read.cash Log in

@ElyzzBerttErynn

Joined 6 February 2021 · 3288 posts

120 KT

0 KT Β· 50Β’ received · 0 KT given

Posts

E@ElyzzBerttErynn

Ang saya pa nila ngayon, mamaya nyan may iyakan blues na! Ganyan naman madalas etong tatlong makukulet kong junakis. Super enjoy sa playtime pero laging nagtatapos sa iyakan. πŸ˜‚ Wala pa silang kalaro kasi wala pa din kaming kapitbahay. Saka nasa main road ang bahay namin kaya di sila makalaro at marami ang nadaan na sasakyan. Dito sila sa tapat na street nakakapaglaro, halos wala parin naman nakatira kaya pwedeng pwede pa mag-ingay. πŸ˜‚

E@ElyzzBerttErynn

Pangarap ng mga anak ko, natupad na! Noon pa man ang request ng mga anak ko ay magkaroon ng puppy. Kahit naman gusto namin ay di namin mapagbigyan dahil di kasi pwede sa dati naming tinutuluyan. Ngayon na mayroon na kaming matatawag na sariling amin ay keribels na kahit ano! Pwede ng masunod kung anuman ang aming gusto. Malaya na din mga bata magkaroon ng pet na pangarap nila. At ayan na nga may puppy na sila! Ang name nya ay Luffy (Alam na this, πŸ˜‰). May paparating pang isa! Super happy talaga sila! At kapag masaya sila ay triple naman ang saya naming mag-asawa. πŸ₯°

E@ElyzzBerttErynn

Sobrang nabusy na naman! Hindi kasi nakaligtas ang mga anak ko sa nausong sakit na HFMD. Sa school sila nahawa at sure ako doon kasi wala naman silang pinupuntahan na pwede sila maexpose at mahawaan. Napakacontagious pa naman kaya lahat ng anak ko at pamangkin ay tinamaan. Still thankful at mild lang ang naging symptoms nila. Ang nahirapan lang ay bunso ko at pamangkin gawa ng maraming singaw sa bibig, di makadede at di din makakain. Sa awa ng nasa taas eto at magagaling na sila. Picture nila 'to last Sunday - Year End Thanksgiving. πŸ₯° Kaya Salamat talaga! πŸ™

E@ElyzzBerttErynn

It's not Friday but it is "Monggo Day" for us. Flexin' my Modear's cooking! Super namiss ko 'to! May leftover tinapa and 'yun ang nilagay nya and tofu. Yum yum talaga ang luto ng mga nanay natin. Hehe! Kahit busog pa ako e napakain agad ako kahit wala pang lunch time. Anyare na sa figure ko!? Haha! Simula ng dumating ang parents ko e nagtimes 2 na ang size ko at lumalaki pa ng husto. πŸ˜‚ Tara kainan na! β™₯️

E@ElyzzBerttErynn

Sweet potato tops and Lemon grass! Flex ko lang ang tanim ni Father dear ko. Mayroon pa nga syang nasa recycled gallon kaya lang pinapasok ko sa loob ng bakuran. Sabi ko nga na tanggalin na din dyan at sa loob na lang magtanim. Medyo sumakit ang bangs ko kasi na nawitness ko ang mababait na neighbors ko dito na mukhang di nakakarecognize ng gulay! Lost ang beauty ko na ang mga alaga nilang aso ay dyan nila pinapa-pee and p**p! Na dapat naman sana e humanap sila ng ibang lugar at alam nilang harapan ng iba at may tanim pang gulay diba?! Marami pang nakaline up si tatay at nanay na mga pananim. Sarap nila sa paningin! 😘

E@ElyzzBerttErynn

Magandang umaga! Nakapagpa-araw na ang aking mga girls and it's "taho" time. Pawisan pa sila at kakapasok nga lang sa bahay pero nagmamadaling lumabas ng marinig si Manong magtataho. Halos maitulak na ako sa pinto sa pagmamadali nila. Aigoo. Hehe. Si pogi ko napag-iwanan at tulog na tulog pa. Pero syempre binilhan ko din at mas marami pa 'yung kanya kasi sya talaga ang malakas kumain nyan. Si mister preparing na sa pagpasok at ako naman e feel ng magkape. Coffee is life syempre! ☺️

E@ElyzzBerttErynn

Naku naman talaga! Nalinisan na sila kanina dahil naglaro nga sa buhanginan.. aba nagpalipas lang ng ilang minuto nakabalik na agad. Aigoo! Hehe! Gawain nila sa umaga ang mag-feeling nasa beach. Ayaw ko sana ng ganyan syempre nga e marumi pero sabi naman ng mister ko ay kailangan naman ng mga bata yan. Sabi nga nila e, "Hayaan mong maglaro ang bata..". Kaya ayan na po sila! Madalas din mag-ala "SpiderMonkey" sa pag akyat sa gate. Nagsimula sa mababa hanggang kinakaya na sa tuktok. Pero syempre bantay sarado natin at mahirap na. Parang yung batang natulungan ko sa school. Naupo sa bakal na bakod at tumaob. Natulala ang nanay nya at buti naman nakakilos agad ako. Thanks G! gasgas lang ang inabot ng bata sa pagkakahulog. Laging bantayan ang mga makukulet na alaga. Hehe. πŸ₯°

E@ElyzzBerttErynn

Kahapon ang "tinginan" ng report card ng mga bata. Literal na tingin lang at pirma! Di na pinapauwi just like before. Kaya tamang picture na lang ang mga parents sa school. Sobrang nakakahappy na nakahabol parin ang mga anak ko kahit halos walang naipasok ngayong quarter. Laging nagkakasakit at nalate sa F to F dahil sa natagalan kami bago makalipat ng bahay. Di din sila nakapagtake ng periodical exam sa mismong exam week dahil namatayan naman kami. Si Bertt a day before ng "tinginan" ng card lang nakatapos ng exam nya dahil nagkasakit din. Nauna si Elyzz makapagtake ng special exam. Salamat kay teacher na super matiyaga sa mga students nya. πŸ™ Ang laking adjustments pero pilit nilang kinakaya. Proud momma here! ☺️

E@ElyzzBerttErynn

Taking pictures while waiting sa shed. Lagi kaming maaga! At mas okay naman 'yun kaysa malate diba. Hehe. After class mag-eexam pa si Bertt. Nagkasakit kasi sya at di nakapagtake ng periodical exam. May 3 subjects pa syang hindi naititake. Kailangan daw matapos na nya today. Sana makisama naman si pogi ng matapos na din si teacher. πŸ™ Okay lang kahit maging cleaner ulit si Mama sa classroom. Habang naghihintay e tumulong muna kami ni Elyzz sa paglilinis. β™₯️β™₯️β™₯️

E@ElyzzBerttErynn

Saktong 11:30 ihahatid ko na ang dalawa ko sa school. Maaga pa naman at may ilang minuto pa, sinusulit pa ng 2 at ayan nanunuod pa. Ang bunso naman panay sayaw, scary dance pa nga! πŸ˜… Gandang tanghali po sa lahat. β™₯️

E@ElyzzBerttErynn

Kasama ko ang Aleng maliit na ito sa paghatid sa kanyang ate at kuya sa scool. Ang lakas ng "S" at ayaw magpaiwan. No choice kundi isama at di din ako makakaalis. After namin maghatid saka ko lang sya napaliguan. Preskong presko kaya inaaya ko na nga din matulog pero ayaw naman. Tinurn-on si tv at nagpasearch ng Pororo. Ayan tutok na naman ang bunso ko, bitbit ang remote na akala mo may kaagaw pa sya. πŸ˜‚ Gandang hapon sa lahat noise.app friends! Tara mag-β˜•!

E@ElyzzBerttErynn

Thirty minutes before ng labasan sa school ay naalis na ako ng bahay. Di naman talaga kalayuan ang school from our house kaya lang napakahirap makasakay. Kung may service nga wala pa sigurong 5 minutes ang travel time. Hindi na baleng sumobrang aga ako kaysa naman malate ako ng dating at mag-iyakan ang mga junakis ko. Hehe. Palabas pa lang sila ng gate ng school ay sisilip silip na at nagkakandahaba ang mga leeg kakahanap sakin. Ganun siguro talaga at naninibago sa way of schooling. Matagal na natengga ang mga bata sa bahay e. As usual maaga parin ako at tambay sa waiting shed. Tamang selfie lang para macapture ang malalagong malunggay sa likod. Sanaol! Naalala ko ang tanim namin na 50-50 pa sa ngayon pero sana naman mabuhay pa. Sabi naman nila as long as sariwa pa yung jatawan ng puno e sisibol parin naman. Sana nga, crossfinger! β™₯️

E@ElyzzBerttErynn

Nagstart na ang full face to face classes last week. Buti na lang andito ang nanay at tatay ko kaya may napag iiwanan na ako dito sa bunso ko. Ang hirap na maghahatid at magsusundo ka na may kasama ka pang maliit na super sa kulit. Hehe. Kakauwi ko nga lang galing school. Buti at hindi masyadong mainit kahit tanghali. Medyo mahirap din ang mode of transportation dito, tricycle lang. Magastos! Pero walang magagawa at wala pang service. πŸ˜… β™₯️β™₯️β™₯️ Old picture na ito ng mga kids kaya kasama pa si bunso. First face to face class nila nung nakalipat na kami dito sa Trece. ☺️

E@ElyzzBerttErynn

Before kami lumipat dito sa new house plano ko mamili ng mga flowering plants para mailagay dito sa bakuran. Syempre iba kapag may mga halaman diba? Nakakarelax lang.. nakakapagpaganda ng mood ang magaganda at makukulay na mga bulaklak. Nang umuwi dito ang nanay at tatay ko ang pasalubong nila sa akin ay mga tanim nilang "gulay". Why not?! Mas praktikal nga naman! Maganda din naman sila sa mata at take note, "Mabubusog ka pa". Hehe. Kaya namili na din ako ng mga seedlings ng iba pang mga gulay. Kumpletuhin natin ang gulay sa bahay-kubi. Hehe Kangkong, talbos ng kamote, siling pangsinigang, luya, dwarf guava, lemon at bell pepper. Yung malunggay sana mabuhay pa. Ang gulayan sa aming bakuran! 😁 Gandang umaga sa lahat.

E@ElyzzBerttErynn

noise.app/ElyzzBerttErynn Coffe is life naman talaga! Di papaawat kahit gabi na. Hehe. Tamang bonding muna kami ni mister. Mainit sa loob kaya dito muna kami sa labas. Gandang gabi sa lahat. β™₯️

E@ElyzzBerttErynn

And because coffee is life naman talaga e di tayo papaawat! Hehe. Bonding over a hot cup of black coffee ang peg namin ni mister. Mainit kasi sa loob kaya dito muna kami tatambay sa labas. Mas presko! Buti nakisama din ang mga lamok.. maaga silang nagsitulog. πŸ˜‚ Gandang gabi sa lahat. β™₯️

E@ElyzzBerttErynn

noise.app/ElyzzBerttErynn β™₯️β™₯️β™₯️ Sharing you a snap from hubby's phone. Taken after long hours of gloomy weather. A rainbow 🌈 after the rain β›ˆοΈ. Miss you all! Hope to see everyone on the other side. ☺️

E@ElyzzBerttErynn

It's been quite sometime since the last time I got to visit the old site. Sobra talagang busy these past few months, but I really miss here! I miss all my NC friends and all the chikas. Hoping to catch up and see everyone around. ☺️ Very much thankful from a friend that sent me an invitation link. Tada! @ElyzzBerttErynn is here! Welcome dear "self"! Have friends and enjoy! Hehe. β™₯️β™₯️β™₯️ Sharing you a snap from hubby's phone. Taken after long hours of gloomy weather. A rainbow 🌈 after the rain β›ˆοΈ.

E@ElyzzBerttErynn

A month ago pa ang last visit ko dito at naliligaw na 'ko. Pa-drop naman ng invite code ng makalipat din sa kabila. Tenchu! πŸ˜‰

E@ElyzzBerttErynn

Pinagpaalam ko kay teacher ang 2 ko na hindi makakapasok. Di ko kasi maihahatid sa school. Di ko naman maiwan ang bunso ko na may sakit ngayon. Mahirap na walang ibang kasama sa bahay. Buti na lang napaka-understanding ni teacher. πŸ™ Sana bukas mag okay na si bunso. Ayaw ko naman mag absent na naman ang 2 at super late na din sila nakapagstart ng f to f. Super hirap talaga kapag may sakit ang bata. Nakakaawa. πŸ₯Ί

E@ElyzzBerttErynn

NPA no more! Finally nakalipat na din kami! Last Friday kami naglipat at super daming inayos kaya super busy. Medyo nakapag-ayos na din kahit paano pero meron parin kaming nga gamit na naiwan. Kukunin pa sa susunod na maging available si mister. At dahil andito na kami sa house e start na din magface to face classes ang mga bagets ko. First day nila ngayon! Parang mas excited ako kaysa sa kanila. Haha! πŸ˜‚

E@ElyzzBerttErynn

Hindi ba naman makisama ang panahon! Wala ulit gawa ngayon kasi walang tigil ang ulan. Paano ba matatapos ang bubong ng kusina ko nyan. Hahay! Kakatulog lang ng aking mga kulilitz! Siesta mode on na! Gustong gusto ko magkape kaso bawal. Hindi talaga ako maenergize sa gatas e. Bawi na lang kapag gumaling na. πŸ™ Malamig na hapon sa inyo. β™₯️

E@ElyzzBerttErynn

Maulang umaga sa inyo! β™₯️ Breakfast entry ng aking mga bagets - Pancake at milo. Medyo hirap na naman ako sa paggawa dahil sa aking vertigo. May finollow akong exercises sa youtube para marelieved sya kaso mali yata ako kaya mas malala ang lula at balanse ko ngayon. Keribels lang! Dahil kabisado ang bahay kaya laging may gabay. Kapag lalabas ng bahay yun ang medyo may fear ako kasi wala akong mahahawakan. Naisusurvived parin naman ang araw-araw. πŸ™

E@ElyzzBerttErynn

At dahil maulan ang gusto daw nilang ulam ay may sabaw. Wala naman na akong stock ng kahit anong meat kasi petsa de peligro na, meaning kaubusan na talaga ng lahat ng supply! Pero dahil may mackerel pa ako e ayan nakapagluto ng sinigang! Ang pinoproblema ko talaga ngayong araw ay ang aking pagligo! Hahaha! Ang lamig kasi! Super extra challenge sakin ang pagligo. No jowk yarn! πŸ˜‚ Kahit mag-init ako ng tubig para bang nakakatakot mabasa ng tubig. πŸ˜‚

E@ElyzzBerttErynn

Toasted bread (leftover pandesal) for snack! Ang dami kong gutom at pagod sa di matapos-tapos na pagpapack ng mga gamit. Friday na "daw" ang lipat namin and sana naman matuloy na talaga. Pang second Friday na kasi yang sched na yan. Hehe. Sa totoo lang e okay na hindi okay. Hindi okay kasi nakakahiya na sa teacher na hindi parin nakakapagface to face classes ang mga bagets ko. At ang hirap ng magpamodule, promise! At okay naman sya kasi nga di ko pa talaga matapos-tapos ang ligpitin. Sinusumpong kasi ako ng vertigo kaya hinay-hinay sa gawa. Kaya eto binawalan din ako magkape. Yan ang pinaka-sad talaga. Paminsan minsan nainom ako kaya lang nahuhuli naman ako ni mister. Napagalitan ako kaya mas ok ng sumunod na lang. Haha! πŸ˜‚ Tara meryenda na! πŸ˜‰

E@ElyzzBerttErynn

Malamig ang gabi kaya napasarap ang tulog. Tinanghali na! Hehe. Wala ding pasok si mister at nagfile sya ng leave para mag-asikaso ng permit sa mga gagawa sa bahay. If may extra time parin mamaya e bibili na din kami sa mga kulang sa school supplies ng mga bata. Nakabili na si mister kahapon pero marami parin kasi ang kulang. May mga leftover food pa kami from last night, monggo guisado saka pritong tilapia. Kaya di na ako nagluto ng ulam pa. Eto nagtoast na lang ako ng tinapay na bagay na bagay naman sa kape. Tara mag-almusal na muna. 😊

E@ElyzzBerttErynn

Injured, ansaket! Kaninang umaga ng magpiprepare ako ng breakfast, magpiprito ako ng shanghai saka tilapia. Naisalang ko na ang kawali at pinapainit ang mantika ng dumating naman si kuyang delivery ng Lazada. Di ko naman napatay ang kalan kaya sobrang init na talaga ng fan at oil. After ko mareceived ang parcel dali-dali nga ako sa kusina. Ayun sa pagmamadali ko nailaglag ko pa yung shanghai sa kawali kaya nagtalsikan sa akin ang kumukulong mantika. Meron pa ako sa hita at paa na mas malaki pa. Nafirst aid ko naman pinaagusan ko sa running water pero sandali lang kaya medyo ganyan sya. Ang hapdi-hapdi! Next time huwag magmadali (Self talk πŸ˜…)

E@ElyzzBerttErynn

Tatlong pirasong dalagang bukid ang niluto ko kaninang umaga. Nasa katamtaman lang din ang laki nila pero isa at kalahati lang ang nakain naming mag-iina. Kaya naman ang natira na isa at kalahati ay ulam na namin ngayong pananghalian. Ang tipid diba?! Hehe.. Sa snack time na lang ulit makapagluto para sa aking mga chikitings. πŸ˜‰

E@ElyzzBerttErynn

Maaga akong nagising kasi maaga ang pasok sa work ni mister ngayon. Two days syang di nakapasok dahil sa ubo at sipon. Alam nyo na medyo mahigpit sa mga company ngayon, bawal kahit simpleng ubo at sipon. Actually di pa sya totally okay pero kailangan ng pumasok at naka-rest day na ang partner nya. Huwag naman sana mapauwi. πŸ˜… Naipagprepare ko naman sya ng packed lunch nyang "easy prito" lahat, shanghai saka chicken nuggets. Pero sa mga kids di ako agad nakapagluto. Di ko maisip ano na naman iprepare sa kanila. Syempre ayaw ko naman na laging instant or process food. Naisip ko nga maghanap ng isda at buti paglabas ko kaunting lakad lang may dumaan na naglalako. Swerte ang ateng nyo di napagod! 😁 Nakabili ako ng tilapia, dalagang bukid at galunggong. Matagal-tagal na ding supply ito! Nagising si Elyzz at yung 2 tulog parin. Sya ang pumili na dalagang bukid ang iprito ko ngayon. Kaya eto nagluluto pa lang ako. Late na ang breakfast namin. Kayo ba kumain na? Gandang umaga. πŸ’šπŸ’šπŸ’š

E@ElyzzBerttErynn

It's been a while since I last visit and posted here. Three weeks na pala agad ang nakalipas! Medyo nahirapan lang ako sa pagka-overthinker ko. Most of the time tinatry ko na lang pakabusy. Nai-stress kasi ako kapag di ko mafigure out kung ano ang next plan ko. I always wanted na ahead of time naise-set ko na mga kailangan or nakalatag talaga ng ayos ang plan. Pero ngayon kasi wala akong choice, di makapagdecide at lalong di makakilos. Kamusta naman kayo? Kakatapos ko lang sa tambak na labahin at kakahiram ko lang din ng cp sa junakis ko. Nasira nga din pala etong phone ko at nagbootloop nung nakaraang araw. Naihard reset ko and good thing na nag okay. Naback up ko naman sa laptop mga important files ko pero di ko pa naitransfer ulit dito sa cp ko. Gandang gabi sa inyo. Nakaluto na ba kayo? Ako hindi pa, pahinga lang kaunti at pagoda na ako. πŸ˜