FARE May pinalabas na anunsiyo tungkol sa pamasahe dito sa aming lugar. Bumaba na pala ng 2 pesos ang pamasahe ngayon sa tricycle, 13 pesos na lang ang kailangan at 11 pesos kung discounted naman. Pero napapansin ko pa rin na 15 pesos pa rin ang hinihingi nila at pinupuno na ng mga pasahero ang isang byahe,masyadong sikisikan na. Kung sanay ibalik sa 8 pesos bago magpandemic ayos lang sana na puno ang sasakyan. Minsan naman sa pag-aarkila, mahal din ang singil nila. Lahat naman tayo naghahanapbuhay kaya di ko rin masisisi ang ilang pumapasada pero andun lang ako sa TAMANG PAMASAHE, bukod sa nagmamahal na ang mga bilihin at bills sa tubig, koryente at internet, hirap din kaya magbudget ng mga expenses lalo na kung sakto o minsan kulang pa ang sinasahod. Kelan kaya ako mananalo sa lotto? 🤔 Heto na naman po ako, MAG-IINGAY! Magandang hapon sa magaganda at poging madlang noise pipz! 😆😂 PS. Speaking of lotto, maaari bang magkaroon ng 433 winners sa isang draw?
2 comments
Bakit dito sa amin 20 pesos regular fair sa tricycle hindi na bumaba.
Kami nga, 8 pesos, nadoble nung pandemic pero ngayon kase parang wala ng pandemic at punuan na, di pa binalik sa 8 pesos. Sakit sa bulsa minsan.