MM Mid - morning na pala. ☺️ Kanina may nakita akong batang lalaki edad 8 o 9 years old, ang bilis ng lakad niya papasok ng school at may bitbit na biscuits at juice. Sabay tingin sa relo ko at malapit na pala ang recess nila. Dali-daling maglakad para maibigay agad ang snacks sa kanyang kapatid. Ang sweet ni kuya. 😉 Tanda ko rin noon kapag hinahatid at sundo ko ang bunsong kapatid ko sa school, kinder siya noon. Di rin ako mapakali kapag malapit na magrecess at di ko pa siya nadadalhan ng pagkain, malapit lang naman sa bahay lalakarin lang. Di uso sa amin na bigyan ng pera lalo na't maliit pa baka kung anu-anong bilhin at di mabusog. 😆 Magandang umaga sa lahat! Huli man din ay maihahabol din. 😂 PS. Di ko napictureran yung bata kase ang bilis maglakad.
Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.
2 comments
Hindi niya kinakalimutan bigyan ng baon ang kapatid niya 🥰.
Ako binibili ko na yung anak ko pagpasok palang. Hehe hirap kasi na dalahan pa hindi ko kabisado recess nila. Taz ang layo din dito samin.