Join 98,759 users already on read.cash

Madugong Rosas Part 13

1 19 exc
Avatar for Cold3ndice
Written by   296
1 year ago
Topics: Story, Life, 2020

"Sino ang mga to? Estudyante?".

Pinakita ko dito ang mga kinunan kong larawan kanina.

"Malakas ang kutob ko na sila yon Jay".

"How sure are you?".

"50:50 palang".

"Kailangan pa ng further investigation Suzy alam mo yan dba? Hindi natin sila pwdeng basta hulihin".

"Despirado na ako Jay gagawin ko lahat matapos lang to!".

"Wag matigas ang ulo mo Suzy hindi ako papayag sa gusto mo!".

"Hindi ko kailangan ng approval mo Jay pinaalam ko lang sayo dahil partner tayo sa kasong to! Matagal ko nang hinintay ang pagkakataon na to".

"Oo Suzy I'm sorry kung naging insensitive ako pero wag ka sanang padalos-dalos.

Let's report this to the office tommorow and we'll work something out".

Seryosong saad nito habang nakahawak sa mga balikat ko.

"Please Suzy, don't you trust me?"

Pinakatitigan ko ang mga mata nito.

Labag man sa loob ko ay sumang-ayon nalang ako.

Ang hindi nito alam ay parte ito ng mga plano ko.

SYDNEY'S POV

Nagtataka ako kung bakit pinapaiwas ako ni ate sa mga lalaking yun eh mukha namang mababait at cool.

Si Frank ang pinaka leader sa lima dahil siguro ito ang pinakamayaman at gwapo, apo kasi ito ng pinakamalaking liquor company sa Italy.

Si Brandon ang may gusto kay Ana gwapo din ito at mayaman, anak ito ng sikat na owner ng car company.

Si Nikollo naman pangatlo nag-iisang tagapag mana ng clothing company halata naman sa mga trending nitong outfit.

Si Patrick na anak ng isang sikat na business icon at kilala worldwide.

At si George naman ang huli, anak ng isang kilalang abogado at tagapag mana ng lending company sa Italy.

Lahat ng mga ito ay lumaki sa ibang bansa ngunit sa di malamang dahilan ay bumalik sa Pilipinas at papalit-palit ng School na pinapasukan.

"Hoy Bess! Sino bang type mo sa limang yan maliban sa Brandon ko?"

Untag nito sa akin kasalukuyan kasi kaming kumakain sa canteen.

"Wag ka ngang maingay Anabelle baka may makarinig sayo nakakhiya ka".

Saway ko dito na pinandilatan pa ng mata.

"Aw hihi sorry".

"Ahmmm Ana may sasabihin sana ako pero wag kang magalit ah".

"Bakit ano ba yon?".

"Kung pwede sana iwasan mo na si Brandon".

"Grabi ka naman bess ngayon nalang nga may nanligaw sakin eh pagbabawalan mo pa".

Nakasimangot nitong sagot.

"Pwede naman kayong mag-usap bess pero sana wag kang sasama kapag inaya ka nya".

"Okay bess sabi mo e".

Nakahinga ako ng maluwag sa sinabi nito, ako man ay nahihirapang maniwala pero alam kong concern lang si ate.

Ngayon nga ay sinundo pa kami nito pauwi sa School mas okay na daw ang sigurado at safe kaming makauwi.

Inihatid namin si Ana gayundin si Leo na hindi pa din napapagod sa panunuyo sa akin.

Apat na taon na pero heto pa din ito matyagang naghihintay sa akin.

Kung hindi lang naman ako nangako kila ate ay baka nasagot ko na ito.

To be Continued.

Chapters.

Madugong Rosa's Part 12

Madugong Rosa's Part 11

Madugong Rosa's Part 10

Madugong Rosa's Part 9

Madugong Rosa's Part 8

Madugong Rosa's Part 7

Madugong Rosa's Part 6

Madugong Rosa's Part 5

Madugong Rosa's Part 4

Madugong Rosa's Part 3

Madugong Rosa's Part 2

Madugong Rosa's Part 1

3
$ 0.00
Avatar for Cold3ndice
Written by   296
1 year ago
Topics: Story, Life, 2020
Enjoyed this article?  Earn Bitcoin Cash by sharing it! Explain
...and you will also help the author collect more tips.

Comments

This was written so perfectly and was interesting

$ 0.00
1 year ago