read.cash Log in
E@ElyzzBerttErynn

It's Pork Nilaga for dinner time. 😉 Masarap parin naman ang sabaw kahit cabbage at pechay lang ang gulay nya. Habang nakasalang at pinapalambot ko 'yung pork niyaya ko mga chikiting ko para bumili ng gulay. Ngayon na lang sila nakalabas at f na f nila ang paglalakad sa kalsada na hawak kamay kami. Super enjoy na sana ng biglang may padaang police car sa street sabay nagkagulo dahil may sumigaw na may police. Nagtakbuhan na naman mga tao specially mga bata sa loob ng mga bahay nila. Nakakatrauma kaya kapag ganyan! Maluwag naman na e pero nataranta din ako promise. 😂 Kaya sa unang tindahan na nadaanan namin dun na kami bumili. At ayun kulang-kulang ang nabili ko dahil sa pagmamadali. Naisip ko nga nakaface mask naman kami at baon ko din naman vaccine card ko. Tinamad na lang din ako lumabas ulit. Pwede na din naman kako yan. Haha! Tara kain po tayo. 💚

2 comments

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.