read.cash Log in
@unknownymous19

SUSPENDED | PAENG Pambungad pa lang ng mata ko, may notif na agad sa phone ko. Mga 11 pm kagabi, naku tulog na ako niyan kase maulan. Wala na naman pasok dahil sa bagyong PAENG, mayroon ng flood warning advisory at dahil walang tigil ang pag-ulan maaaring tumaas ang lebel ng tubig sa ilog. Bukod diyan may mga mabababang lugar talaga dito sa amin na bahain kahit konting ulan kaya pano pa kaya di tumigil ang ulan. Bukod sa klase ay suspended rin ang pagbyahe sa ilang kalapit na lugar mamayang 12 noon para na rin sa ikabubuti natin at makapgprepare na sa paparating na bagyo. Magandang umaga sa lahat! Keep safe everyone! PS. Nakita ko post ng kaibigan ko, isa siyang guro. At itovang sabi, "Ma-11:00 pm na. Aram ko naghahalat ka nin advisory ta grabe na an uran saka lipot kan ibahan nindo. 😅🤣 (Malapit na 11 pm. Alam ko naghihintay kayo ng advisory kase ang lakas na ng ulan at kasing lamig ng pagsasama ninyo.) Nakuuu po nandamay pa! 🤣🤣🤣

24 comments

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.