Ang Love Story ng Langaw at ng Agta

79 121
Avatar for Pachuchay
2 years ago

It is only 6:30 am but I am already at school. Sa araw araw na lang ng ginawa ng Diyos, hindi talaga pwede na malate ako. Daig ko pa si Manong Guard sa pagpasok. Eh paano ba naman, kailangan ko na masilayan si crush. Si crush na walang malay na crush ko sya.

Ang pangalan nya ay Henry. Matangkad, matipuno ang katawan, makapal ang kilay, may nunal sa pagitan ng ilong at labi. Kaya naman ang tawag sa kanya ng mga barkada nya ay langaw. Pero kung ganitong langaw naman ang papatong sa akin ay pak na pak!

Madami nagkakagusto sa kanya, mula sa maladiyosang ganda hanggang sa sa mala Agta(saan kaya ako belong?). Pero kahit ganun pa man, napaka maginoo nya. Di ko nabalitaan na nagtake advantage sya sa mga babaeng may gusto sa kanya. At hindi rin sya mapili sa kakaibiganin. Kaya naman mas lalo syang nagugustuhan ng mga kababaihan.

Paano ko ba sya nakilala?

Isa akong transferee sa Angono National High School. Kailangan mag-adjust dahil madami ng pinapapasok sa eskwela. Unang araw ng klase kaya maaga pa ko sa klase dahil ayoko sa siksikan kapag naghahanap na ng section. But as expected, lahat ng transferee eh nasa last section, Section 16.

Wala namang problema sa akin, ang mindset ko noon eh ako for sure ang magiging top 1, hehehe! Hinanap ko agad ang room namin at pagpasok na pagpasok ko pa lang, biglang nagliwanag ang kalangitan! Para akong may nakitang anghel na bumaba sa lupa para diligan ang aking plawer!

"Shocks! Ang gwapo naman, kalma heart kalma. Huwag magpapahalatang malandi tayo. "

Dahan-dahan ako pumasok sa room kasabay ng iba pang estudyante na nag uunahan maghanap ng magandang puwesto. Ako naman ay kahit saan pwede, kahit pa kumandong sa anghel na nasa likuran ko(landi ko!)

Yes, tama, korak! Nasa likuran ko lang sya. Naririnig ko na nagkwekwentuhan sila ng mga bagong barkada nya. Doon ko narinig na Henry pala ang name. Kahit ang pangalan, ang sarap tikman, hahahaha!

Pagpasok ng teacher namin ay nagsimula na ang pinakaayaw ko sa lahat, ang "Introduce Yourself." Sino ba naman kasi ang nagpauso nang introduce yourself na yan? Ang sarap pagulungin sa hagdan!

So isa-isa ng nagpakilala ang mga kaklase ko. May pacomedy, pademure, pabebe at pamysterious. At dumating na ang time na ako naman ang isasalang sa kalan. Pakiramdam ko eh pati singit ko pinagpapawisan. Pero kailngan ko kumalma, huwag papahalatang naiihi na sa nerbiyos.

"Hi everyone! I'm Shiela, Nice to meet you all!

Ganoon lang kaikli pero feeling ko malanovela na ang sinabi ko. Paano na ba naman kasi, nakatingin sa akin si crush. Gosh, heart kalma! Noong sya na magpapakilala, tiliian ang girls, grabe. Pero siempre di ako nagpahalata. Simplehan lang natin. Kunyare eh di ako nakatingin sa kanya at nagbubutingting ng kung ano ano sa aking bag. Pero mga teh, ang lamig ng boses nya. After nya magpakilala, tilian ang mga girls, ang lalandi ampt.

Noong pabalik na sya sa upuan nya, kunyare nahulog ko yun ballpen ko. At dadamputin ko na sana kaso bigla din sya yumuko para damputin kaya nagkasabay kami at nagkaibigan este nagkatinginan.

"Shiela, nahulog mo yata."

"Oo nga eh, thank you." Sabay lagay ng strands of hair sa likod ng ears.

Oh my gosh, ang bango nya! Parang akala mo eh kakatapos lang magshower at lumaklak ng mouthwash. Bakit naman ganoon kabango Lord, nakakasira ng ulo.

Lumipas ang araw na puro pakilala ang ginawa namin. Pwede naman yata gumawa ng name tag eh, need pa ba talaga na bawat subject eh magpapakilala.

"Okay class, that would be all. Don't forget your assignments for tomorrow,okay?

"Yes Ma'am"

Sa wakas, natapos din ang klase. Nagmamadali na ko pumunta sa sakayan ng traysikel. Looban kasi ang eskwelahan namin at kailangan mo pa sumakay ng traysikel hanggang labasan tapos sasakay naman ng jeep. Pagdating ko sa sakayan ay isa na lng kulang at lalarga na kaya sumakay agad ako. Pero gosh, nasa loob pala si crush. Kunyare dedma pa ko, kunyare di ko sya nakilala pero sa totoo lang, nagwawala na inner self ko mga teh! Gusto ko na sya laplapin grabe!

"Bayad manong oh, dalawa. Bayad ka na Shiela ha."

Nagulat ako sa sinabi nya. Pero di ako nagpahalata.

"Ay ikaw pala yan, nakakahiya naman. Pero thank you na din."

"You're welcome classmate pero sa susunod ikaw naman ang manlilibre."

Oh my gosh, may kasunod pa pala ang aming paglalandian este pag uwe ng sabay. Una akong bumaba siempre, kunyare pabebe. Yun tipong Maria Clara na di makabasag pinggan. Pero kung si crush ang babasag sa akin, ay bet ko yan!

"Bye Shiela, Bukas ulit."

Wait, anong bukas, bakit may bukas? Waaaahhhh, kalma Shiela kalma, natural magkikita kayo bukas, magkaklase kayo eh, shunga lang?

to be continued....

Author's note

Hello guys! This is my first time writing a ficional love story. Unlike sa iba na perfect na sa ganito eh ako ay nangangapa pa lang. Pero sana magustuhan nyo at subaybayan ang Love Story ng Langaw at Agta.

Lead image source: http://www.tumblr.com

Date Published: August 27, 2021

23
$ 9.41
$ 8.40 from @TheRandomRewarder
$ 0.10 from @Ruffa
$ 0.10 from @leejhen
+ 15
Sponsors of Pachuchay
empty
empty
empty
Avatar for Pachuchay
2 years ago

Comments

naman nabitin ako dun huh. Hehehe Pero ang saya feeling ko bumalik ako ng highschool. Nga pala kailan ang bukas? Meron naba karugtong? Hehehe excited lang.lol! Ngayon lang kasi nagkatym magbasa.

$ 0.01
2 years ago

Hahah, my karugtong na yan sis, 4 chapters na yan, hehehe..

$ 0.00
2 years ago

Bet na bet, I like it!

$ 0.00
2 years ago

Heheheh, thank you.

$ 0.00
2 years ago

Ay hahaha ang harowt ni shiela XD. Nacurious ako sa title kaya pala hehez.

$ 0.00
2 years ago

Hahaha. Ang ganda ng kwento mam. Napapatawa ako.. sino nga po ba talaga kasing nagpa-uso ng "Introduce yourself" na yan at sabay natin pagugulongin.. yan din kasing ayaw ko sa start ng klase.. Natutuwa din ako sa character nyo sa kwento.. kailan po ba ang kasunod? hehehe. Mas excited yata akong mabasa yung kasunod.. wag nyo pong masyadong patagalin ha.. hehehe. Thanks po ulit, mam. Well done po..

$ 0.01
2 years ago

Salamat sa comoliment Glen. I am so happy talaga at nagustuhan nyo yun kwento. Meron na syang Chapter 2 at 3,hehehe

$ 0.00
2 years ago

waaahahahahaahahahha kaya pala na hook lahat..ok next episode na

$ 0.01
2 years ago

Hehehehe, thank you madams.. Sisiguraduhin ko na mas exciting un mga kasunod na chapter, hehehe

$ 0.00
2 years ago

hahahaha pak pak pak pang wattpad nga talaga to di mo lang alam kung mas malaki ba mai earn mo kesa dito sa read pagna publish mo doon hahah

$ 0.00
2 years ago

Pwede din bang kumita doon? 😂

$ 0.00
2 years ago

di ko din alam nga eh...di naman ako nag wa wattpad😂😂

$ 0.00
2 years ago

Hahaha, pero tingin ko wala. Eh..

$ 0.00
2 years ago

yun lang

$ 0.00
2 years ago

Oh my gash nang😮😮 hahaha dami kong tawa. Aaaaannnnngggggg laaaannnnddddiiii 😂

$ 0.00
2 years ago

Hahhaha, mamaya na ang chapter 2!

$ 0.00
2 years ago

Aabangan talaga nang... Ang ganda mu pala magsulat ng love stories nang..

$ 0.00
2 years ago

Hahaha, thank you.. Firat time to, heheh

$ 0.00
2 years ago

Ang kyuuuttt ng story HAHAHAHHA

$ 0.00
2 years ago

Hahhaha, thank you sis!. Abang abang sa chapter 2

$ 0.00
2 years ago

Ang cute po ng story. 😊💕

$ 0.01
2 years ago

Thank you makata.... Baka mamaya na yun chapter 2..

$ 0.00
2 years ago

Maganda po ang iyong likha.

$ 0.00
2 years ago

Shiela, bakit ka naman ganyan? HAHAHAHAHAHA charot lang po mhie. Grabe nakakatuwa, binasa ko ito ng umaga, napangiti ako. Infairness, sana all may classmate na ang name ay Henry.

Waiting for chapter 2!

$ 0.00
2 years ago

Hahahah, working on Chapter 2 na.. Hopefully matapos ko sya mamaya..

$ 0.00
2 years ago

Why naman Shiela ang name ni ate girl? Feling ko tuloy ako yung nasa kwento hahahaha Pero ang galing mommy, pwede nang pang wattpad haha, update PLEASEEEEEE.

$ 0.00
User's avatar sc
2 years ago

Baka mamaya or bukas ang continuation pretty, hehehe.. Oo nga pala ano Shiela pala name mo😅.

Salamat at nagustuhan nyo..

$ 0.00
2 years ago

Ang cute ng story, nakangiti ako habang nagbabasa 😁 Nakakamiss tuloy yung feeling na may crush 🤣

$ 0.00
User's avatar sc
2 years ago

Pwede naman ulit eh, hahahh.. Kahit jowa pa😂

$ 0.00
2 years ago

Ay crush lang muna talaga ang gusto ko 😂 Bata pa kashe ako eh, strict ang parents ko bawal pa daw magjowa 🤣🤣🤣

$ 0.00
User's avatar sc
2 years ago

Wahahahahaha, pwede ka na gumawa ng bata oi, hahahaha..

$ 0.00
2 years ago

Waaaaahhh censored! **** 😱 😂🤣🤣

$ 0.00
User's avatar sc
2 years ago

Hahaha bakit ganern kalandi si Shiela? Cheret. Pwede pwede. Maganda naman haha.

$ 0.00
2 years ago

The story is lived, not written. I think paçuçay, live and write. You are doing good work.

$ 0.01
2 years ago

Good thing you understand it Edip.

$ 0.00
2 years ago

Si shielaaa pumapasimplee, iba talaga galawan ng mga babae minsan suwabe din eh ahahhq

$ 0.01
2 years ago

Hhha, ganun talaga.. Dapat simple lang😂

$ 0.00
2 years ago

Pasimple si ate girl la hehe

$ 0.01
2 years ago

HAHAHAHA wait lang na na kilig kodi hahahha pero ang mga laplap kag kandong sige nevermind mabasa kodi liwat bwas 😂

$ 0.01
2 years ago

Hahahah, thank you gah!

$ 0.00
2 years ago

Part 2 na agad ate. Kinikilig ako habang binabasa to. May pumapasom sa isip ko habang nag-iimagine ako. Pero in fairness nakakatawa rin Yung novel na to.

$ 0.01
2 years ago

Heheh, thank you beh.. Bka bhkas or makalawa un part 2,heheh

$ 0.00
2 years ago

Hahahhaha! Kinikilig ako.. Bet na bet ko to, anong nangangapa, expert ka yata eh! Hehehe.. Galing, sana ganito ako kagaling.. Waiting for part 2 ng landian ni Langaw at Agta..😂

$ 0.00
2 years ago

Hahaha, first time ko tlaga to sis, promise.. Pinapagana ko lang imagination ko😂. Yun bang kung owede ko lang irewrite ang sotry ko eh ganitong ganito ang gusto ko, hahahaha

$ 0.00
2 years ago

Haha! Grabe ang imagination talaga nagagawa mo iyong gusto mo gawin na di mo nagawa sa totoong buhay 😂

$ 0.00
2 years ago

Korek sis, kaya itodo na,hahahahha

$ 0.00
2 years ago

Kinikilig ako mommy hahahaha. Seryoso . Naiimagine ko Ang gwapo tlga ng guy. Tapos nung Sabi na

Shiela, nahulog mo yata."

  • Yung puso ko yata Ang nahulog sayo. Char 😂
$ 0.00
User's avatar Yen
2 years ago

Hahahaaha, naku momshie abangan hanggang huli.

$ 0.00
2 years ago

Ganyan ang dalagang Pilipina. Wag pahalata hehe.

$ 0.00
2 years ago

Tama, dapat simple lang, simoleng malandi😂

$ 0.00
2 years ago

Ang ganda ng story mo Sis para akong timang dito pangiti-ngiti habang binabasa to. Feel ko talaga nagbabasa ako ng novel ako pa naman basta exciting yung story kahit madaling araw na hindi ko talaga tatantanan hanggang matapos ko. Pero ngayon grabe ma-test talaga ang patience ko nito kasi parang bukas mo pa yata ito maitutuloy. I love how you write parang hindi mo first time, bihasang-bihasa kana talaga lalo na sa mga POV ni Shiela sobrang nakakatawa malandi siyang santa Sis, yan ang gusto kong mga character talaga yung palaban at may humor boring yung masyadong iyakin at sapol sa kabaitan.hehehe...

$ 0.01
2 years ago

Hahaha, thank you sis. Mas gusto ko tlaga din un mga ganitong character, ayomo nun katulad ng mga sinabi mo, heheheh.. Salamat at nagustuhan mo sis..

$ 0.00
2 years ago

BWAHAHAHAHAYOP! Legit na malandi pero sa loob lang. Wahahaha, nakikita ko self ko kay Shiela ahahahaha. Ang dami kong tawa dun may basagan na magaganao. For sure mangyayari to bwahahahaha. Waiting ako sa basagan ng itlog ahahaha

$ 0.00
2 years ago

Hahahahahaha, naku madams abangan ang susunod na kabanata madams!

$ 0.00
2 years ago

Hahhaahahaha tawa ako nang tawa, pero bakit langaw at agta ang title? 😂

Cute pa nmn nang story haha sene ell binabayaran pamasahe diba 😂 tas may next time ulit hahaha

$ 0.00
2 years ago

Hahah, abangan ang susunod na kabanata sis, heheheh

$ 0.00
2 years ago

Antay kami sa cont. Kakilig😍

$ 0.01
2 years ago

Buti naman sis at nagustuhan mo, heheh.. Baka bukas or sa makalawa..

$ 0.00
2 years ago

bukas na bukas lapitan mo sabay yakap at sabing "hi, nafall ako" dechar lang AHAHAHHA

$ 0.00
2 years ago

Hahahaha, let's see what will happen next..

$ 0.00
2 years ago

Waiting sa cont haha.

$ 0.00
2 years ago

Baka bukas or sa makalawa, inaassemble ko pa sa isip ko yun kasunod eh,hahahha

$ 0.00
2 years ago

Fiction pa more. Kilig2 lg xa but it's fun. Looking forward sa makasira-ng-mood plot twist! 🙈

$ 0.01
2 years ago

Oh my God, bigla ako napa isip sa maksia ng mood plot twist,hahahahhaha

$ 0.00
2 years ago

Natatawa ako ate habang nagbabasa.. Hahaha..may halong kwelang love story nobela to.. Aabangan ko ang mga susunod na kabanata ni Henry at Shiela.

$ 0.01
2 years ago

hehehe, thank you sis. Ako din habang ginagawa ko to eh kinikilig eh,hahahhaha

$ 0.00
2 years ago

Mas gusto ko yung ganitong mga novel, yung pang teenagers ba.. Hahahaha

$ 0.00
2 years ago

Ako din par di masyado stress, heheh

$ 0.00
2 years ago

Ayun nahintay ko din. Galing, sis! Part 2 pls!

$ 0.01
2 years ago

Heheheh, thank you sis! baka mga after 2 days ang kasunod nito,hehehe

$ 0.00
2 years ago

cge cge wait ko yun, sis hehe

$ 0.00
2 years ago

Omooooo! Ate nai-imagine mo ba ako habang binabasa ko 'toooo? Oo, pumapalakpal mga tenga ko at nagniningning mga mata ko dahil 'dun sa papatong at pangalan pa lang ay masarap na. Mwehehehe

Pero grabe ah. Nakaka-kilig. Sign na yata ito na unahin ko 'yung article ko about sa lalaking tanging naging crush ko 'nung first year college ako. Hihi

$ 0.01
2 years ago

Hahahhaha, thank you at mukhang nameet ko expectations nyo,hehehehe..

$ 0.00
2 years ago

Nukaba, Ateee. Magaganda naman kasi talaga mga article mo eh. Super worth it to read. :)

$ 0.00
2 years ago

Thank you beh, 😘

$ 0.00
2 years ago

You're welcome, Ateeee! ;) Sulat lang nang sulat.

$ 0.00
2 years ago

Korek, para sa ekonomiya,hehehehe

$ 0.00
2 years ago

Para may mailaman sa tiyan. HAHAHA

$ 0.00
2 years ago

Tumpak,hahahahah

$ 0.00
2 years ago