GURO Ni: @unknownymous | LGVC Isa ako sa mga batang walang kamuwang-muwang Musmos at ignorante pang maituturing ng lipunan Ambabaw lamang ng kanyang kaligayahan Tanging hangad lamang ay magkipaglaro sa mga kaibigan. Unang beses na pagtapak ng munting mga paa sa paaralan Kasabay ang mahigpit na kapit sa kamay o damit ng magulang Baka mawala sa dami ng taong nagkukumpulan Ngunit namutawi ang galak at kasiyahan. Unang bungad mo saki'y ngiting pagkatamis-tamis At isang mahigpit na akap sa aking munting bisig Kaya naman naibsan ang kabog sa dibdib na napakabilis At puso kong ito'y kumalma ang pagpintig. Ang pangalan ko'y di mabubuo kung walang alpabeto Kahit na pagbigkas ng pangalan minsa'y naging kumplikado Ito ay naging madali sa paraang itinuro mo Kahit umabot sa puntong namaos ang boses mo. Ikaw ang unang nagturo sa akin kung ano ang mga numero Gamit ang mga daliri, isa - isang binibilang ang mga ito Binibigkas ng malakas mula isa hanggang sampo Hanggang sa ito'y makabisado. Binusog ng kaalaman sa iba't ibang larangan Mapa-akademiko o pang- isports man Upang maging gabay sa kinabukasan At maging sandata sa mapaghamong lipunan. Magandang pag-uugali sa mga mata ay iyong ipinamulat Sa paglaki laging piliin kung ano ang mabuti at dapat Sa aking mga gurong ibinigay higit pa sa sapat. Ang puso ko'y lubos na nagpapasalamat 💚💚💚 Happy Teacher's Day po sa lahat ng kaguruan dito sa noise app. 🥰 PS. Kagabi pa dapat ito kaya lang nakatulog na. 😆 #OriginalContent #IdaanKoNaLangSaTula
2 comments
Napakaganda ng tula na handog mo para sa mga guro.
Thanks sis. Si kuya ko kase teacher din. 😊