Petsa: Setyembre 15,2021
Manunulat: Sequoia
Isang napakaganda at mapagpalang araw sa inyung lahat mga masusugid kong taga suporta mula noon magpahanggang ngayon. Charot.
Bago ko simulan ang artikulong ito, nais ko munang humingi ng paumanhin kung hindi ako naging aktibo dito sa readcash kahapon. Ito ay sa kadahilanang naging abala ako sa munting selebrasyon na aming idinaos sa kaaraawan ng aking minamahal na tiyahin.
Nais kong ibahagi sa inyo dito ang mga nangyari kahapon. Maaaring mabagot ka sa artikulong ito kaya't binibigyan kita ng kalayaan na lagpasan na lamang ito.
Ngunit, bago ko simulan ang aking pagbabahagi, ipapakilala ko muna ang aking tiyahin sa inyo.
________________________
Minamahal kong Tiyahin
Rosalyn Navarro ang kanyang buong pangalan ngunit mas kilala sya sa tawag na nanay. Masasabi kong siya ang nanay ng lahat. Kapatid sya ng aking ina at pinakamatanda sa kanilang anim na magkakapatid.
Si nanay ay walang asawa kaya't maituturing na sya ay matandang dalaga. Noong ako ay bata pa, siya ang nag aruga at kumalinga sa akin sapagkat abala ang aking ina sa pagtatrabaho. Siya ang aking kinalakihan at sobrang mahal na mahal niya ako.
Si nanay ay mayroong nervous breakdown kaya't may mga panahon na inaatake sya nito at hindi ito maintindihan ng ibang tao.
Siya ay pinagtatawanan at sinasabihan ng masasakit na salita ng ibang tao. Ngunit hindi sa lahat ng oras ay ganoon siya. May mga panahon okay siya at nakakausap mo ng maayos.
Kahit ganun ang aking nanay ay lubos ko siyang hinahangaan. Mahal niya kaming lahat at ako ang kanyang pinakapaborito. Hihi.
Selebrasyon ng Kaarawan
Setyembre 14,1962
Ito ang araw at taon na iniluwal sya sa mundong ibabaw. Simple lamang ang aming ginawang selebrasyon kahapon ngunit sobrang natuwa naman si nanay dito.
Nag ambag-ambag kami ng aking pinsan at nakakatandang kapatid para sa mga pagkain. Samantala, ang aking ina naman ang abala sa pagluluto.
Gumawa din kami ng alternative na karaoke upang mas maging kasiya-siya ang araw na yaon.
Siyempre, hindi makukumpleto ang handaan kong walang panulak. Bumili ang kami ng isang kahon na beer at sila ay uminom. Hindi naman sila ganun kalasing. Tipsy lamang.
________________________
Maagang natapos ang selebrasyon at mga bandang alas 8 ng gabi ay nakahiga na kaming lahat upang matulog.
Ngunit bago kami matulog, kinausap ko muna ang aking nanay at tinanong kong siya ba ay nasiyahan sa aming munting handaan. Sinabi niyang lubos siyang natuwa at hinalikan ako sa pisnge bilang tanda ng pagpapasalamat.
________________________
Mensahe ng manunulat
Medyo nawewerduhan ako sa aking ginamit na lengguwahe dahil nasanay na ako sa englis. Ganunpaman, ito ay sinadya kong isulat sa wikang Filipino sapagkat naubos na ang aking mga salitang englis at nais ko ding i practice ang paggamit ng ating sariling wika.
Belated happy birthday po Nanay, more birthdays to come po at smile palagi. Nakakahawa yung smile ni Nanay makikita mo talaga sa mata niya na sobra siya nasiyahan sa araw niya.