na lumabas ang sagot nila sa akin, "No Ma. I'll stay here at home." 🤦 Dahil napilit ko sila ngayong hapon e hinayaan ko talaga na maenjoy nila. Pagkauwi nga ni Papa nagsakayan pa sila sa bike at sabi ko e umikot muna sila. Happy yarn sila ohh! 😁

E@ElyzzBerttErynn

Fried banana saba and extra strong black coffee! Perfect sa meryenda! Medyo late na ang snack time namin ng mga chikitings. Napasarap ang tulog namin. Hehe. Iba talaga kapag nakabakasyon mode. 😅 Dati kahit weekend e hindi namin mafeel sa dami ng kailangan isulat din ng mga bata. At dahil natapos na namin lahat ng yun at naisubmit na din namin e talagang bakasyon grande kaming mag-iina. Tama ng chika, tara kain na! 😉

E@ElyzzBerttErynn

Mackerel sinigang for lunch! Late na ang lunch ko at pinauna ko na muna mga bata kanina. Tinapos ko pa kasi mga tupiin kong damit at nagpaligo na din ng mga bagets. Balak ko sanang maligo na din muna at napakatindi ng init kaya lang nagrereklamo na mga alaga ko sa tiyan. Tomguts na daw! Kaya naman pala at 1pm na. Tara po kain na muna. 💚

E@ElyzzBerttErynn

Nalungkot si mister at isa sa mga unang alaga nyang fish e namaalam na. One week ago ng mapansin nyang mukhang may sakit ang alaga nya. Masigla naman pero namamaga 'yung gills nya. Nagresearch sya at nagtanong-tanong sa mga kakilala nya na may alaga din pero wala naman makapagbigay ng sure solution. Nagself research na lang sya at gumawa ng hospital tank at in-isolate nya ang may sakit. Bumili din sya ng gamot at talagang monitored nya but sadly unti-unti na nga syang humina at nawala na din kagabi. Inutos na nya sakin ngayong umaga na alisin na bago pa makita ng mga bata. Nalimutan ko naman gawin kaagad. Pipicturan ko pa sana 'yung hospital tank nya at palutang lutang pa ang fish doon kaya lang naawa naman ako idisplay pa sya dito. 😔

E@ElyzzBerttErynn

Tara magkape! Tamang pampagising ng natutulog na diwa! Napuyat ako kagabi at banas na banas ang bunso ko sa tindi ng init. Kahit 2 pa nga ang electric fan napakainit din ng nilalabas na hangin. Pagising-gising, pagulong-gulong at panay ang ingit ni Erynn. Panay din ang hingi ng milk. Naka 3 bottles ata kami sa magdamag, kaya panay din ang bangon ko para magtimpla. Buti at weekend saka bakasyon kaya walang ganap na school activity at modules. Hayaan ko lang matulog ng mahaba mga chikiting! Luto naman na ang breakfast, waiting na lang sa paggising ng mga kakain. Hehe! Hotdogs and corned beef para sa almusal! Ako kape lang muna saka nag-uubos ako ng mga tira-tirang biscuits and cookies ng bunso ko. Sayang e medyo lumalambot na sila pero edible parin naman yan. Sabayan lang ng kape e oks na oks na. Gandang umaga! Nagkape ka na ba? 😉

E@ElyzzBerttErynn

It's dinner time! What's our ulam? It's pork adobo with eggs! Actually leftover po ito from our lunch earlier. Pero 'yung kanina pure pork lang at walang egg. Para maiba naman ngayon at maupgrade ng kaunti ang taste e nagdagdag ako ng boiled eggs. Oh diba?! Tipid mode pa yan kasi 1/4kg lang ng pork meat e kasya na sa 2 meal time. 😁 Gusto ko sana sa adobo e medyo "iga" ang sabaw pero mga anak ko naman ang gusto e masabaw. Mananalo ba naman ako sa mga kulilits kong ito!? Okay na din naman kasi sabaw pa lang talaga e ulam na. Tara kainan na! 😉

E@ElyzzBerttErynn

Sobrang init! Nakakapaso ang init ng araw sa labas kahit nakapayong e walang effect. Kakauwi ko lang galing sa school retrieval at distribution ng module. Medyo natagalan at napachika pa kasi si teacher saka nachecked na din nya ang writing notebooks ng mga bata. Tuwang-tuwa sya sa handwriting ni Bertt at maganda daw at parang sulat kamay ng babae. Ang laki na din kasi ng improvement nya! Dati hirap na hirap pa akong magpasulat e. Talagang tiyaga lang katapat ng lahat! 💪 Saka ang saya lang kasi bakasyon pala! Yey! Haha! From May 2 to 13 bakasyon ng mga bata. Ako 'yung tuwang-tuwa ano!? Bakasyon mga bata ibig sabihin bakasyon ko din! Haha! Wala muna kaming module ng 2weeks. Hay salamat! 😂 Note: The picture I uploaded was my ss from fb. Credits to the rightful owner. 😉

E@ElyzzBerttErynn

Three days ago nagrequest ako sa Pag-ibig Fund thru e-mail ng MSAV ni mister. Ang bilis ng response nila thru e-mail pati processing ng request. Nakakatuwa na maayos na pala ang sistema ngayon. Noong nagwowork kasi ako pahirapan mag-inquire or request via phone or email. Kaya no choice kundi pumila ng mahaba sa office nila. Naimproved nila ang sistema nila gawa na din siguro ng pandemic kaya reliable na online services nila. Nagkaproblem lang ako dahil 4mos lang ang nakuha ko which is dapat ay 24 months. 5 years na si mister sa work nya pero nagtransfer nga pala sya from head office, then 2 branches pa bago back to head office. Kaya ayun need ko pa magpamerge ng account nya. Kakarequest ko lang kagabi tapos naacknowledged na nila agad. Pero alam ko medyo mas matagal ang merging process e. Sana soon magawa naman nilang unified ang system nila para no need na for consolidation ng mga contributions. 🤔 Nasa finishing stage na ang hinuhulugan naming bahay. Salamat sa nasa taas na kahit nagpandemya at super hirap e nagawan parin ng paraan ang pangarap na bahay. Kaunting kembot na lang siguro! Aja! 🙏

E@ElyzzBerttErynn

Nagpapa-writing activity ako sa mga bata habang naglalaba. Kakatapos lang ni Bertt at si Elyzz na ang kasunod kaya kinuha ko na ang notebook nya and pencil. Di ko naman ugaling icheck 'yung likod ng notebook nila kasi mas tsini-check ko 'yung mga previous writings nila. Nakatapat kasi ako sa electric fan kasi super init at accidentally nagflip ang pages habang nagchecheck ako. At eto nga ang nagbulaga sa akin! Aigoo napuno na pala ng drawing ang back cover ng writing notebook nya. Kaya pala minsan napakatagal nya makatapos 'yun pala nagdo-drawing pa. 😂 Kinuha ko ulit ang notebook ni Bertt para icheck din at bumulaga din sa akin ay drawing! Hindi naman ganito karami at sure na sure naman ako na hindi si Bertt ang nagdrawing kundi si Elyzz din. 😅

E@ElyzzBerttErynn

Sobrang opposite ng personality namin ni mister pero pagdating naman sa mga likes and dislikes namin sa mga bagay-bagay e napakarami naming pagkakapareho. Isa sa pinagkapareho namin e 'yung love namin for anime lalo na ng 'One Piece'. Bago nga pala ako naging KDrama fan e Anime fan na muna ako! Hehe. Dalaga pa lang ako talagang updated ako mapa-manga kaya lang ng mag-asawa at magkaanak ng sunod2 e hindi na talaga ako nakakanuod. Naa-update na lang ako sa pagkukwento ni mister or kapag nakikinuod ako sa kanya. In-short napending ako, pending ako sa Dressrosa Arc. Ang tagal akong kinoconvince ni mister na manuod na ulit pero ewan ko ba di ko mafeel na manuod at bigyan sya ng time. Two weeks ago ata ng maconvinced ako ni mister at nagstart manuod ulit. 5 or 6yrs na ata ng magstop ako. Diba ang tagal? Dinownload nya lahat ng pending ko hanggang sa pinakalatest episode. Okay na sana at nakakapagmarathon ako, unti-unti na akong nakakahabol at nasa Wano Arc na ako. Kaya lang di ako makarami ngayon kasi nabubwisit ako kay Orochi. At dahil alam ko na din na trator si Kanjuro dahil sa kwento ni mister e inis na inis akong lalo. Haha! Kanina pa ako dito sa episode na 'to pero di ko matapos tapos! Hanggang sa napamessage na lang ako kay mister na sabayan nya ulit ako manuod dahil baka ma g "Skip Skip No Mi" ako! Gigil much ako sa mukha ni Orochi at Kanjuro. :))

E@ElyzzBerttErynn

Kakatapos lang maglunch pero eto na naman ako nasa kusina at nagreready na naman ng panibagong kakainin ng mga chikiting! Hehe. Tagal na sila nagrerequest ng favorite nilang champorado e pero ngayon ko lang magagrant. Nilessen ko ang intake nila ng sweets gawa ng may mga ubo. Mas lalo daw uubuhin kapag panay kain ng matatamis. Bakit ang aga ko magprepare? 🤔 Mas masarap kasi ang champorado kapag malamig na. Kayo ba bet nyo din ba kapag malamig na or gusto nyo ang mainit pa? Ako nga nilalagay ko pa sa ref e. 😅

E@ElyzzBerttErynn

Nagtrend itong Irish Spring Soap sa isang fb group/page ng mga shopping budols (home buddies). Ginagamit nila as pabango mapa-living area or bathrooms nila. Lakas daw makasosyal ng bango nya! Matagal ko ng nakita sa group budols ito kaya lang wala naman ako balak pang bumili at magtry. Pero nagnotify si Lazada na mag eexpire na ang rebate ko na 135Php. Kaya ayun naghanap ako ng mabibili na kasya ang pera ko. Ayan na sya! Hehe! Masusubukan ko if okay nga talaga kasi naiinis na din ako sa albatros na hindi naman natagal ang scent sa cr. Kapag winner gamitin ito e mapapaorder ulit sa susunod. 😉 P.S. Original nga pala yung inorder ko pero Aloe naman ang sinend ni seller. Ngii. 😅

E@ElyzzBerttErynn

Empty! Pag-open at pagcheck ko sa LPG namin kanina nafeel ko na hindi na ako makakaluto for lunch. Nakailang sindi ako sa stove at ayaw na nga pero mapilit talaga ako kaya ayun nakisama at nagsindi pa sya! Nakaluto pa ako ng pritong itlog. Hehe. 😅 May leftover pa naman akong luncheon meat tapos nakaluto ako ng 2 eggs. Hanggang 2 lang talaga inabot at deads na sya. Magkano na kaya ang price nito ngayon? May idea kayo? Buti nag-iwan si mister ng cash sa akin kanina. Ang problem ko lang e pagcontact sa magdedeliver kasi wala talagang signal dito. Kaya si mister pa ang kocontact nyan habang nasa work sya. Deadspot kasi signal dito sa bahay. Ipa-inquire ko muna ang presyo, feeling ko magugulat ako. Last na bili ko 800 e baka tumaas pa ng husto. Sakit sa bulsa ito. 😅

E@ElyzzBerttErynn

Si Kiriray ang bagong pet bunny ni daddy! Tuwang tuwa mga chikiting ko! Nang malaman nila na uuwi si papa nila dito (in-laws) e gustong gusto sumama ng mga bata. Request granted naman at sinama nga kami at ayan na-meet na nila si Kiriray! Matagal ng gustong makapag-alaga ng bunny ang mga anak ko kaya lang masyadong matrabaho kaya pet fish na muna ang amin. Mukhang malalamog ang pet sa kulit ng mga anak ko e. Tinatakasan na sila at kung saan saan nagsusuot para magtago. 😅

E@ElyzzBerttErynn

Dumaan si suki na nagtitinda ng tinapa at daing. Mayroon syang tinapang galunggong, bangus saka tulingan. Bago sa akin ang tinapang tulingan. Isa sa mga favorite kong isda pero di ko pa natatry sya as tinapa. Madalas kasi galunggong saka bangus. Masarap din 'yung tamban kaya lang masyadong matinik e. Ang bangus naman kapag tinapa madalas boneless. 2 piraso lagpas naman isang dangkal ko ang laki, 140php yang isang balot. Medyo undecided pa ako kung lulutuin ko na sya for dinner o para bukas pa ng agahan. Mayroon pa kasi akong leftover ng tinola at may tocino pa. Pero feeling ko magugustuhan 'to ng mga chikitings ko e. Nakapagsaing na ako at nakasalang pa fries ng mga batang makukulit. Siguro iluto ko yung isa para magkaalaman if masarap nga. Hehe. 😉

E@ElyzzBerttErynn

Xiaomi mi band 4 - niregalo ko 'to kay mister 3 years ako. Regalo ko sa kanya pero pera parin naman nya ang pinangbili ko. Hehe. Syempre wala naman akong sariling pera noon pero dahil kay NC e nakaipon naman ng kaunti at naregaluhan ko sya nung birthday nya ng mi band 6. Nakakaproud kasi from my own pocket na, regalong tunay na! Hehe. At dahil may bago na sya e pinamana na nya sa akin etong luma. Nakakatuwa naman pala gamitin at saka may health monitoring. At ang gusto ko pa nakacount nya ang steps ko. Akalain mo sa loob lang ng bahay nakaka-1705 steps na ko ngayong araw. Kapag nasa kusina pa ako hinuhubad ko so nakakarami na din talaga ako kakaikot sa loob ng bahay. Sabi mas healthy na maka-8000 steps ka in a day. Itatry ko ngang imonitor kung nakakailan ako daily kahit sa loob lang naman ng bahay. 😊