Bangon Pilipinas!
My article for today will belong to my fellow Filipino citizen so I am very sorry if I will be publishing another Tagalog article. I will write this one in pure Filipino language because I wanted them to feel that I am really sincere about my words.
Para sa aking mga Kababayan,
Alam kong sa mga oras na ito ay may iba sa ating puno ng kasiyahan sa pagkapanalo ng ating sinusuportahan mga kandidato, at pighati naman sa pagkatalo na mga pinupusuang tao. Nais kong ipabatid sainyong lahat na ang ating ginagawang pagboto ay para sa kinabukasan ng lahat. Maaaring hindi tayo naging masaya sa naging resulta ngunit hindi ito dahilan para magkaroon ng panibagong gulo. Sa pagkapanalo ng isang kandidato, isa man siyang dilaw, rosas, pula o asul, nararapat pa rin siyang bigyan ng suporta para sa anim na taong termino.
Alam kong hindi mo ito matatanggap. Na natalo na ang iyong manok. Ngunit huwag mo sanang sisihin ang mga taong bumoto at sumuporta sa ibang kulay. Hindi mo sila kaaway. Sana, sa pagkatapos ng eleksyong ito, maging magkakakampi na tayong lahat at magkaroon ng pagkakaisa.
Ilang administrasyon na ba ang naabutan mo? Napansin mo ba kung ano ang nagiging problema sa ibang mga administrayon? Bakit hanggang ngayon ito pa rin ang kinatatakot mo? Takot ka ba sa pagbabago?
Tandaan mo, tayong mga Pilipino ang magkakakampi sa labang ito. Huwag na sanang mag ugat pa sa panibagong karahasan ang magiging susunod na administrasyon. Isa pa, huwag nating iasa ang pagyaman sa iisang tao lang. Tayo ang gumagawa ng kapalaran natin. Tayo ay mananatiling mahirap kung pilit lang tayong aasa sa ibang tao, at isisisi sa iba kung bakit nananatili kang mahirap.
Sana tanggapin na lamang natin kung ano naging pasya ng karamihan. Naniniwala ako na ang resulta ng botohan ay naging makatao naman. Balikan natin ang mga naging resulta ng mga kilalang survey research group sa ating bansa.
Ito ang naging resulta ng Pulse Asia survey ilang buwan bago ang botohan. Sa una palang alam kong may laban na si Leni Robredo ngunit makikita mo talaga ang totoong suporta ng mga tao rin sa pangangampanya ni Bong-Bong Marcos. Masasabi mo bang may malaking dayaan pa ring naganap?
Para sa akin, ang nagyareng ito ay para talaga kay Bong Bong Marcos. Noong una ay nag duda rin ako sa kanyang kakayahan ngunit paslaamat na lang at nagkoroon pa rin ako ng tyansa na baguhin ang aking kandidato at piliin siya.
Inuulit ko, alam kong marami sa inyo rito ang magtatanong kung bakit ko siya pinili pero ayoko ng sabihin pa ang aking mga rason dahil alam ko naman sa sarili ko ang mga dahilan bakit gusto kong manalo siya.
Pagkatapos ng halalang ito, nawa ay magkaisa na muli tayong lahat at huwag nang palakihin pa ang magiging problema. Ipanalangin na lamang natin ang magiging administrasyon at magiging serbisyo niya sa ating bayan.
Muli, Babangon ang Pilipinas!
Again, thank you for stopping by my article for today! If you still haven't read my previous articles, here are these:
And if ever that you like fiction and something Horror stories, maybe you would like to read these:
PUBLISHED: MAY 10, 2022 TIME: 6:50 PM PST ARTICLE:Β #106
Stop hate and spread love in the end iisang bansa pa rin tayo, idk bakit napaka toxic ngayon. Haaay. Yes! Babangon ang Pilipinas and let us all be a good Filipino :)