Malapit ng mag-end ang school year at di ko expected na mairaraos ko talaga etong dalawa ko. Sobrang hirap pero napakafulfilling na natuto naman sila sa akin. Nung una nakakafrustrate kasi di ko malaman ang tamang approach kasi parang di ko ba ma-impart sa kanila ng tama 'yung kailangan nilang matutunan. Pero nagulat na lang ako na advanced na pala sila while all along akala ko behind kami. 🙏 Pictorial na nila for graduation sa June 1 and kagabi lang kami nainform na need ng uniform. OMG! Never kami bumili kasi wala namang face to face classes. Nanghinayang naman ako if ngayon pa bibili tapos next pasukan iba naman na ang school so iba na din ang kulay. Nagtanong pa nga ako if may iba pa bang option. Baka pwede nakadress or any polo sana. Di daw pwede kasi may picture na uniform ang suot. Ayun walang choice kaya napa-placed ako ng order sa Lazada kagabi. Pwede naman pangtaas na lang kasi half body lang naman. 😅
No comments yet