Let's talk about Love, Love, Love and Love
Wala ng intro intro, deretso na tayo. Parang yong lakad ko papunta sayo - harangan man ng sibat, iiwasan lang ng malupet tuloy pa rin ako papalapit sa'yo. Pero syempre Kilala nyo naman ako. Pala hugot ee wala namang nakabaon eherm, kaya pasensya na kung may hugot kang mababasa. Para ka namang bago ng bago, at least dika naman masasaktan kahit hugutan ko pa yan, kesa kung aasa kang babalik sya sa'yo - yon ang ouch, pain, pighati. Iwasan mo yan kaibigan, baka maisipan mong mag lasing tapos pag nagka hangover sa alak isisisi ang lahat, inalok kaba ng Gin na inumin sya? Di naman diba? Huehue. Pati nananahimik na Red Horse nadamay. Hindi naman talaga ito ang pag uusapan natin ngayon. Saka wala ding masyadong sense tong artikol na'to. O diba? Di na din to bago, masanay kana. Sanayin mo na rin ang sarili mo wala na sya at di na babalik sayo as in NEVAH! Masakit? Ganyan kasi sadya yan. Kasama na sa buhay yan lalo na at nagmamahal ka. Basta nagmahal ka matic na yan, may kalakip na awts, pain at pighati yan. Diyan mo mararanasan ang mabaliw ng wagas. Yong umasa kang kayo na hanggang wakas pero yong pag mamahal nya biglang nalagas. Parang mga dahong dinadala ng hangin at nagkakalaglagan mula sa puno papalayo sayo. Mahihiling mo nalang panigurado na sana'y di kana nagmahal. Gusto mong malaman kung pano bang di masaktan? Imposible yan kaibigan, maliban nalang pag naging bato ang puso mo, yan diyan kalang di makakaramdam ng kahit ano. Pati pagmamahal di mo na rin mararamdaman. Walang awts walang pain at pasakit. Pero wala ding saya, at syempre walang kayo, bato kana diba so asahan mo hindi ka makakaramdam ng saya. Never kang liligaya, para ka nalang isang robot na gumagalaw dahil may baterya. Wala kang appreciation sa lahat, isa kanang taong patay. Kaya... Mas piliin mo nalang magmahal kahit pa ang dala'y pasakit. Hayaan nong mabaliw ka sa pag ibig, mabaliw kalang sa kanya ganon. Tapos, pag iniwan ka ee di tara samahan kita, may puputulin tayo, hehπ. Masayang magmahal. At ako? Di ako sure kung yong nadama ko sa mga ex ko ee pag-ibig. Diba nga sabi ko, kahit ako di ko alam ang Pagmamahal. Mahal ko ang magulang ko oo, yong mga kapatid ko. Pero yong pagmamahal para sa iisang tao? Diko pa ata nadama yan. Humanga lang ang alam ko, pag hanga na sabi nila maaaring lumala. Kaya nga siguro sa loob loob ko pag sa tingin ko masyado na akong nalululong sa isang tao bumibitaw ako, pipilitin ko pabitawin sa mga kamay ko. Kahit pilit nya pang iabot hindi ko tatanggapin. Bakit? Ee sa binitawan ko na nga diba. Doon tayo sa safe, I mean ako lang pala. Doon ako sa siguradong di ako masasaktan, kung saan ang lahat ay laro lang walang halong pagmamahal. Ito din ata ang dahilan kung bakit umabot ako sa ganitong edad na hindi nag effort na humanap ng juwa. Ewan ko lang talaga pero, waste of time ee. Masaya akong mag iisa, kahit sino pwd kong gustuhin. Ee ano kung walang katugon, atleast masaya akong ginugusto sila. Inspirado lagi, walang iniisip kundi sarili ko. Maging masaya lang sa kung anong napili ko. Masarap magmahal, pero masasabi kong hindi para sakin ang pagmamahal - sa ngayon. Bubuohin ko muna ata ang sarili ko, hindi naman sa nawasak ako ng troso ah - ay mali ibig kong sabihin hindi naman sa nawasak ako ng ex ko noon. Ako nga ang nangiwan ee kasi nagsawa. Sadya lang atang, diko pa kayang magmahal Hindi pa handa ganon. Sabi ni kupido, landi landi lang daw muna. Alam nyo naman ako, masunurin. Lalo na pag sinabi ni Lutcho na luhuran ko sya. Ay maliiii!!! Duhh! Kilala nyo ba si Lutcho? Wag nyo na kilalanin please. Basta, masayang magmahal di naman kasi kailangan na handa ka kasi kusa yang dumadating. Sadya lang abno ako na kala mo'y may pinaglalaban ahaha. Kaya pag nakadama ka ng kakaiba sa dibdib mo, punta ka sa doctor. Dahil maaaring nagdadala kana ng malalang karamdaman. Maaaring may sakit kalang sa puso, o maaari ding katapusan mo na. I'll just leave this here:
Haha, see nothing serious here. I thought of writing in Tagalog Language again, tehee. Coz why not it's August and it's still Buwan ng Wika, teheew. Well, the main thought of this article is - when you love, then be ready to get hurt too. Loving someone is beautiful yeah, but be ready to get hurt also. Coz not all that started in beautiful love story will stay the same. Some may failed but some some can also failed? Hahaha, kidding I mean it can be successful. But you know, even those married people still face a problem even if they are tied already. That's sucks to be honest. The love you Thought will last until you get old can also end in one snap. And the reason can be anything. I will end it here na. Happy Eating! ***Lead Image from Unsplash*** **Recent Article** https://read.cash/@Ruffa/the-10-year-old-tupperware-of-inay-c8124839#recent-article **βοΈ****I have a savings thanks to Bitcoincash and the others...** https://read.cash/@Ruffa/i-have-a-savings-thanks-to-bitcoincash-and-the-others-ed1f8e97 **βοΈ****Is there any life from Mars** https://read.cash/@Ruffa/is-there-any-life-from-mars-7eaa2f57 **βοΈ****Ang Babae sa Puting Karwahe!** https://read.cash/@Ruffa/hey-heart-youre-still-okay-right-2cf4f3d6 Read these to Start inΒ Club1BCH https://read.cash/@Ruffa/memories-with-mama-and-aaron-2ea8bbe8#read-this-to-start-in-club1bch **βοΈ****Club1BCH - The Genesis** https://read.cash/@PVMihalache/club1bch-the-genesis-dbb27252 **βοΈ****Club 1BCH π±** https://read.cash/@Eybyoung/club-1bch-df96508b **βοΈ****What Is #Club1BCH?** https://read.cash/@bmjc98/what-is-club1bch-914bdccd **βοΈ****Club1BCH is Up!** https://read.cash/@Eybyoung/club1bch-is-up-fbf69cde August 17, 2021 --
53 comments
If only people could learn to love properly, I I tried reading your article didn't understand a single word except the last paragraph where you used English
Oh, Hi π¦. Sorry about that, it's just about something hihi.
Ouch! Umasa rin ako sa pagmamahal na wagas pero ako rin yung dahilan kung bakit ito nalagas. π₯Ί
Yan kasi ee, bat ka kasi ganyan π€§
Sorry po π€§
Well by just understanding title i can still feel being single let's not talk about love I don't want to talk about it and let me know your invisible wish came true or still dreaming?
Wahahahaha, come kne kiddo. Move on ππ about thay invisible thingy hahaha
Hehe i will not leave you at any cost but if you'll send 10 BCH then I'll try to forgot invisible thing aunty
Ahahahaha, you're unbelievable kiddi ahaha
Magnahal then nasaktan, magmahal muli at mag pray na hindi na muli masaktan charrr
Hahahaha maging pusong bato nalang iwas sakit haha
Nagmahal ,nasaktan nag Mahal ulit ganyan talaga buhay handang magmahal hanggang Makita natin Ang para talaga satin
Tama tama, ung sa iba kasi may trial muna. You know, pag di nag work hanao ng panibago. Hangganh sa mahanap mo na talaga sya.
Uso pa ba yang love love love na yarn? π€£
Hahaha kuu sa iba di na uso yan. Praktikal na tao ngayon hahahaha, dun tayo sa magbbgay satin ng kaligayahan bwahahah, trosohinnnnnn
Hahaha don tayo sa matroso agad wag na daming eme eme π€£
Shoot, nakaka tibok ng ano yan . Wahahaha
Si Lutcho na seaman? haha! Ni Google ko un naman lumalabas :D Maraming hugutan mangyayari dun kay Lutcho haha!
Yan na ngaaa, UwU saduuu may asawa na sya huehue.
Hehhee kaya nga sis maging handa tayo at dapat maging aware tayo na hindi lahat ay masaya kundi makaranas ka din ng problema.. Happy eating sis..βΊοΈ
Tama tama, ganyan nga. Pero ang problema naman ang magpapalakas satin π
Yes sis... Dapat laging tayong handa at matatag....
Hiiiii ate. I'm back. Hahahaha anyway, ano yung puputulin? Pero wala din naman kasi talagang sigurado sa mundo ay. Lahat pwede mangyari, yung gusto mo o yung ayaw mo. Pwede mangyari lahat yon. Pero yun din, dadating talaga yung time na may dadating para sayo. Sa ngayon, enjoy muna singleness hahaha. Landi landi lang. Hahahaha Pero ano yung luluhuran ate? Hahahaha
Kahit anonh mapuputol Josepennnn whahaha. And welcome backuuuu ahaha. Hindi sa lahat ng oras aayos satin ang pagkakataon diba. Dapat laging lagi, parang EVEREADY. Bwahahahaha. Wag mo na alamin, bata kapa. Ahaha
Oh my, for a second I thought I visited an alien ship with alien code lol. This is in your native language... though I understood the context from the last paragraph in English. Thanks for that :)) Let's spread love βΊ
Haha, UwU it's Pilipino language. Thanks for stopping by UwU
Owrighttt ate Ruffa! Let's stay single muna. Landi landi lang muna hahahaha
Hahaha alrighty, let's tara. Ahahaha, mas masaya, mas mapayap, at walang problema. Puro saya lang ba.
Hahahhahahaha yazzzzz
Did you write this something like a spoken word poetry? Kasi binasa ko ng ganon haha alam mo naman ako, ang galing ng tugmaan at talaga namang hindi mawawala ang hugutan. Walang kupas may halong kaekekan man pero masaya naman. Nasagot na ba yung tanong ko? Pagmamahal ba talaga ito oh baka naman nalilito lang ako haha. Love this ππ
Hahaha parang na parang hindi ahaha. Basta ni type ko lang ahahaha, let's leave it like thay nalang. Bwahahaha. Diko din alam bataaa, ask him directly baka kasi mas expert pa sya satin. O yan, dagdag yan sa mapag uusapan nyo. Ayieeee ahahaha
Haha. Humugot kna naman madam . galing ng rhymings.
Hahaha, salamat madams π
Galing ng tugmaan grabe! Kakaiba yung dating niya dahil dun. Pero hirap talaga magmahal so landi landi na lang muna dapat HAHAHA chz
Though I could only read the part written in english. I wanna say that with love comes heart break and hurt, as there is no perfect love. Well I've never been in love so I've got no idea how it feels.
..sabi nga nila asaw ng sakit ang pagmamahal..hindi ka totoong nagmamahal kung hindi ka nasasaktan π
HAHAHAHAHAHAHAHA yawa lutcho pa nga π. Tama yang desisyon mo dear payaman ka muna hndi mo naman siya kailangan e, dadating rin yung para sayo antayin mo lang. Lablabβ€οΈ
Yayyy, thanks dears. Dun ako sa maraming kaagaw. Bwahahahaha
kay KAI lang talaga ako mahuhulog nang paulit2 masaya magmahal basta alam mo yung limitasyon mo at wala kang inaapakang pako kasi ma tetetano ka..hahah i mean wala kang inaapakang tao
BWAHAHAHAHAHA, aga aga Noonaaa napasaya mo me πππππ
I feel second honor hahaha wag na first kasi marami nag aagawan dun
The subject of love is always very complicated to talk about. I hope you get the love of your life at some point.
I know right, Love is ahh I dunno.
Haysh.. akala q kilig kilig to parot ey.. pro ung ending thoughts mo malupit, andun ung aral na pra bang nanggaling sa maexperience na tau jaja
Tae ate hahahaha. Natawa ako dun sa landi landi muna hahaha. sabagay masaya naman talagang maging single. Walang kontrabido sa buhay mo hahahaha. Ateeee bat naman luluhuran at sino si Lucho AHHAHAHAHAHAH
Bat dimo kilala si Lutcho, ung seaman na magaling sumayaw pero marri3d na pala huehuw. Sawi, awts pain.
Ahhh Lutcho pala pangalan nun ate hahaha
Basta love ang usapan mahirap ipaliwanag. I love your humor.
kusang darating yan.. wag ka mag alala..hehe
All in its right time β€οΈ
More comments