Lutang Praydey!
I feel lutang right now. Kulang na kulang kasi ako sa tulog dahil last night, my cat Nini gave birth. So as usual, midwife na naman ang ganap ko. I planned to sleep early last night, then bigla ako napaopen ng Netflix, kasalanan ng kamay ko to eh, kung ano-ano ang kinakalikot, charot! So ayun nga, scroll scroll, hanap ng magandang movie na pwedeng mapanood. Then nakita ko yun kdrama na Uncanny Counter. Nacurious ako kasi yun babaeng bida doon eh sya din yung bida sa pinapanood ko na kdrama din which is The Business Proposal.
Pero nakakadalawang episode pa lang ako eh bigla na nagngangawa yun pusa ko sa labas. Pagkalabas na pagkalabas ko ng kwarto eh lapit agad sya sa akin then pumunta sya sa dirty kitchen at doon nag-iingay ulit. Nakapwesto na pala sya sa aanakan nya at gusto nya eh andun din ako at magbantay sa kanya. Siempre, di ko din naman talaga matiis na iwan sya doon kasi nakikita ko na hirap na hirap talaga sya.
Nagsimula sya umire ng umire ng 12 am at natapos ang panganganak ng 2:30 a.m.. At that time, antok antok na talaga ako as in. Kaya sinasabihan ko sya na ilabas na lahat yun anak nya ng makapagpahinga na kami, hahaha! Unfortunately, yun first born nya eh namatay. Siguro dahil sa matagal nya nailabas. Sayang naman kasi ang laki pa naman ng una nyang kuting.
Medyo nagkaroon pa ng horror moment kagabe habang nanganganak ang pusa ko. Sinarado ko kasi yun pintuan sa dirty kitchen para di makapasok yun ibang pusa ko kung saan si Nini. Nababother kasi sya pa di mapakali. So hatinggabi na ako lang ang andun sa likod, then ewan ko ba kagabi kung bakit malakas ang hangin. Eh may puno kami ng niyog sa may likuran so kada hahangin ng malakas eh kumakaluskos sa bubungan. Sabayan pa ng may lumalakad sa bubungan at habulan. Ang haharot kasi ng mga alaga ko, pero bakit kaya feeling ko eh di pusa ang naglalakad sa bubong kagabe kasi grabe yun apak eh, parang ang bigat. So ako kung ano ano na ang iniimagine, hahaha!
So habang nakaupo ako eh may kumakaluskos sa may pintuan. Ang dingding kasi ng dirty kitchen namin eh yun pinagkrus krus na kawayan so open sya talaga. Kalahati semento, kalahati eh kawayan. Tapos nun tuloy tuloy na yung kaluskos at parang may gusto umakyat or pumasok eh kinabahan na talaga ako, nagtayuan na balahibo ko eh. Lumapit na ako doon sa may pintuan at nagulat ako kasi ang bumungad sa akin eh yun mukha ng pusa ko na itim tapos dilat na dilat pa, hahahaha! Sa takot ko tlaga eh nahampas ko sya ng flashlight na hawak ko, jusko. Parang humiwalay ang espiritu ko sa gulat eh. Gusto nya pala pumasok sa loob eh di naman pwede kasi mag-aaway lang sila ni NIni.
So ayun nga, after almost three hours eh nakapanganak ng maayos si Nini. Tatlong maliliit na kuting na naman. Another member of the pamilee, ibig sabihin another gastos, hehe.
Kamukha sila ni Ash, yun pusa ko na namatay. Sya kasi ang tatay at mate ni Nini.
After nya makapanganak at nabigyan ko sya ng pagkain at masecure ang pwesto nila, natulog na din ako pero parang isang saglit pa lang ako nakapikit eh bigla naman tumunog ang alarm ng phone ko.
GIF from Giphy App
Need ko kasi gumising ng maaga dahil kailangan ni husband na bumyahe ng maaga papunta sa job site nila. So lutang na lutang talaga ako habang nagsasaing at nagluluto ng ulam nya. Then pagkaalis nya, sinabihan nya ako na matulog muna at saka na maglinis. Pero ako, di talaga makatulog kapag madumi yun paligid ko kaya kahit na parang may hangin sa loob ng ulo ko, eh tuloy pa din sa paglilinis pero right after na matapos ako eh tulog agad talaga. Sabi pa ng anak ko eh naghihilik pa daw ako, char!
Kaya guys pagpasensyahn nyo na kung ganito ang artikol ko today. Lutang kasi, dapat talaga eh di ako magsusulat ngayon kaso nanghihinayang kasi ako sa pwede ko kitain eh. I'm sure makakarelate kayo jan. Sinubukan ko na dugtungan yun gawa ko kahapon kaso ayaw alaga magfunction ng brain cells ko. Nagrarally sila ngayon dahil napuyat kagabi, hahaha!
Thanks for reading!
--
Date Published: March 25, 2022
...and you will also help the author collect more tips.
Omg akin na lang po yung isa haha gusto ko rin magkaroon ng pusa kaya lang baka mag away away sila ng mga aso ko