Hey! Heart! You're still okay right?
Kung mabibigyan lang ng pagkakataon, babalik ako sa nakaraan para burahin sa tadhana, ang pangyayari kung saan nakilala kita. Itataya ang lahat, kapalit ma'y malaking pagbabago sa hinaharap, hindi sa aking dibdib dahil di ko na rin naman mababago ang sukat! Huwag kayong maguluhan, nong nakilala ko sya'y nabigyan ng kahulugan ang magulo kong buhay. Subalit nalulong sa pantasyang saki'y bumuhay, lumiwanag magulo ko ng buhay. Hindi ko naman hiniling pero kusa kang dumating. Ngayon ako'y nalulong, ngunit hanggang ngayo'y wala pa rin - ako para sayo! Hiling ko lang, mapigilan ko pa to. Hindi nagbigay ng motibo, kaya walang dapat ibang sisihin kundi ako. Nadama sayo'y kusang sumibol, wala akong nagawa kaya hindi tumutol. Anong magagawa, pero meron ba talagang magagawa? Maliban sa gustuhin kita, palala pa ng palala. Lumalala, tibok ng puso, nakaka aduwa, bumibilis - lakad palapit sayo'y kasing bilis - ni the flash. Pero kusa kang lumalayo, hinapit palapit pero bat ka tumatago? Inabot ko ang kamay, pero sa iba ka tumingala. Masakit pero may paki kaba? Wala! Alam ko naman, dama ko naman. Pero imbes mawala, yong puso ko mas lalo pang tumibok mas malala pa sa mas malala! Kung sana'y kaya ko, kung sana'y may kapangyarihan ako. Mahikang mag papalitaw, nyebe sana o kahit yelo para lang pahintuin and tibok ng puso ko. Huhugutin sa dibdib ko, ibababad ko para siguradong manlalamig ako, sayo! Alam ko, ikamamatay ko pero para sa ikapapayapa ng puso ko hihiling ako, maaari bang pakinggan mo? Pahintuin, puso'y palamigin. Patigasin, ng di na makaranas ng sakit na saki'y kikitil. Kikitil sa puso kong wala ng ginawa kundi ika'y mahalin- kahit naba di masuklian ito'y titibok pa rin. Sayo! Sayo lang! Anak ng pitumpot pitong baka, masahol pa sa amoy ng tae ng pusa, kapag andyan ka'y naaamoy ka. Ywa! Bakit kay hirap mong supilin? Bakit di ka naman ganon ka kyut pero yong hatak mo, daig pa yong dalawang magnet na kong makahila sa isa't isa'y kala mo'y may magbabalak na paghiwalayin. Pero teka, bat nasasaktan ako pag nakakarinig ng tungkol sa iyo na hindi maganda. Di ka naman importante ee. Pero di ka rin nag papa importante. Huwag kang mag alala, sa isip ko lang ikaw pinupulaan para tulungan yong puso kong luhaan na nga nakukuha pang kumanta kasi ngumiti ka. Yon nga lang, hindi sakin -, kundi para sa kanya! Magsama kayo! Walang poreber! Pashnea! Kung sana'y kayang turuan ang puso, pashpash kana shaken! Yo, irog ko bakit kay hirap mong abutin? Dika naman bituin pero bakit feeling ko kailangan ko ng hagdan na abot langit ang mararating - para ika'y sungkitin? Dika naman prutas bakit kailangan pa ng kawayang mahaba para mahulog ka sakin. Hindi ito pick up line, sinasabi ko lang ang nararamdaman ko para matapos na 'to. Sawa na akong masaktan kaya marapat lang na isipin ko naman ang sarili ko. Kahit pa pilit bumabalik ang puso ko papunta sayo - kakayanin ko! Para akong asong "in heat" kakaripas ng takbo papalapit sayo, akala ko lang pala'y kakayanin ko pero bat naman ganon. Nagiging asong ulol ako, na handang sakmalin ang puso mong bato, kahit pa nga sinabi mo nang "Arf Arf, di kita gusto!" Dear Kupido, baka naman pweding humiling sayo. Kung pwedi lang naman, kung iyong papayagan - maaari mo bang ipaabot sa taong nakalaan para sakin na huwag muna syang dumating? Pag hihilumin ko lang muna ang puso kong nasaktan at nawasak mula sa taong di naman ako pinaasa pero na broken heart parin, para maibigay ng buo sa kanya, na hindi pilit at kusang loob kong iaabot - kasabay ng pag tanggap sa kamay nya, kusa ko yong aabutin. Matatagalan, pero sisiguraduhin ko namang sya nalang ang mamahalin. Buong buo't, bakas ng kahapo'y akin ng buburahin. At ang pusong humilom, sa kanya ko na lang papatibukin. -Ruffa/Parot -08/08/21 6:50 PM -- May mga tao talagang dadaan sa buhay natin para lang magdulot mg sakit at pasakit sa ating mga pusong marupok, may natutunan man tayo pero yong puso natin na dati'y buo, ngayo'y may pingas na dahil din sa malandi nating puso. Marupok na damdamin na isang "HI" lang, gugustuhin ulit na bumalik. Mas handa pa ngang tanggapin ang sakit, lulunukin ang pride para lang sundin ang pusong maharot, ULIT! Wahhhh, it's Tagalog Time! Yayy. Gusyuu, I'm not brokenhearted or what okay, this is just inspired to Carismatic post again in noise.cash. I just thought of it thanks to that post. I don't know, a thought just suddenly come rushing to my mind. And This also came from my past experience. https://noise.cash/post/lvxnzn0j I hope you read this one too, thanks! ***Lead Image from Unsplash*** **Recent Article** https://read.cash/@Ruffa/the-10-year-old-tupperware-of-inay-c8124839#recent-article **↗️****Deciphering a Million Dollars of Thoughtle.net with the help of Bitcoincash** https://read.cash/@Ruffa/my-newly-added-assets-in-juunglenet-with-the-help-of-bitcoincash-bf903956https://read.cash/@Ruffa/deciphering-a-million-dollars-of-thought-912ad0ef **↗️****How I come Up of a Topic is not as easy as 1,2,3** https://read.cash/@Ruffa/how-i-come-up-of-a-topic-is-not-as-easy-as-123-c9c4a96a **↗️****Ang Babae sa Puting Karwahe!** https://read.cash/@Ruffa/ang-babae-sa-puting-karwahe-ea092dbb Read these to Start in Club1BCH https://read.cash/@Ruffa/memories-with-mama-and-aaron-2ea8bbe8#read-this-to-start-in-club1bch **↗️****Club1BCH - The Genesis** https://read.cash/@PVMihalache/club1bch-the-genesis-dbb27252 **↗️****Club 1BCH 😱** https://read.cash/@Eybyoung/club-1bch-df96508b **↗️****What Is #Club1BCH?** https://read.cash/@bmjc98/what-is-club1bch-914bdccd **↗️****Club1BCH is Up!** https://read.cash/@Eybyoung/club1bch-is-up-fbf69cde August 8, 2021 --
52 comments
Abay napakahusay ng pagkakagawa. Ngumit akoy natawa dito, 'Yo, irog ko bakit kay hirap mong abutin?' bakit may yo? Parang nagrarap lang eh haha! At tsaka sabi na pala nya na "arf arf ayaw nya sayo" oww, npakasad naman po nun. Pero sino ba talaga parang aso? Yung gurl or yung boy? 😁
Bwahahaha, Kasalan ng Eminem wahahaha. Dahil sa kanya napa rao na din ako wahahaha
Haha.. Nice madam. Bka hndi kawayan ang gusto pra sungkitin sya.. Abutin mo nlng gamit mga kamay mo. At siya ay mapapasa iyo madam 🤣
Ahahaha ayaw nga abutin, sa iba niabot ampt wahahaha
Ang galing naman sis Ruffa. Hehhe natawa ako sa "arf arf" tyaka "pashnea" pero sobrang galing pagkagawa..🥰🥰
Ahahaha, salamat madams 💙
You're always welcome sis..❤️❤️
Bakit ang rupok ng puso mo? Hanggang kailan mo ba panghahawakan yang pag-ibig na walang kasiguraduhan (di pala talaga sigurado kasi wala namang kayo) aray sorry po. Pashnea na pag-ibig to haha
Bwahahaha, diko rin alam sa kanila. Buti ako tapos na sa ganito wahahaha
sure ka tapos kana? sgurado yan ate Ruffa.
Natatawa ako sa ibang part takte hahaha isa tong spoken poetry tama? bakit ka nga ba magdadamdam sa isang taong wala naman saying nararamdaman, mahirap magmahal na ikaw pang nagmamahal, mahal mo siya pero may mahal soyang iba, iniisip mo siya eh ang tanong ikaw rin ba nasa isipan niya. Meroong Pitumput pitong milyong lalake na maari mong pagpilian wag ka mag antay sa taong wala namang atay.😆😆😆 -Ths tula bow😆😆
BWAHAHAHAHA, natawa ako last part. San napunta ang atay aber? Bwahahw
Hahaha natawa ako sa masahol pa sa amoy nang tae nang pusa 🙊
Ahahahaha, tawa kalang bata
Hahaha yayyy ispoken word poetry ko to! Send ko ang record sayo! Haha Rawr!
Hala halaaa, go na agad oiii. Sa tg.
Bet ko riiin gawaaan haha pero pasend nalang ng sayo 😆😆
Binasa ko 'to na parang nag spo spoken poetry hahaha ang ganda ng pagka buo ng bawat salita na tila lahat ay magka tugma. Charot napa tagalog tuloy 🤣 Hahhaa ate ruffa legit natawa ako dito sa "yo, irog ko" HAHAHA naalala ko si Carmela sa "I love you since 1892" 🥺😭
Hahahaha, naniii salamat naman. Nagrarap na nga ako jan ee wahagaga
Nosebleed ako sa tagalog sis, Di ko makakayanang gumawa ng artikulong puro tagalog, ang hirap 😅
Ahahaha, eee bakit naman gano. Try mo minsam.
hehehhe parang sagwa basahin sis pag ako gumawa hahahhaa
Hay salamat gumaan ang aking ulo 😂 nakabasa din ako ng Tagalog sa wakas. HAHAHAHA puro english ng ilang buwan awerts. Buti nalang talaga buwan ng wika ngayon. Btw Bakit parang damang dama ko yung sakit habang nagbabasa ate ropa 😭
Wahahahaha, patama kasi yan para sa inyo. Wahahahaha.
Hahaha yung English title pero tagalog laman tas puro kalokohan hahaha iwan ko sayo 😂😂😂
Bwahahaha wala ako maisip na title. Ang hirap kaya mag isip wahahaha
Hahaha bilib na rin talaga ako sa unique nang mga titles mo eh.
Wahahaha ewan baga, sa sunos nga pahiram ako title sa inyo 🤧🤧
Haha wag na bet nmn mga title mo eh.
Clickbait HAHAHAH English Title pero napaka lalim ng tagalog. Dumudogo ang ilong ko. Grabe naman yung tae. Natawa ako dun HAHAHA. Marupok rin naman kasi ako, pero mahal na mahal ako ng jowa ko kaya oks lang maging marupok sa kanya HAHAHAH.
Hahaha wala nga pano ako maisip na title hahaha. Kaya ganyan bwahahaha. Sana all muna may juwa 🤧 dinaig pa ako mg mas bata sakin 🤧 cheret haha
Poet kna madam? Maganda maganda . Natuwa ako sa pagiging makata mo
Ateeee, I like it! You know, I enjoyed reading this!! I read it like spoken poetry with such emotions and it was goooooood. I feel the pain, awts, pighati, lungkot, sadness, pasakit, pagsusumamo, at lumbay. And your article is not just kalokohan. At kailan ba tayo hindi magiging marupok? Hahaha.
Bwahahaua salamat bata 😂😂. Go na mag record kana din. Bagay yan sa boses mong mahinhin 🤢😂😂😂😂. Pero dahil talaga kay Carismatic kaya nagawa ko yan ee. Saka dapat kasi pa Rap yan ee dahil kaka pakinig ko kay Eminem hahahaha. Ewan ko sayo, basta ako di na ako marupok 😎 gone na ung feelings ko for him BWRAJAJAHA
Wahahaha. Pang giyera kaya tong boses ko. Nafake kayo ng TG 🤣🤣 ayaw ko na mag record nabasa ko magrerecord si Meyzee e haha. Nalulumbay ba ang sister ko? Hahaha. Hiningal din naman ako ate kahit hindi pa rap ginawa ko hahaha. Eh okay lang ako, sa kanya lang naman ako sobrang rupok e. Hahahaha.
I read the first sentence. It took me a while to read it. I think you would laugh if you hear me read your words. I did not understand this at all, but I am sure it is a good read. Why? Because it is written by Ruffa. Cannot be bad. :)
Wahhh, sorry bout that it's just about something 🙈
Emerged, naka ready na ko mag advise kaso fiction at gawa NG talentadong pag iisip. Dalawang beses na ko na biktima, dapat pala binabaso ko muna yun dulo bwahahahaha. Ang galing nito sis, more more more!!! Ang lupet!! Naramdaman ko yun pag ka inlove talaga.
Wahhh, woii thankieeeee. Ang daming naloko wahahaha
It does not matter if it is fictitious or not. It really happens to many people. There are many who only come into the world to satiate their instincts and never think about the damage they do to the hearts of others.
I know right, it can also give us lesson but in the process we get hurt
Madams, bakit parang nasasaktan din ako s mga pinagsasabi mo. Sino ba to, papakulam ko, bakit di ka binigyang pansin, ang mala siopao mo mukha na sa kanya lang nakatingin.. Eto ba din ba si kwash, si kwash na walang malay na kwash mo sya..
Ehhhh, di nga ako broken madam. Naisip ko lang yan gawa sa short post ni Carismatic sa noise.cash, sana naka move on na ako kwash madami ako reserba 😎
Hahah, click bait pa ang titol mo😂
romantic basahin ang tagalog pero bakit masakit eto?
Heheye, diko din alam madam. Mapanakit talaga ako pano wahahaha
"Kung mabibigyan lang ng pagkakataon, babalik ako sa nakaraan para burahin sa tadhana, ang pangyayari kung saan nakilala kita. Itataya ang lahat, kapalit ma'y malaking pagbabago sa hinaharap, hindi sa aking dibdib dahil di ko na rin naman mababago ang sukat" kung mapagbibigyan lang ako gusto ko ung dating ako, yung batang ako. kung pwede kausapin ang dating ako, sasabhin ko talaga sa sarili ko na "Okay lang ya, dimo kelangan talikuran ang mundo kasi sa hinaharap magiging maayos ang lahat"
Diba, ang dami ding humihiling ng ganyan. Peri impossible naman.
Kaya nga ate e, kung pwede sana no mas masaya HAAHHAAH
Ang saklap...
More comments