read.cash Log in
E@ElyzzBerttErynn

Story Time! 💚 Last night after dinner ay nagrequest pa na makapagplay sa gadgets ang tatlong chikiting. Di naman ako mahigpit sa ganyan as long as may limit at tapos na sila sa mga aralin nila. Weekend naman kaya walang module pero may reading activities pa kami. Kaya sabi ko after nila makapagbasa ng isang short story ay okay na at pwede na sila magplay. Ayun na nga busy na ang tatlo sa paglalaro ng tumabi at sumandal sa akin ang bunso. Habang naglalaro sya nangingiliti pa. Edi nagkilitian na nga kaming mag-ina. Hanggang napansin ko di nya suot ang anti-radiation glasses nya. Isa din 'yun sa nirerequire ko sa kanila kapag gagamit ng gadgets. MAMA: Why you're not wearing your glasses baby? Nagulat sya sa tanong ko (paninita ko) at biglang binaba ang tablet nya. Akala ko tatayo na para kunin ang salamin nya pero dinampot lang ulit ang tablet. Sabay sagot sa akin ng.. ERYNN: I'am wearing an INVISIBLE GLASSES! Sabay ngisi sa akin at may pahawak effect pa sa mata nya! Naloka ako sa sagot nya! Ang tawa ko naman talaga! Gusto ko sana sakyan 'yung kalokohan nya e kaya lang tawang-tawa na talaga ako. End up ako na kumuha ng salamin nya at sinuot ko sa kanya. Ang kulet!!! 😂

4 comments

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.