Nagluto ako ng pork steak pero di ako satisfied sa lasa! Inabot na ako ng 10 years sa kusina pero bawat taste test ko e hindi napasa sa taste buds ko! Nakakafrustrate din kapag ganun! Dagdag-bawas na nga ako sa mga pampalasa pero waley e. Di ko alam san ako nagkulang. Haha! Parang hugot lang. :)) For lunch and dinner na sana namin 'yun. Bahala na si mister magremedyo pag uwi nya. Dinamihan ko na niluto ko kasi sasamba ako ng 6pm. Dapat kaninang madaling araw para sabay sana kami ni mister kaya lang mabigat pakiramdam ko. Dami kong pagod sa nilabhan ko plus mabigat din ang ulo ko. Maaga naman uwi nya mamaya kaya keribels na nya remedyuhan yan. Suko na ako ihhh.. Wala ako maipost na picture gamit ng mga bata ang phone. Later na lang ako magpost if makahiram sa kanila. Iba na kasi ngayon 'yung may-ari na kailangan manghiram. Minsan binabalik naman nilang kusa, pero empty bat na. :))
Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.
1 comment
Totoo yan sis kapag may bata talagang kasama ganun na ang sistema sa phone haha keri na yan sis at may pa remedyo si hubby mo