JOY RIDE Kaninang hapon, dali - dali akong pumunta sa centro dahil may importante akong puntahan at bilhin. Kaya lang pagkatapak ko mismo palang mismo sa harap ng opisina nila ay maaga raw silang nagsara ngayon dahil walang koryente *kasali pala ang centro sa mawawalan ng koryente mula 9 am hanggang 6 pm*. Di agad pumasok sa isip ko kase halos gumagamit ng gen.set kaya naman olats ang lakad ko. Sayang ng pamasahe, bumaba nga sa tricycle pero tumaas naman sa jeep. 🤦♀️ Bukas na pala yung isang Korean Resto malapit sa Basilica, "Shabu-Shabu 249" konti ang tao kanina. Mahal ito sa ibang korean resto, bukod sa unlimited samgyupsal ay mayroon kase silang hot pot na wala sa iba. Good night! PS. Sadyang may pagkakataon na di umaayon sa iyo. ☹️
No comments yet