Anong Klaseng Kaklase Ka?
Isa sa malaking bahagi ng buhay ng isang tao ay ang pagiging estudyante. Sa edad na anim na taon pa lang ang isang bata , pinapapasok na ito sa eskwela ng kanilang mga magulang. Ako naman ay ganoon din, anim na taon pa lang ako noon ng pinasok ako ng magulang ko sa kindergarten. Mga panahong iyon ay wala pa tayong kamuwang-muwang kung ano ba tayong klase na estudyante o kaklase. Natural lamang kasi musmos pa lang tayo at puro laro pa ang nasa isipan.
Mas naging masaya ang pagiging estudyante ko noong ako ay nasa sekondarya na. Siyempre kapag ikaw ay nasa elementarya pa lang ay puro laro at pag aaral pa lang ang nasa isip mo. Kumbaga inosente pa ang ating kaisipan sa mga bagay-bagay. Kaya pumasok na tayo ngayon sa panahong nagdadalaga na at naging mas makulay na ang buhay estudyante.( Fast forward na tayo dahil ang boring ng elementary days ko,hahahaha)
Noong ako ay tumuntong na ng high school, dito ko na naranasan ang saya, lungkot, kalokohan at nakilala ang iba't ibang uri ng estudyante. Magsimula tayo kay,
Straw
Sila yung tipo ng estudyante na sipsip kay teacher. Ang laging sinasabi ay "Yes Maam", "ako na lang Maa'am." Yun laging may dalang pasalubong kay Ma'am na chocolate kapag dumating si parents galing abroad. Ewan ko ba bakit di nawawala sa klase yun ganito. Naalala ko yun kaklase ko noong first year ako, maganda sya at anak mayaman. Kaso naman kung gaano sya kaganda eh ganoon naman kapurol ang utak nya( napakafair talaga ni Lord). Tapos grabe, as in, napakasipsip kay teacher. Kaya di naman na kami nagtaka kung paanong mataas ang marka nya sa klase namin.
Make-up Artist
Ay mas bet na bet ko to kaibiganin. laging handa sa pagandahan. Kumpleto mula sa lipstick, pulbo na nakalagay sa kapirasong papel or panyo hanggang sa eyeliner na pudpod na. Gumaganda ako kapag kasama ko sila, Hahahhaha
Dancer
Isa pa itong di nawawala sa klase. Ang mga dancer at feeling dancer. Nakakahiya mang aminin ay isa ako sa kanila,hahahaha! Third year high school ako ng mapasabak sa sayawan. Ewan ko ba kung ano nakain ko noon pero 5 girls kami sa grupo. Foundation day ng school namin, ang sinayaw namin ay "Macarena". Hindi ko alam kung saan ako kumuha ng kapal ng mukha para magsayaw sa stage tapos madaming nanonood, Lol!
Beauty Queens ( Mga Pinagpalang Nilalang)
Sila naman yung klase ng kaklase na parang mga diyosa. Yun bang sinalo nila lahat ng nagpaulan ang langit ng kagandahan. Second year high school ako noong napabilang ako sa klase ng mga pinagpala(pero di ako katulad nila) Sa private school ako noon nag-aaral at nasa section 1. Doon pinamukha sa akin ni Lord na napakaampeyr ng mundo, lol! As in, ang gaganda ng mga kaklase ko teh! Mga anak mayaman kasi at talagang halata mo na inalagaan ng husto ang mga kutis. Nagmumukha akong alalay kapag katabi ko sila. At every time may pageant ang iba't ibang school eh sila ang pinanglalaban.
Emo or Emo's
Sila yung mga estudyante na may makakapal na eyeliner, naka nail polish na black, madaming hikaw sa tenga minsan pati sa bibig meron pa.
Kalabit Penge
Sila yung kapag oras ng exams or quizzes eh bigla na lang mangangalabit at hihingi ng papel or minsan pa nga pati na din ballpen!jusko, pumasok lang yata sila para sa baon eh,Hahahaha.
Trouble maker
Sila yung palaging nadadala sa Guidance Councilor. Yun bang parang di makukumpleto ang araw nila kapag di sila nakapanggulo. May ganito akong kaklase noong 3rd year ako. Nilo ang pangalan nya. Takot talaga ako sa kanya noon kasi madami sya talanag pinapaiyak sa school. Pero you know what, Noong nag reunion kami dati, Isa sya sa pinakasuccessful sa batch namin. Sa Autralia na sila nakatira ng wife nya who was batchmate din namin at nagwowork sa maandang kumpanya doon.
Number 1 sa Noisy List
Ako to, Hahahhahahah! Dito ako belong sa grupo na to. Kami yung kahit saan paupuin eh laging may kachika. Sa unahan, sa gitna, sa likuran oh kahit saang parte ng room kami ilagay, lage kami may kachukaran,Ahahahahahha! Kaya naman lagi kami napaprusahan, kadalasan naiiwan para maglinis ng room. Pero okay lang kasi kahit maglilinis eh nagchichikahan!
Ngayon mga adult na tayo at masyado ng madaming ganap sa buhay, masarap balik-balikan yung mga ganitong kaganapan sa buhay. Isa sa masasabi ko na makulay na parte ng buhay ko eh noong time sa estudyante pa lang ako. Masaya na mahirap. Ang problema lang natin noon ay ang mga project, assignments na iisa lang naman ang solusyon, mangopya sa kaklase,hahahaha.
Kung ikaw ang tatanungin, Anong klaseng kaklase ka?
Date Published: August 25, 2021
Ako yung taga-lista ng maingay mamsh hahaha