BISPERAS Kapapasok pa lang ng buwan ng Oktubre ay marami ng ganap sa barangay namin dahil sa kapistahan matapos ang mahigit dalawang taon na natigil ito dahil sa pandemya. Muli na namang nanunumbalik ang saya at sigla ngayon nalalapit ang kapistahan ng aming barangay. Ilan sa mga di mawawala kapag pista ay perya, liga sa basketball, Barangay Got Talent, pageantry at parada sa barangay kung saan kasama ang ilan sa mga opisyal nito, banda, mga bata sa educare, mga guro at mga iskolar ng barangay. Kaya bukas panigurado, marami na naman ang mga dayo galing sa ibang mga barangay, makikikain at makikidalo sa mga kakilala o kaibigan. Naglalako ng ice cream, ice candy o ice drop, maririnig mo kahit saan ang kalembang ng bell. Di mawawala ang videoke sa kanya-kanyang tahanan. Ngayon nga ay maykumakanta na at di na naipagpabukas. At lalong lalo na, may ilan na makikita kang lasing sa kalsada Di po kami naghahanda tuwing pista. Ako lamang ay makikikain rin bukas at inalok na kami noong Biyernes pa lang sa kanilang tahanan. Birthday rin kasi bukas kaya doble celebration ang magaganap. Ako ay matutulog na rin dahil may pasok pa bukas pagkatapos nito. Sweetdreams! ☺️ PS. Anong ganap ninyo tuwing pista sa inyong barangay?
10 comments
Good night. Bukas ko na ya basahin. Ding na ako. Pikit mata, lumipad
Sweet dreams sis. 😴
Samin sis may pagoda sa dagat ng mga santa at santo,parade ng mga majorette at mga estudyante,may peryahan din,pageantry,contest sa sayawan at kanta.Siyempre hindi mawawala ang sayawan sa gabi yun din ang dinadayo.
Kanina sis madaling araw yung prosisyon kaya nagising talaga kami kase ang lakas ng trumpeta. Hehe
Yung pagoda at parade ang nakakamis maski mainiton.May competition man kaya samo sa majorette tapos kami pirmi gana kato hehe.Ay iyo ta amay ang prusisyon saindo diyan.Sabagay mayo pang init ano.
Happy fiesta dyan sis saindo. Maki fiesta daw. Haha
Nakifiesta man sana kami sis hehe duman na lang kita ka cha makikifiesta hehe
ka excite pag may ganyan noh
Ngayon na naman lang kase sis nagkaroon ng selebrasyon. Hehe
oo nga two years din kase wala noh kaya excited ang mga tao