read.cash Log in
@unknownymous19

Maagang nagising dahil sa lakas ng ulan sabayan ng kulog at kidlat. Hindi pa ako bumabangon dahil maginaw at tulog pa mga kasama ko. Ipinapanalangin ko na bigyan sana tayong lahat ng proteksiyon kay bagyong PAENG. Lahat sana ay may masisilungan lalo na ang mga alaga natin hayop lalong lalo na ang mga gala sa kalsada. Ang bagyong ito ay makikiraan lamang ng ilang araw ngunit dalangin ko na sanay di grabe ang maging distroso nito lalo na sa mga pananim, transportasyon at komunikasyon. Wala ring matumbang mga poste sa mga lugar na dadaanan. Naalala ko kase noon yung sunod - sunod ang bagyo dumaan sa amin sa parehong buwan din yun at talaga naman malaki ang iniwan na distroso nito na halos ang pananim ay binaha at may mga tumbang poste sa iba ibang lugar at ang resulta halos wala kaming koryente mahigit isang buwan. Hiling po namin ang iyong panalangin sa unos na ito. Mag-ingat po ang lahat. 🙏🏻 Maulan na umaga po. 🥶

18 comments

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.