Join 98,761 users already on read.cash

Madugong Rosas Part 14 The Last 2 episode

0 19 exc
Avatar for Cold3ndice
Written by   296
1 year ago
Topics: Life, Blog, Story, Writing

SUZY'S POV

Mabilis na lumipas ang maghapon sa trabaho masyado akong busy at hindi na namalayan amg oras.

"Besty gising..."

Naramdaman kong may umuuyog sa balikat ko, pagmulat ko ay si Jay pala.

Kakabasa ko ng files ang hindi ko namalayang nakatulog na pala ako sa desk ko.

"Halika na umuwi na tayo".

Aya nito.

Coding ako ngayon kaya nakisakay ako dito pauwi.

"Jay pwede bang daanan natin nag kapatid ko".

"Nasundo ko na kanina pa".

"Ha? anong oras na ba?".

"9:00 pm na besty".

"Gabi na pala, salamat Jay ah".

"No problem, ahmmm tutal dalawa lang tayo ngayon may sasabihin sana ako sayo".

"Tungkol ba sa liligawan mo? Oo na bahala ka".

"Ha? Talaga ba? Pwede akong manligaw sayo?"

Gulat nitong tanong, pum-reno ito at itinabi ang sasakyan.

"Ano ba Jay mag dahan-dahan ka namn! at saka anong sinabi mo? Ako ang liligawan mo?!"

Naguguluhan kong tanong dito.

"Oo ikaw, sino pa ba? Ikaw lang naman ang gusto ko simula noon eh manhid ka lang talaga".

"Ah ehh".

"Shhhh hindi mo naman kailangang sumagot ngayon eh maghihintay ako".

Nakatulala lang ako dito dahil hindi ako makapaniwala na sarili ko lang pala ang pinaseselosan ko all this time.

"Alam ko din na hindi ka pa ready talaga dahil sa case ni tito pero kaya ko pang maghintay kahit ilang taon pa".

Pinisil lang nito ang ilong ko at pinaandar na ulit ang sasakyan.

"Close your mouth baby I may not able to control my self".

"Para kang timang Jay!".

"Hahaha joke lang sige na idlip ka muna habang nasa byahe alam ko namang speechless ka dahil sa sobrang kilig hahaha".

Pinagsusuntok ko ang braso nito habang ito ay parang walang pakiramdam na panay lang ang tawa.

Pagdating namin sa bahay ay agad na akong nagpaalam dito at umakyat ng kwarto hindi ko na kasi kaya ang sayang nararamdaman ko.

Para akong sira ulo na nakatulala sa kisame ng kwarto ko at paminsan-minsan ay nangingiti.

Ngayon ay alam ko na kung bakit ganun nalang si Jay kung alagaan at bantayan ako.

May gusto din pala ito sa akin at ngayon ay confirm ko na sa sarili ko.

Love pala ang tawag sa nararamdaman ko towards him.

"Ate!Ate! Buksan mo ang pinto dalian mo!".

Nagulat ako sa lakas ng pagkatok at sigaw ni Sydney.

Pupungas-pungas akong bumangon at pinagbuksan ito.

"Ano ba Sydney?! Madaling araw paang eh nanggigising kana agad!". asar kong sambit dito.

"Ate huhuhu, ate natatakot po ako".

Nagulat ako ng makita ko ang itsura ni Ana pawisan ito sobrang gulo ng buhok at telang puti lang ang suot nito gaya ng suot ng mga biktima ng patayan.

"A-ana? Nap-napano ka? Bakit ganyan ang suot mo?".

"Pumasok kayo sa kwarto ng ate mo at isasarado ko ng maayos ang pinto".

Tarantang sabi ni mama.

Umupo ang dalawa sa kama ko nakita kong nangiginig sa takot si Ana.

"Sorry ate hindi ako nakinig sa babala nyo ni Sydney, inimbitahan po ako ni Brandon sa party pero huhuhu". Halos hindi ito makasalita sa kaiiyak.

"Shhhhh Sydney pakibigay kay Ana ang tubig".

Uminum naman ito at nang kumalma ay nagsimula nang magkwento.

"Sumama po ako kay Brandon sa party at dahil tiwala ako sa kanya ay hindi ko namalayan na may nilagay pala sila sa inumin ko. Pagkagising ko po ay ganito na ang damit ko at may busal ang bibig ko huhuhu ate".

"Relax ka lang bess tutulungan ka nila ate".

Alo ng kapatid ko dito.

"Nasa kwarto po ako ni Brandon at noong pumasok sya ay nakasuot ito ng itim at maskarang puti, nakakatakot sya ate".

"Nako Anak mabuti at nakatakas ka! Paano ka nakaalis?".

Naiiyak na tanong ni mama hinahaplos pa nito amg ulo ni Ana.

"Opo sabi ni Brandon ay wag daw po akong maingay kung hindi papatayin nya ako pero hindi po ako nakinig. Susuntukin nya po sana ako pero narinig kong tinatawag sya ng mommy nya, lumabas po sya ng kwarto. Yon po ang nakita kong pagkakataon, pinagdugtong ko po ang mga kumot at ginamit para makababa sa binta huhuhu buti na lamang po at may magandang loob na nagpasakay sa akin".

"Shhhh tahan na Ana, ligtas kana proud ako sayo napakatapang mo".

Niyakap ko ito para kumalma ang takot nito.

"Salamat po ate wala akong matakbuhan dahil nasa bakasyon po si Daddy".

"Dito ka na lamang muna sa amin anak sigurado na safe ka, hindi ka ba nila nasundan?".

"Hindi ko po alam tita natatakot po ako baka madamay kayo".

"Pamilya mo na din kami Ana dito kana lang muna para mabantayan kita at hindi muna kayo papasok sa School habang hindi pa nahuhuli ang mga hayop na yon!".

"Salamat ate".

"Sige na Sydney pahiramin mo muna si Ana ng mga damit mo at magpahinga na kayo".

"Opo ate".

Tumuloy na ang dalawa sa kwarto ni Sydney.

"Anak anong plano mo?".

"Sasabihin ko po kay Jay para maalalayan niya tayo, magpahinga kana po mama".

Tatawagan ko sana si Jay pero madaling araw palang sumilip ako sa bintana at sinigurado na walang nakasunod kay Ana.

Mukhang wala naman kung kaya't minabuti kong matulog na lang muna at bukas ko na sasabihin kay Jay.

To be Continued.

Chapters.

Madugong Rosa's Part 13

Madugong Rosa's Part 12

Madugong Rosa's Part 11

Madugong Rosa's Part 10

Madugong Rosa's Part 9

Madugong Rosa's Part 8

Madugong Rosa's Part 7

Madugong Rosa's Part 6

Madugong Rosa's Part 5

Madugong Rosa's Part 4

Madugong Rosa's Part 3

Madugong Rosa's Part 2

Madugong Rosa's Part 1

1
$ 0.00
Avatar for Cold3ndice
Written by   296
1 year ago
Topics: Life, Blog, Story, Writing
Enjoyed this article?  Earn Bitcoin Cash by sharing it! Explain
...and you will also help the author collect more tips.

Comments