BAN Mahigit isang dekada na ang nakalipas ng una nating mapanuod o masilip ang iba't ibang ASIANOVELAS. Kabilang dito ang Meteor Garden, Boys Over Flower, Save the Last Dance for me, Stairway to Heaven, at marami pang iba na nahook talaga tayo sa kanilang palabas. Sa ngayon usap-usapan na iba-BAN daw ang Korean drama/series/films sa ating bansa ayon sa isang senador. Marami ang tutol lalo na AKO, isa akong kdrama fan kahit na bihira na akong makapanuod ngayon pero di yun nawawala. Iba kase ang atake nila sa bawat palabas, yung Plot Twist na tinatawag, di mo malaman ang mg susunod na pangyayari sa series o dramang pinapanuod - kilig, drama, iyakan, aksyon at thrill ang madarama mo habang nanunuod. Sa atin kase, bukod sa pahabaan ng taon bago matapos, may idea na tayo ng magiging senaryo o eksena. PERO may ilan naman talagang magagandang pelikula na naipalabas na sa takilya sa atin maging sa ibang bansa. Bakit kailangan i-BAN? Eh may mga Tagalog dubbed nga na pinapalabas sa TV. π€ Magandang hapon sa lahat! PS. Anong say ninyo ukol dito? Alam ko may ilan dito na tulad kong mahilig manuod ng kdrama. π
29 comments
Ano daw ang rason para iban yan sis? Daming aalma jan for sure
Ayon sa nabasa ko para daw sis mabigyan ng tuon yung palabas natin.
Ganun ba, tangkilikin ang sariling atin pala ang peg haha
Pero nagdadubbed din sila. π€¦ββοΈ
Hindi ako pabor na e ban
Same po tayo.
Hay naku, sa lahat ng ipagbabawal kdrama pa talaga.
Sana di ma ban. Di na natin makita mga oppa hahahahhaha
Inggit kasi sila, wala nang manonood sa sariling atin kasi hindi na makapaniwala ang mga palabas wahaba
Mayroon naman pong magaganda kaya lang halos po magkakapareho ang senaryo. Hehe
Paulit ulit yung iba
Oo nga po nakakaumay na rin
Ay kaloka iyan huh paano ang gagawin kong gusto natin ang kdrama kaloka grabe yan ha
Marami pa sis nakaline up haha.
Hindi naman daw ibaban kumbaga limitahan lang pati yong mga palabas sa abs na may mga rape at violence para hindi napapanood ng mga kabataan.
Yung ganyang tema noon kase midnight pinapalabas kaya ang napapanuod lang ng mga bata ay cartoons at light na palabas. Ngayon kase sis kahit saan pwede na manuod online. Limitahan paggamit ng gadget sa bata.
Oo nga eh dapat talaga tutukan o bantayan ng magulang kaso may mga magulang na kunsintidor iba pa naman ang mga kabataan ngayon.
Tama ka jan sis
Madami talaga magrereklamo pag tinuloy nila yan haha.
Magrarally sis π
Nabasa ko sa balita, nasabi lang daw nung tinutukoy mong senador pero wala namang balak talagang i-ban. Grabe naman kung i-baban, libangan yan eh. Ang gawang pinoy naman kasi kakasimula palang mahuhulaan mo na agad ang wakas eh kaya nakakawalang ganang panoorin minsan haha. Pero meron naman magaganda. Pang-pinoy style talaga na palaging naapi ang bida at sa huli magwawagi. Alam na alam na ang konsepto ng pelikulang pinoy.
Tama ka jan sis, makapagbigay lang ng suhestiyon tapos sabay bawi? π€£
Hala ang gaganda pa naman ng mga korean novela
Di naman matutuloy yan sis nakuuu pano kung tayo ang i-ban? Di nganga π
Mgwewelga tlga Ako sis. Yung inflation atupagin nila at wag yang kdrma.
Hindi naman siguro nararapat na ma ban ang K-drama lalo pa kung hindi naman ito lumabag sa rules.
Tama ka jan sis, nasasapawan na raw kase ang atin ayun dun sa nabasa ko pero para sa akin ayaw ko i-ban, marami pang nakaline up haha
nako nako talagang mag rarally ang mga kpop at kdrama fan nyan
Ay sigurado yan sis haha