read.cash Log in
E@ElyzzBerttErynn

Sa Wednesday na ang pictorial for moving up ng mga kids. Kailangan ng uniform kaya nag-order ako last time pero pangtaas lang. Tapos medyo malaki din 'yung size na nabili ko at di ko talaga bet ipagamit sa kanila. Kaya naghanap kami ni mister sa bayan at nakabili kami ng tig-isang pares na. Nakakahinayang man dahil di na magagamit ni Elyzz 'yung kanya pero keribels lang at remembrance naman nila 'yun na makikita hanggang sa paglaki nila. Nakabili din kami ng prutas sa palengke. Saging at ang most requested ni Bertt na grapes. 'Yung banana para sa mga girls kasi yun lang ang kinakain nilang prutas. Si Bertt lang talaga ang naiiba, halos lahat ng fruits ay gusto nya. Ngayon yang grapes ang special request nya. 😉 Watching while eating ang bebe pogi ko. 💚

1 comment

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.