SAN FRANCISCO CHURCH Ang San Francisco Church ang isa sa mga kilalang simbahan dito sa amin at makikita ito sa centro. Para naman kahit gaano kabusy ang mga tao sa pagtatrabaho ay pwedeng pumunta rito para manalangin, maglabas ng saloobin o maging pasasalamat. Kung minsan lugar ito para huminga at magpahinga para sa pagod na katawan at isipan at damdamin. Ibang - iba na ang ayos at istruktura nito noon kaysa ngayon tulad ng makukulay na pinta na ang nasa mga haligi at mga pader maging sa loob nito ay maraming nagbago. Mayroon ring mga nagtitinda ng kandila at bracelets sa labas mismo ng simbahan. Bukod diyan, isa ito sa paboritong simbahan ni papa kaya naman kapag napunta kami sa centro di pwedeng hindi kami magsimba at manalangin. Pero di ko nadala hanggang paglaki kase madalang na ang pagsimba ko at di ko yun itatanggi. 🥺 Magandang gabi sa lahat! Kumusta ang araw ninyo? TGIF! PS. Kuha ko yan kaninang hapon. Madaliang pagpunta sa centro. 😅
2 comments
Pinagayon na ang San Francisco Church ano sis. Dai kung gayo yan napapansin pag-naagi kami dyan.
Mas suno ko sis si dati niya kulay na medyo makaluma pero iyo na yan kayan. Hehe