read.cash Log in
E@ElyzzBerttErynn

Kinabahan naman ako kay kuyang delivery ng Lazada! Wala akong expected na parcel at wala akong extra cash. Nalintikan na kako. Haha! Natutulog mga kids ko sa living area namin. Nakalocked gate namin tapos sarado pa main door kasi tirik ang araw at masyadong maliwanag. Kapag ganun mahirap matulog kaya sinarado ko. If may expected akong delivery di ako magsasara baka sabihin wala na naman tao. Una akala ko sa kapitbahay namin pero ng marinig ko na gate na namin nakalampag e ang kaba ko ba naman! Haha! Dali-dali ako dampot ng phone ko para icheck nga. Kasi may order ako pero May 12 pa ang expected delivery. Ang kaba ko talaga kasi alam kong di kakasya pambayad yung pera ko sa wallet. 😂 Buti bigla kong naalala na sabi ni mister may pera syang iniwan at sinabi kung saan nilagay. Nang makita ko pera ni mister saka lang kumalma puso ko. May pambayad na e! Haha! Tapos paglabas ko iba naman nakapangalan ang item pero address namin. Kaya pinakita ko din kay kuya kung ano order ko. Syempre di ko binayaran saka alam naman na nya yung name ko at lagi naman sya ang nagdedeliver. In short, ninerbyos lang ako! Di pa ako nagkape nyan hah! Pero kung parcel ko nga talaga yun at wala talaga akong ibabayad baka di na ko umulit mag-order. Nakakahiya! 😅 In fairness sa sobrang kalimot ko na ngayon e nagfunction sya dahil sa adrenaline rush. Nakaalala bigla! 😂

1 comment

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.