read.cash Log in
@unknownymous19

DOWNY Noon yan ang nakakainis matapos maglaba at nakapagsampay na saka naman magsisiga ng tuyong dahon ang kapitbahay sa likod nila kaya tuloy ako sabay kuha ng sinampay kahit basa pa, sayang ng downy. Di pa kase noon uso ang washing machine at dryer, di pa afford. Pero bihira na ngayon ang magsiga ng basura dahil ipinagbawal na. Kanina pa ako nakikipagpatintero sa ulan - magsasampay tapos kukunin kasi uulan tapos iinit. Kaya ang ginawa ko di ko na lang nilagyan ng sipit para mas madali makuha kung umulan na naman. Lunchtime na. Nakapagluto na ba? Kami ginataang tilapia. 😁 PS. Anong kwentong labahin ninyo? 😆

3 comments

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.