P. A. G. T. A. T. A. P. O. S Nahalungkat ng kapatid ko ang mga larawan namin noon mga dugyot pa lamang kami. 😅 Nakalagay dapat sa photo album kaya lang nasira na ito kaya lahat ng pictures namin ay nasa isang lalagyan na lamang. Kay sarap lang balikan ang mga alaala ng nakalipas. Ishare ko lang itong nasa larawan, Recognition Day namin yan at nagkaroon ng intermission number ang bawat baitang. Nakalimutan ko kung ang grade ako niyan. Halata naman na binabasa ko lang kung anong katumbas ng letrang "S" sa likod ng folder. Binigay kase sa amin niyan sa araw mismo ng pagtatapos namin. Ang kagandahan lang noon dahil hindi pa uso ang cellphone, makukuhanan mo lang talaga yung pinakaimportanteng nangyare sa buhay mo. Ngayon kase bawat galaw o kilos mo ay maaaring makuhanan gamit ang camera sa phone at i-upload sa facebook. Pero di rin naman masama ito sapagkat sumasabay lamang tayo sa pagbabago. Have a nice day ahead madlang noisepipz. 😊
14 comments
Kaya daw ingat sa bawat kilos at galaw pag nasa labas baka mamaya kunwari nagttxt lang baka kinukuhanan kana ahaha good morning:)
Hahaha. Dapat maganda sa picture. 🤣
Ganyan din kami dati hahaha may kodiko sa likod kapag nasasali sa program rh soguro nutrition month yan hahaha
Oo sis lalo na mga bata pa tayo noon ayaw magkamali kase papagalitan ni teacher. 😅
Batang paslit pa.Hehe. Masayang balikan ang mga larawan. Minsan kapag nakukuha ko ang mga larawan noon, nagtatawanan lang kami. Sya ba ito? Sino ba ito? Haha..
Iyong gayo sis mangangalas ka na lang panu yan nakuanan. 😅
Minsan makangiriton ta ang mga itsura. Hahah.
Mga dugyot pa kadto haha
Nakatago pa din yung mga photos ko dati nung nag graduate ako 🥰
Oo sis, grad ko nung college start na ang digital kaya more on soft copy lang pero gamit rin camera ni uncle noon. Nkasave na lang sa files.
Kaya dapat captured natin mga memories para may maipakita tayo sa future
Ang cute niyo nga diyan haha.
Cute talaga tayo nung mga bata pa pero paglumaki na nabawasan na ang cuteness. 😅
Yung mga picture ng mama ko nung high school pa siya, nilagay ko sa box. Ang saya lang tingnan ng mga lumang pics. Ito nalang ang natitira ❤️