Inabutan kami ng ulan habang namimili sa palengke kanina. Tinanong ko si mister kung ano bang lulutuing ulam. Di naman sya nasagot! Haha! Sabi ko bet mo ba ang tuyo kako saka noodles? Parang ang perfect nya sa maulang gabi kasi. Ayun nag-agree sya kaya nag-ikot kami at naghanap ng tuyo. Akala ko 'yung tuyong "lawlaw" kung tawagin ang bibilhin namin. Kaya lang mas masarap ang tuyong "sapsap"! 200Php ang isang kilo pero ang dami naman masyado kaya sabi ko kalahati lang. At nung nagtitimbang na ang Ale naku sobrang dami parin pala nung half. Di ko na mabawi, dapat pala 1/4 lang. 😂 Di na naman nakapagtantya ng ayos! Matagal tagal kami mag-uulam ng tuyo. Di bale masarap naman talaga yan. Tara po kainan na. 😉
2 comments
Hala sis, oo ang dami pa nung kalahating kilo hehe kasi magaan lang siya eh. Dibale atleast may stock kana sis
True yan sis, ganyang ang masarap na ulam kami naman boddles tas fried egg, and talong ang best combo namin haha