INTL COFFEE DAY Sa mga madlang noise pipz na mahihilig sa kape para po sainyo ito. Di na ata mawawala sa sistema natin na pagkagising sa umaga pagtitimpla agad ng kape ang ginagawa. Kanino ka nga bumabangon? Kulang ang araw kapag di nakapagkape. 😁 One time may convo kami ni @charlsss sa messenger, Me: Pano pag mayo ng KAPE? (Paano kung wala ng kape?) Cha: Dae pwede yan, mai-STRESS ang mga TAO! (Di pwede yan, lalong mai-stress ang mga tao) PS. Sa mga kaibigan ko dito sa noise…
@unknownymous19 in October 2022
TUKO Ang tuko o gecko sa ingles ay isa lamang sa mga uri ng butiki na naninirahan sa mga puno. At napabalita pa na sa ibang bansa ay mahal ang bili nito para sa isang piraso. Related sa tuko ang ishishare ko sa kase parang xmas light na naman ang bahay sa pawala-wala ng koryente at nasisisi namin ang tuko kung bakit nawawala dahil yan ang rason daw kung bakit bigla na lang nawawala base sa post na nasa larawan. 🤣 Magandang gabi sa lahat! PS. Di masyadong nakapagpost kase…
POLBO May nakakatawa akong experience dahil sa polbong Johnson's baby powder noong 4th year high school ako. Malapit lang ang school sa amin kaya naman di na kami nagbabaon, bago pumasok sa hapon di ko iniiwan ang mga hugasan na nakatiwangwang kaya hinuhugasan ko na. One time, di ko namalayan malapit na mag-1 o'clock kaya dali dali akong nag-ayos ng sarili, suklay at kaunting polbo. Pero nalate pa rin ako at pagdating na pagdating ko nagtawanan ang mga kaklase ko. Yun pala…
GUILTY "Ohh! So you're the one who took all our jobs!" Ito yung meme na may katuturan, wala pa nga jan ang flashlight. Sa paglipas ng panahon, di na rin natin maitatanggi ang pag-usbong ng mga pagbabago sa lipunan. Nakuuu napag-initan tuloy si Mr. Cellphone, siya lamang ay naimbento ng mga malilikhaing imbentor sa kasalukuyan at patuloy pang nagsasaliksik upang mapaganda ang mga features at specs nito. Kaya nga lang di afford ng BULSA ang ilan sa makabagong modelo. 😅 Radio…
FARE May pinalabas na anunsiyo tungkol sa pamasahe dito sa aming lugar. Bumaba na pala ng 2 pesos ang pamasahe ngayon sa tricycle, 13 pesos na lang ang kailangan at 11 pesos kung discounted naman. Pero napapansin ko pa rin na 15 pesos pa rin ang hinihingi nila at pinupuno na ng mga pasahero ang isang byahe,masyadong sikisikan na. Kung sanay ibalik sa 8 pesos bago magpandemic ayos lang sana na puno ang sasakyan. Minsan naman sa pag-aarkila, mahal din ang singil nila. Lahat…
Nagising ako ng 4:30, gusto ko pa sanang umidlip pero di na ko dinalaw ng antok. Sarap pa naman matulog kaya lang bangon na. 😴 Magandang umaga sa lahat! ☺️ PS. Magpopost sana ako dito kagabi kaso ayun naunahan ng antok, di namalayan nakatulog na. 😂
GURO Ni: @unknownymous | LGVC Isa ako sa mga batang walang kamuwang-muwang Musmos at ignorante pang maituturing ng lipunan Ambabaw lamang ng kanyang kaligayahan Tanging hangad lamang ay magkipaglaro sa mga kaibigan. Unang beses na pagtapak ng munting mga paa sa paaralan Kasabay ang mahigpit na kapit sa kamay o damit ng magulang Baka mawala sa dami ng taong nagkukumpulan Ngunit namutawi ang galak at kasiyahan. Unang bungad mo saki'y ngiting pagkatamis-tamis At isang mahigpit…
LAST CHAT "NABUSY lang. Hahahaha" Yan ang last chat ko sa messenger kaya yan naman ang sagot ko sa tanong na nasa larawan. Nakakatawa lang ang mga nababasa ko sa comment sections at ilan sa mga ito ay... "How to apply po?" "Eatwell" "You have sent an attachment" "Nasa table ang lyrics" "Wala daw tayong silbi sabi ni mama." Nagpipigil ako ng tawa kase baka mapagalitan pa ako nina mama eh tulog na yun. 🤣 GV on a Sunday night. 😆 Goodnight! PS. Kayo madlang noisepipz, ano ang…
BISPERAS Kapapasok pa lang ng buwan ng Oktubre ay marami ng ganap sa barangay namin dahil sa kapistahan matapos ang mahigit dalawang taon na natigil ito dahil sa pandemya. Muli na namang nanunumbalik ang saya at sigla ngayon nalalapit ang kapistahan ng aming barangay. Ilan sa mga di mawawala kapag pista ay perya, liga sa basketball, Barangay Got Talent, pageantry at parada sa barangay kung saan kasama ang ilan sa mga opisyal nito, banda, mga bata sa educare, mga guro at mga…
MANOK Kaninang umaga habang nag-aalmusal kami, panay tahol ng tatlong bubwit. Kala namin may tao kase para silang di mapakali, yung manok pala ang dahilan. 🤦♀️ Masyadong kasi silang territorial, ayaw nilang may ibang mga hayop na makita sa bahay namin kahit pusa lagi nilang hinahabol para umalis kaya lang di sila makaakyat sa pader. 😅 Magandang hapon sa lahat. 😃 PS. Di masyadong makapag-update kasi busy sa work. Sayang yung palaro ni Sir Aya di ako naksali, nakita ko…
BATAS NA! Isinabatas na ang SIM CARD REGISTRATION sa buong bansa. Parehong PREPAID AT POSTPAID sim cards ay kailangan ng iparehistro sa PUBLIC TELECOMMUNICATION ENTITY (PTE) sa loob ng 180 days at kung di makapagrehistro ay automatic na idideactivate ang nasabing sim cards. At ang mga NEW users ng sim card ay maactivate lamang kapag nagrehistro sa PTE. Sang-ayon ako sa batas na ito ngunit may ilan lamang akong tanong kung sakaling maimplement na ito. 1. Saan magrerehistro?…
Hi madlang noisepipz! 👋🏻 Mayroon po akong bagong post sa noise app. Payag ba kayo sa sim card registration? If you want to know more, feel free to visit yung link. Thanks! 😁 https://noise.app/unknownymous/mkjz702k
MM Mid - morning na pala. ☺️ Kanina may nakita akong batang lalaki edad 8 o 9 years old, ang bilis ng lakad niya papasok ng school at may bitbit na biscuits at juice. Sabay tingin sa relo ko at malapit na pala ang recess nila. Dali-daling maglakad para maibigay agad ang snacks sa kanyang kapatid. Ang sweet ni kuya. 😉 Tanda ko rin noon kapag hinahatid at sundo ko ang bunsong kapatid ko sa school, kinder siya noon. Di rin ako mapakali kapag malapit na magrecess at di ko pa…
SAN FRANCISCO CHURCH Ang San Francisco Church ang isa sa mga kilalang simbahan dito sa amin at makikita ito sa centro. Para naman kahit gaano kabusy ang mga tao sa pagtatrabaho ay pwedeng pumunta rito para manalangin, maglabas ng saloobin o maging pasasalamat. Kung minsan lugar ito para huminga at magpahinga para sa pagod na katawan at isipan at damdamin. Ibang - iba na ang ayos at istruktura nito noon kaysa ngayon tulad ng makukulay na pinta na ang nasa mga haligi at mga…
JOY RIDE Kaninang hapon, dali - dali akong pumunta sa centro dahil may importante akong puntahan at bilhin. Kaya lang pagkatapak ko mismo palang mismo sa harap ng opisina nila ay maaga raw silang nagsara ngayon dahil walang koryente *kasali pala ang centro sa mawawalan ng koryente mula 9 am hanggang 6 pm*. Di agad pumasok sa isip ko kase halos gumagamit ng gen.set kaya naman olats ang lakad ko. Sayang ng pamasahe, bumaba nga sa tricycle pero tumaas naman sa jeep. 🤦♀️ Bukas…
⚡ Uulan na naman siguro kase may mahihinang kumukulog at kumikidlat na naman tulad kagabi. At kita ang liwanag nito sa bintana. Mayroon na naman sama ng panahon pero di ko alam ang detalyeng balita tungkol kina Maymay at Neneng. 😢 PS. Di ko na nakuhanan ng picture kase gabi na at ayaw ko na lumabas ng bahay 😅
DOWNY Noon yan ang nakakainis matapos maglaba at nakapagsampay na saka naman magsisiga ng tuyong dahon ang kapitbahay sa likod nila kaya tuloy ako sabay kuha ng sinampay kahit basa pa, sayang ng downy. Di pa kase noon uso ang washing machine at dryer, di pa afford. Pero bihira na ngayon ang magsiga ng basura dahil ipinagbawal na. Kanina pa ako nakikipagpatintero sa ulan - magsasampay tapos kukunin kasi uulan tapos iinit. Kaya ang ginawa ko di ko na lang nilagyan ng sipit…
4Ps PURPOSE PATIENCE PERSEVERE PRAY Yan ang tampok sa homily kanina ng pari kanina, mas tumatak kase nataun na sa salitang Bikol ang misa kanina, mas namnam mo ang bawat salita na binibitawan niya. Pero mas pinagtuunan niya ng pansin ang PATIENCE o magkaroon ng mahabang pasensiya at pagtitimpi sa sarili o mga plano na di pa natutupad. Kaakibat rin dito ang perfect timing o tamang panahon sa lahat ng bagay ayon sa kagustuhan Niya. Di ako palabasa ng bible pero may isa ako…
CHEERDANCE Buhaghag ang mga buhok na parang sinabunutan, makapal na make-up, black & red ang motif ng costume, checkered pants *hiniram lang sa isang school* and white shoes. Yan ang costume namin noong cheerdance competition nung college kami at mapapasayaw ka na lang para sa grades. 😅 Ilang weeks din ang ginugol namin bago makua ang mga steps, nakakapagod pero masaya. Sulit ang pagod at sakit ng katawan na tinanghal kami na champion. Di namin inasahan sa totoo lang dahil…
P. A. G. T. A. T. A. P. O. S Nahalungkat ng kapatid ko ang mga larawan namin noon mga dugyot pa lamang kami. 😅 Nakalagay dapat sa photo album kaya lang nasira na ito kaya lahat ng pictures namin ay nasa isang lalagyan na lamang. Kay sarap lang balikan ang mga alaala ng nakalipas. Ishare ko lang itong nasa larawan, Recognition Day namin yan at nagkaroon ng intermission number ang bawat baitang. Nakalimutan ko kung ang grade ako niyan. Halata naman na binabasa ko lang kung…
SULAT - KAMAY Mahilig si papa sumulat sa likod ng litrato. Isinulat niya iyan noong Jan. 30, 1998. Ito ang nakapaloob sa sulat, ... To: Ninong and Ninang Sorry po kung hindi po kami makakabisita sa inyo ngayon sapagkat nahihiya po kami. Pasensiya na po kayo na po ang bahalang umintindi. God bless you all! ... Di ko alam kung anong okasyon ang dapat sanay dadaluhan nina papa noon pero alam ko buntis jan si mama, malapit na ang kabuwanan at nanganak ng February. Isa siguro sa…
Kanina pa makulimlim at bumuhos na nga ang ulan. Dumagdag pa ito sa antok ko. Sarap tuloy matulog pero di pwede. 😂 Ulan 3x Please lang tumila ka na. Di ko mapigilan ang hikab ko Baka mamalayan ko na lang nakaidlip na ako Uwian ay matagal pa. 😆 May LPA naman kaya? 🤔
Maray na AGA! 😊 Makulimlim man ang araw pero umpisahan natin ang araw na ito ng pasasalamat sa Kanya. Kung ikaw man ay nasa bahay, papuntang work o may lakad ngayon! Ingat po sa maghapon madlang noisepipz! 🌥️
BAN Mahigit isang dekada na ang nakalipas ng una nating mapanuod o masilip ang iba't ibang ASIANOVELAS. Kabilang dito ang Meteor Garden, Boys Over Flower, Save the Last Dance for me, Stairway to Heaven, at marami pang iba na nahook talaga tayo sa kanilang palabas. Sa ngayon usap-usapan na iba-BAN daw ang Korean drama/series/films sa ating bansa ayon sa isang senador. Marami ang tutol lalo na AKO, isa akong kdrama fan kahit na bihira na akong makapanuod ngayon pero di yun…
Happy 17th monthsary po sa lahat ng members ng NFSFG at sa mga bosses! 💕 Hats off. 🥳
Good Morning! Pagbati po mula sa aking mga bubwit na alaga! Tata, Nana, & Em-Em 🥰 Nakatago na naman ang araw sa likod ng mga ulap 🌥️. Payong o kapote ay huwag kalimutang dalhin sapagkat ang ulan ay nagbabadya na naman. Maginaw! 🥶 Ingat po sa maghapon madlang noisepipz! 😊 PS. Happy 17th monthsary po sa lahat ng kasapi ng NFSFG family! 🎊🎉
Magandang umaga!!! *Rinig ba hanggang dulo?* Nagpakita na si haring araw. Sana naman maghapon ang kanyang duty para maaliwalas naman at matuyo ang mga labahin. 😁 Ingat sa maghapon madlang noisepipz!
FT Naibahagi ko na ang ibinigay sa akin na fts, huling batch na siguro ito. Mag-aapat na buwan na pala ako ditong nag-iingay! Di naman po kayo naririndi? 😆 Happy to be part of this platform. Meeting new found friends, mapakwela o seryosong usapan, andiyan kayo. Kaya isang malaking ❤️ para sa lahat! Ito ang platform na di naglilista kapag MAINGAY! BOW! 😆
BIYAYA Sa unang larawan, post ko sa kabila noise.cash, inubos ko na ipamigay yung fts ko dun. At sa ikalawang larawan naman ay yung bigay dito mismo sa noise.app. Ang sarap lang sa feelings na makita yan pero meron o wala di matatawaran ang nabuong pagkakaibigan dito. Lagi ko ngang sinasabi ito ang platform na di nalilista kapag maingay. Kaya kahit saan yan mapanoise.cash o noise.app tayo ay MAG-INGAY!!! 📢📢📢 Lunchtime noisepipz! 😁
SNAKS Solb na naman ang tiyan. 😂 Nagkaroon kase ng program dito sa school at di mawawala ang fodangs. Haha. Kaya nga lang bumuhos ang malakas na ulan sabayan pa ng malakas na kulog at kidlat. Naririnig ko ang mga bata nagsisigawan kapag kukulog at medyo na interrupt ang mga tao kung saan sisilong. Tapos na ang program pero tuloy pa rin ang buhos na ulan. Maulan na hapon sa lahat! 😖 PS. Hapon po ang schedule ng ulan sa amin o kaya gabi. 😂
TGIF "Pumapatak na naman ang ulan sa bubong ng bahay" 🎶 Video yan pero SS ko na lang kase di pa pwede ang video dito. Sinend ng kapatid ko sa gc namin at ang aming Em-Em nakatanaw sa labas habang umuulan...nagsesenti ata. Takot naman sa tubig. 🤣 Maulan na hapon madlang noisepipz! 🙃
LEGAZPI Dalawang taon na pala ang nakalilipas nung huli kong punta sa Legaspi. Sinamahan ko si mama para isubmit ang mga requirements para maayos na ang birth certificate niya. Late registration ang nangyare kase wala si mama records sa PSA kaya kailangan iupdate. Sa ngayon, kahit anong transaction di mawawala ang BC sa mga requirements sa enrollment, banko, loan, pension atbp. Noon kasi di naman daw strikto sa mga dokumento kaya wala naman silang nakatago noon. Yung bunso…
TODAY'S GANAP Nag-aya ang kapatid ko na pumunta ng centro, maggrocery daw kami para sorpresahin si mama. Binili lang namin ay yung mga kailangan lang talaga sa pang-araw-araw at todo kwenta kami habang namimili para sakto sa budget at di sumobra. Wala pang gaanong package deals na nakalagay sa estante siguro pagmalapit na ang Pasko ay maglalagay na sila. Sa panahon ngayon kailangan ng masusing pagbabadget sa mga gastusin para hindi mashort pero minsan kinukulang pa rin…
TATA Napreskuhan ang aming ate Tata kase bagong ligo, black na black naman siya. Sa magkakapatid siya talaga ang mahirap paliguan pag ayaw niya di mo mapipilit at nagagalit. Pero minsan kailangan pilitin at lambingin para mabango na naman ang bibi. Kahapon kase naligo ang mga kapatid niya, kapag alam niya na ligo time ang gagawin pupunta sa ilalim ng upuan o kama at dun tatambay ng matagal. Si Tata ay tahimik lang sa sulok o kaya ay tatambay sa pasamano sa labas. Malambing…
FOR SALE Natawa ako sa post na ito pero pano nga kaya kung ang Earth ay nabili na. Saan na kaya tayo pwede pumunta? 😂😅 Good night! PS. Pampa-GV lang bago matulog.
101 Another milestone naman po, thanks sa isang daan at isang kakilala. Kailangan kase you follow each other para macount. Patuloy na mag-iingay at magbabasa ng mga saloobin, ideya, kuro - kuro o haka - haka o kahit anong shared posts dito. Dahil sainyo may mga bagay - bagay tayong natutunan minsan napapatawa ninyo ako sa mga banat, jokes at minsan sa mga BH o HB ng ating madlang noisepipz . 😂 Ang ilan sainyo, hanggang ❤️ react lang po ako at di pa makapagkoment. Hehe. PS.…
TRICK OR TREAT "Sweets and chocolates - delicious cure for a bad day!" - Unknown Pinakita na naman ito ni memories sa ipbi. Napuno ng sweets and chocolates ang lalagyan. Di ko na matandaan kung bakit marami yan. 😅 Kapag bad mood ako kakain lang ng chichirya, softdrink at chocolates. Pero yung tamang tama lang at masama ang sobra. At kapag stressed ka, katapat niyan desserts. Baliktarin mo lang ang salitang stressed. Namalayan mo good mood ka na naman. Magandang umaga sa…
1K Ipahinga muna ang 👀 sa pagbabasa. Masisipag ang madlang noisepipz sa pagpopost at siguradong madadagdagan pa yan mamaya. Karamihan ay magluluto na para sa pananghalian at mabubusog na naman ang mga mata sa dami ng ulam mamaya na ishi-share dito. PS. Bigla na naman bumuhos ang ulan, ang init kanina. Moody masyado. 😂
Moody masyado ang panahon, ang init kanina pero ngayon umuulan na. Pero may binabantayan kaseng LPA at papasok sa PAR sa Biyernes kaya naman siguro iinit at uulan. Nakaluto na ba ng pananghalian? PS. Mabubusog naman 👀 ko neto sa mga post mamaya. Hehe
PATAK NG ULAN ni. LGVC x JIC Me: Buhos ng ulan walang humpay Sa ihip ng hangin sumasabay Tanging patak nito'y maririnig mo Hanggang matapos pagbuhos nito. Her (my friend): Pagbuhos ng ulan, itigil mo na Parang kami ay makalisan na Sa mga alaalang ibinigay mo Sa aming masalimuot palang pag-asa. Me: Titila pa ba? O baka abutin hanggang umaga. ———————————————————— Kuya: Ay kakalabanon ako! (Mahilig kase si kuya gumawa ng tula, kwento o sanaysay pero lab niya talaga ang Math. 🥺)…
Maulan na umaga sa lahat. Wag pong kalimutan ang payong, kapote at panangga sa ulan. Ingat po ang lahat kung mayroon pong lalakarin maging ang nasa bahay. Di na naman makapagsampay nung huling batch na nalabhan ko. Mas maganda pa rin pagtuyo sa araw ang mga damit. Madalang lang akong maligo sa ulan noon kase takot ako sa kulog at kidlat. PS. Panigurado may mga bata na naman ang naliligo sa ulan ngayon.
Until now it's raining cats and dogs with sudden lighting and thunder while giving us a cold breeze. I hope that everything is fine with this kind of weather. Whether you are already home or just getting ready to work at this moment. Keep safe everyone! A cup of coffee can soothes this cold weather. ☕ Good evening folks. 😁
SUSPENDED | PAENG Pambungad pa lang ng mata ko, may notif na agad sa phone ko. Mga 11 pm kagabi, naku tulog na ako niyan kase maulan. Wala na naman pasok dahil sa bagyong PAENG, mayroon ng flood warning advisory at dahil walang tigil ang pag-ulan maaaring tumaas ang lebel ng tubig sa ilog. Bukod diyan may mga mabababang lugar talaga dito sa amin na bahain kahit konting ulan kaya pano pa kaya di tumigil ang ulan. Bukod sa klase ay suspended rin ang pagbyahe sa ilang kalapit…
Pabugso - bugso pa rin ang ulan dahil sa paparating na bagyo bukas o sa Sabado. Itong ulan daw na ito ay dala ng Amihan at Shearline na tinatawag. Medyo bumaba raw ang track ng bagyo kaya malapit sa Bicol kung sakaling pumasok na sa PAR. Sa ganitong panahon, lagi kami naka-update kay Sir Mike Padua dito sa Bicol. Kailangan na ayusin na ang mga gamit na maaaring mabasa, isilong na ang mga gamit sa labas at mag-impok na ng makakain sa mga susunod na araw. Maulan na morning po…
SIGNAL 1 Ngayon lang naman nakapag-update, nakataas na sa signal no. 1 ang mga nakalistang lugar na nasa larawan. Ganitong may bagyo, ang lagi namin dalangin ay malusaw na lang ito at kung hindi man ay di na lumakas ang ulan nitong dala, wala ng kasamang malakas na hangin. Mas mapaminsala pa kung may bugso pa ng hangin lalo na sa mga pananim ng mga magsasaka at malapit sa baybayin o mabababang lugar na laging binabaha. Kumusta ang maghapon ninyo? Kaninang umaga, kailangan…
Maagang nagising dahil sa lakas ng ulan sabayan ng kulog at kidlat. Hindi pa ako bumabangon dahil maginaw at tulog pa mga kasama ko. Ipinapanalangin ko na bigyan sana tayong lahat ng proteksiyon kay bagyong PAENG. Lahat sana ay may masisilungan lalo na ang mga alaga natin hayop lalong lalo na ang mga gala sa kalsada. Ang bagyong ito ay makikiraan lamang ng ilang araw ngunit dalangin ko na sanay di grabe ang maging distroso nito lalo na sa mga pananim, transportasyon at…
MAJOR LANDFALL AREAS (High Strike Risk Probability of 90%) Tomorrow early morning (Saturday), Typhoon Paeng will enter the Bicol Region. Landfall No. 1: Catanduanes (around 2 - 3 am) Landfall No. 2: Camarines Sur (Partido Area) (around 4 - 6 am) Landfall No. 3: Camarines Norte (around 7 - 9 am) Landfall No. 4: Southern Polillo and Northern Quezon (Infanta Area) (around 3 - 6 pm) We are already in TCWS No. 2. Keep safe everyone! Source: Sir Mike Padua FB page.
STS PAENG Yan ang bagong update sa binabantayan bagyo. Nagbago na rin ang posibleng lugar na dadaanan o landfall nito kumpara sa unang kong post dito. https://www.facebook.com/100044228119664/posts/pfbid0oXqeagbPSPgPnfo8X4Ysq4ZF7zXM229nRDDxDoJFJz65cCbsA1RvnY3JEjvrXnrql/ Lahat pa rin ay pinag-iingat. Nalaman ko rin na marami ng nag-evacuate sa school namin. May nag-ikot kaninang mobile galing sa barangay at nagbigay ng anunsiyo ukol sa bagyo. Magandang gabi sa lahat!
Andaya naman ni Paeng siya lang ang nag-enjoy ng long weekend. Andami na niyang napuntahan ng libre. Wala nga siyang passport at vaxx card. 🙄 Kidding aside, we are safe and I hope kayo rin po jan sainyo. Naging unpredictable ng track ni Paeng dahil sa pabago - bagong galaw nito. Patuloy pa rin tinatahak ni Paeng ang iba't ibang lugar patungong hilagang bahagi ng Pilipinas. Kumain na kami ng maaga dahil pawala-wala ang koryente dito sa amin dahil may mga inaayos pa. May ibang…
Sumisilip na si haring araw pero malamig pa rin ang simoy ng hangin. Humahawi na rin ang makakapal na ulap upang makita ang nasa likod nito - ang bughaw na kulay. Nakapagluto na rin ako ng almusal. At mamaya ay maglilinis na rin at maglalaba ng mga damit. Paunti - unti pero matatapos din ang mga gawain. Magandang umaga sa lahat! 😊
SEARCH OPS Pagkagising ko kanina, ito agad bumungad sa akin. Nakakataba ng puso na naalala pa rin nila si kuya Yong. Post yan ng isa sa ka co-teacher at kaibigan ni kuya sa una niyang school na tinuruan as LFT. Halos isang oras din ang paghahanap niya pero di mahanap kase maulan at maputik na rin kase sa ilang araw na pag-ulan at sa bagyong Paeng. Medyo malayo talaga si kuya sa lawak ba naman ng lugar kase malapit na siya dun sa 2nd/exit gate sa tapat ng payat na matangkad…
Hello NOVEMBER! 🍂 Oras man ay kay bilis lumipas Pagbati'y di mapapalampas Panibagong buwan ay aabangan Kasabay ng pagsikat ng araw! Magandang umaga madlang noisepipz! Have a nice day ahead. ☀️ PS. Wag kalimutan mag-alay ng dasal sa mga namayapa nating mahal sa buhay. Bukas pa talaga ang All Soul's Day pero nasanay na kase tayo na sa unang araw ng buwan. 😌