read.cash Log in
@unknownymous19

TATA Napreskuhan ang aming ate Tata kase bagong ligo, black na black naman siya. Sa magkakapatid siya talaga ang mahirap paliguan pag ayaw niya di mo mapipilit at nagagalit. Pero minsan kailangan pilitin at lambingin para mabango na naman ang bibi. Kahapon kase naligo ang mga kapatid niya, kapag alam niya na ligo time ang gagawin pupunta sa ilalim ng upuan o kama at dun tatambay ng matagal. Si Tata ay tahimik lang sa sulok o kaya ay tatambay sa pasamano sa labas. Malambing na ate pero di mawawala ang kakulitan lalo na pag-umuuwi kami galing trabaho lalo na kay mamita, mama ko. Siya rin ang tagapagtanggol ng kapatid kapag pinapagalitan namin at siya ang sasaway sa kanila kapag sobrang kulit na. Mas malakas loob nina Nana at Em-Em kapag andiyan ate nila lalo na kapag may bisita - ang mortal enemy nila - pusa at daga. Siya lang naman ang unang asong nahawakan ni kuya ko kase sa totoo lang takot kami sa aso pero nawala yun noong dumating siya at nadagdagan pa. Magandang gabi! Nakapaghapunan na ba ang lahat? PS. Si Tata naman ngayon ang bida. Magpapamis muna sina Nana at Em-Em. 😅

8 comments

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.