Ngayon na lang ulet nakapagluto ng Cornbeef, ilang buwan na rin ang nakalipas ang huli kong luto nito, naumay po kasi, pero ngayon type ng aking sikmura kumain nito with tinapay. Almusal po tayo Kaingay! Late almusal at late na rin nakapag-uodate dito kay noise, dahil inuna ang mga gawain.
@Nengste in May 2022
Kumain na po ba ang lahat? Heto at may pahabol kaming inihaw na tilapya bigay ng mabait na kapit-bahay, ayos ang tanghalian namin nadagdagan ang ulam. Pinakabit ko nga pala kanina ang TV wall bracket na nabili ko online kaso nagkaaberya pa dahil hindi tugma ang screw para sa t.v, mahaba ,wala namang mabiling maiksi kaya kailangan pangputulin. Sana maging ok na mamaya para masulit ang bili. Sayang naman kung hindi magamit dahil nabutasan na ang pader. Kain na tayo kaingay!…
Ang laki ng ibinaba ni Bitcoin cash, nasa 14, 680 php ang value nang nagcheck ako ng wallet. Nga pala pinya tayo para marefresh ang pakiramdam sa matamis at malamig na katas nito. Andito ang dalawang apo ko ngayon, nasa isang tabi lang sila focus sa kanilang pinapanood.
Ayudang Bigas May natanggap na ayudang bigas ngayon si granny Nengste, hindi naman ito ganun karami kaingay pero laking bagay din sa amin para makatipid. Hindi ito galing sa baranggay o politiko ha, may nakaalala lang magpadala, buwan-buwan. Ang pagba budget ng gastusin araw-araw ay hindi biro. Kapag nabarya na ang pera ang daling maubos. Nagpapasalamat nga ako at nakilala ko si noise. Ang laking bagay ng kinikita ko dito, naipandaragdag ko sa mga pangangailangan namin, may…
Sinundo na ng magulang ang aking apo, kakaalis lang nila, matutulog na lang ang mga iyon pagdating ng bahay nila dahil dito kumain na yon ng dinner at nakaligo na. Naayos na rin ng aking son in law ang wall bracket at nakabit na ang aming munting tv 22 inches.
Good night post ni granny Nengste ngayong gabi! " Isantabi natin muna ang pagod sa trabaho , isipin nalang natin na ginagawa natin ito para matupad ang mga pangarap sa buhay." Pampatibay sa lahat ng nagsisikap maghanap-buhay! Hindi sa lahat ng panahon nasa kondisyon ang katawan natin para magtrabaho, nakakaranas ang iba sa atin ng matinding stress pero nagtitiis lamang, magandang paalala para ma motivate tayo na para sa pangarap ay kikilos tayo. Pokus lagi sa unahan at huwag…
Naihanda ko na ang pack lunch ni bunso, pinatuyo ko ang ulam niyang may sauce para siguradong hindi mapanis at habang pinapalamig, ito ako nakaantabay hindi ko maiwan kasi may alaga kaming maliliit na daga. Gusto ko na sanang bumalik sa higaan, maya na lang paglamig nito pagnatakpan na, para hindi mainip mag-ingay muna si granny Nengste. Magandang umaga!
Adobong tokwa: Hello kaingay, handa na ang lulutuin ni granny para sa lunch. Nahiwa ko na ang tokwa, sibuyas, bawang, at siling berde para mamaya. May timpla na rin ang tokwa ng asin at paminta, hinaluan ko na rin ito ng cornstarch para maging firm at crunchy ang prito. Calamansi ang gagamitin kong pampaasim para sa adobong ito at tamang dami ng toyo. Nagandahan ako sa tokwa kanina kaya bumili ako, malambot ito at walang masamang amoy halatang bagong gawa hindi gaya ng…
Sa tindi ng init ng panahon balewala sa taong inantok pagkatapos kumain. Masaya akong nakaramdam ng pagkaantok, minsan ko lang ito madama, kakagising ko lang sa 30 minutong pagkaidlip, mainam naman kahit mainit ang panahon ay nakaidlip. Heto nga pala ang nalutong adobong tokwa na niluto ko kaninang tanghalian. May katagalan lang sa pag prito ng tokwa pero madali na lang gawin kapag na fry na lahat.
Meryenda tayo kaingay, Squid ball at kikiam. Grabe ang anghang ng sawsawan ni manong. Nagmeryenda na po ba kayo? Kamusta ang araw po natin? Sana may mga parke tayong pwedeng pasyalan kaingay, maraming puno, may bench, madamo, tapos libre lang dayuhin, walang entrance fee, na kahit tinapay lang at tubig ang dalang baon, kinakain habang nagpapalilim sa ilalim ng mga puno. Sana may ganun! Nang hindi naman tayo kapwa nagtitiis sa apat na sulok ng bahay.
Lugaw Itlog: Itong lugaw itlog kaingay ay nabili sa isang tindahan sa may labasan malapit lang dito sa amin. Ang Lugaw ay kilalang comfort food ng pinoy tuwing tag-ulan, madalas lutuin kapag merong may sakit sa tahanan noong aking kabataan. Ngayon ang kadalasang comfort food na ng mga kabataang nagkakasakit ay instant noodles, na kung hindi chicken flavor ay beef flavor naman. Plain lugaw pa noon ang kadalasang iniluluto, lugaw asin kung tawagin, pero ngayon ang dami ng…
Flex ko itong aking hapunan, nauna na akong kumain kay bunso, hindi ko na siya naantay sa pagkain, 10 am to 7 pm ang work niya, siguro OTW pa lang siya mula Quezon City to Bulacan. Itong ulam ko ay natirang ulam ng dalawa apo ko kahapon na fried chicken tig-isang hiwa sila, itong thigh part napunta sa 6 years old kong apo, habang kinakain niya ito kahapon, tinanong niya ako " bakit daw konti laman" hahah.. hindi niya kayang tanggalin ang sumisiksik na laman sa buto kaya…
Dahil hinog na ang mangga, naghiwa ako para panghimagas ko at pinalamig ang iba para kay bunso, lalo akong nabusog. Maglalakad lakad muna si granny Nengste sa labas habang inaantay ang pagdating ni bunso.
Good morning kaingay, bumangon na at maghanda para sa mga maagang papasok para magtrabaho. Rise in shine mga kaingay! O di ba ang agang nag-iingay ni granny! Naghahanda ako ngayon ng babaunin ni bunso. Mamaya kapag natapos ko na ito makatulog na lang uli para makabawi. Gagayak muna ako. Mamaya ulit!
Nalingat ang isip ko dahil sa kakadutdot sa selpon, dahil doon muntik ng masunog itong sinalang ko na adobo na pambaon bukas ni bunso, ngayon ko na niluto kasi nagdefrost po ako ng fridges ang kapal na ng yelo.
Kasalukuyang naglalaba ngunit iniwan ko muna para magluto ng aking ulam. Ang adobong manok na niluto ko kanina ay nilaan para pambaon lang ni bunso. Tumatagaktak ang pawis ko kaingay habang naghihiwa ng patatas sa tindi ng init ng panahon dito. Hindi na ako nagbukas ng bentilador at baka mag over heat, iwas mamoblema sa pambili ng kapalit o pagawa.
Mag Beat the heat muna tayo kaingay sa pag inom ng malamig na malamig na Buko Juice! Tara! Mahusay ang sabaw ng buko kaingay sa mga may UTI, kaya rin nitong paliitin ang kidney stone sa pamamagitan ng pag-inom ng sabaw ng buko ng ilang beses sa isang linggo kaingay. Hindi lang pala pampapawi ng uhaw ang sabaw ng buko sa mainit na panahon kaingay dahil nagtataglay rin ito ng mga benipisyo para tulungan ang katawan na maging malusog ang ating pangangatawan! Sa totoo lang ang…
Dumating ngayong araw ang nabudol ni shopee sa akin, ito ay isang tv cabinet rack. Pagkadeliver kaagad kong binuksan at nicheck ang instructions kung paano gawin para mabuo, pinag-aralan ko muna kahit hindi ko maintindihan ang nakasulat kasi Chinese character. Mga tatlong oras mahigit din saka ko ito nabuo. Ang sakit ng aking balakang pagkatapos ko gawin.
"Sleep well and dream big, for tomorrow is the start of something great." Good night post ni granny. Matulog at managinip ng maganda ngayong gabi kaingay at may haharapin pa tayong panibagong bukas. Malay natin tumaas na ang value ni Bitcoin bukas. Agahan uli natin ang pagpopost at pakikipagkwentuhan nang mga kaganapan at kalagayan. Good night!
Maagang gumising si Inang Nengste para gampanan ang paghanda ng pack lunch ng aking bunsong anak. Ipinatong ko na ang ulam niya sa kanin para hindi na ako magdagdag ng isang lalagyan at hindi na rin kasya sa bitbitin niyang lunch bag. Magandang umaga!
' Wake up each morning and carry a smile throw up your worries make a life a worthwhile .. ' Good morning kaingay! Gumising ng may ngiti sa umaga at ihagis ang mga alalahanin! Mahirap man ito pero kakayanin. Ang hirap kayang magtrabaho ng may iniintindi o alalahanin kaya pokus po tayo lagi sa solusyon hindi sa problema kaingay. Hanapin ang kasagutan at huwag hihinto! Nag go good morning sa atin kaingay si Mt. Mayon ng Albay!
Kamusta ang umaga kaingay? Kakayari ko lang maglinis ng bahay. Nakakita ako ng patola sa tindahan at bigla akong nanabik humigop ng mainit na sabaw kaya ito ang napusuan ni granny Nengste iluto pang tanghalian. Mainit na sabaw sa mainit na panahon tayo kaingay!
Inantok si granny Nengste kaya pinagbigyan ko ang aking mata at isip na magrelax saglit mga 30 minutes din namahinga at heto gising na. Mamili na tayo kaingay kung ano ipaluto natin kay manong, squid balls at kikiam para sa ating meryenda ngayong hapon.
May nag-imbita sa akin kaingay at may pa "sharon cuneta" pa na pauwi! Balutin mo serye, kaya meron na kaming almusalan bukas at ang menu ay gulay, menudo at pansit. May pauwi pang dumalagang itlog ng itik isang plastic hindi ko na nakuhanan ng larawan. Nabusog na si granny sa handaan mabubusog pa ulit sa kinabukasan. Kayo po kamusta ang maghapon?
'"Don't lose hope , You never know what tomorrow will bring." Mag go good night post na si granny Nengste. Tandaan ang paalala, huwag masiraan ng loob dahil hindi natin alam kung ano ang mangyayari bukas. Laging may bukas, mano kung isang daang beses kang nagkamali o nabigo meron namang 365 days kada taon para bumangon at magsimula ulit! At pwede mong simulan bukas! Goodnight everyone!
"Life is new opportunity everyday, You have to go out there and make your way, so smile and start of this new day." Good morning kaingay! May paalala tayo ulit ngayong umaga. Ang bawat araw ay isang oportunidad sa buhay, oportunidad para maging masaya, maging maligaya, maging payapa, maging matagumpay kailangan mo lamang kumilos at maghanap kaya ngumiti ka kaingay at magsimula! Ingat po tayo sa maghapon hanapin ang mga mga bagay na makakapagpalakas sa atin para…
Kain tayo kaingay! Menudo at pansit pa 'sharon ' ng kaibigan ko kagabi. " Balutin mo ako sa hiwaga ng iyong pagmamahal.. " napakanta tuloy si granny. Mag timpla na lang ako kaingay ng malamig na malamig na pineapple juice para busolve ang tanghalian. Habang kumakain heto nanonood ng movie sa youtube, syempre ang bida ay isang lobo " Silver Wolf."
Ang busy ng kalye dito sa amin paroon at parito mga tao tapos ang iingay, nahihiyawan pa, nadidinig ko ang usapan ID daw at pilahan. Alam na dis siguro may ayuda galing sa mga local na kandidato dito sa aming lugar. Swerte nila nagkapera sila heheh.. sa inyo diyan kaingay ano balita?
Meryenda time kaingay, kung bakit nakadalawang slice na ako ng pizza bago ko naalalang picture-ran muna , yan tuloy last pizza na ni granny naibuhos ko pa ang hot sauce sa pizza bago ko nakuhanan ng larawan. Murang pizza lang yan kaingay 65 pesos per box, level up na meryenda ngayon at afford na ang presyo, at tamang-tama na meryenda ng pamilya, kaya po tayo nananaba ang daming pagkaing masasarap sa mababang halaga.
May pasalubong pagkain si bunso dahil pay day niya ngayon. Talagang inantay ko ang pagdating niya, hindi ako kumain ng hapunan, umasang may uwing pagkain heheh, hindi nga nabigo, success ang aking paghihintay. Itong spaghetti hindi sa akin, para ito sa dalawa niyang aso. Kain tayo kaingay.
Time check: 10:22 PM A simple good night post from granny.. "Wash your face ang wash your feet." It's time to take a good night sleep!" Kahit hindi lang mag wash ngayong gabi kahit maligo pa bago matulog sa init ng panahon ay obra, para maging komportable ang tulog sa magdamag. Good night kaingay! Bukas ulit sabay-sabay tayong mag-ingay!
"Be happy with what you have, Keep working on what you love And remember a happy life begins by saying Thank you Lord for what i have!" Good morning kaingay! Pagmulat ng mata , umupo at manalangin muna at magpasalamat sa kung anong meron ka. Gabayan sana tayo sa ating mga gawain at ilayo sa anumang kapahamakan. Lahat tayo ay hindi ligtas kaingay sa sakuna, hindi inaasahang pangyayari at pagkakasakit. Humingi ng gabay sa isa na mas malakas sa atin! Nakapagtimpla na si granny…
Dahil diet ang bulsa ni granny ngayon ito muna ang uulamin ko today. Sa halagang 50 pesos meron na akong pananghalian, mas ok sa akin ito kesa bumili ng lutong ulam ngayon. 25 pesos ang fresh na dahon ng ampalaya kaingay. Madami na ito para sa isang lata ng karnenas heheh karne ng isda.
Mainit na hapon sa lahat. Makulimlim dito kanoise kanina pero hindi tiyak kung uulan. Ang singaw ng panahon ay mainit sobra talaga. Ang hangin sa bentilador nga ay mainit din sa balat. Umulan na kung uulan sana dahil si granny ay may lakad pa mamaya. Kamusta po kayo kaingay? Walang meryenda si granny ngayon nag-iintay pa. Kung magtutuloy - tuloy pa ganitong panahon madaming tao ang magkakasakit ng alta-presyon.
"Life is too short to wake up with regrets, So love the people who treat you RIGHT! Forget about those who don't! BELIEVE everything is happens for a reason, if you get a chance, take it! If it's changes your life, let it!" Good morning Noiser! Happy Saturday morning! Maiksi lang ang buhay mahirap at puno pa ng problema pero sa buhay kaingay walang imposible. Ang kalagayan mo ngayon ay pwedeng magbago bukas! Iwasang pansinin ang mga taong hindi naniniwala sa kakayahan mo at…
Dahil wala si bunso, madaling araw silang (officemate) bumiyahe papuntang Zambales para mag outing, bukas pa ang uwi kaya bumili na lang akong isang serving na ulam. Ito ay Laing, ginataang pinatuyong dahon at tangkay ng gabe. Mamaya bago kumain, iinitin ko ito at titimplahin ulet, gusto ko ditong timpla ay may anghang.
Ishare ko lang itong nisend ng aking apo, dalawang larawan na nagpapakita kung gaano sila kaexcited pumunta dito sa akin. Dalawang araw bago sila pumunta, inihahanda na nila ang kanilang bag, ang nilalaman ay mga laruan at damit lamang. Siyempre masaya ako lalo na ang bunso kong anak para naman daw may mag-iingay dito sa bahay paminsan minsan.
Nag-update na sa akin ang aking bunsong anak na nag get away with her co-workers, nasa isang beach resort sila sa lugar ng Zambales. Enjoy nila ang kalikasan ng dalawang araw, ako naman nag-eenjoy din sa magandang view dito sa larawang ibinahagi niya sa akin.
May nagbigay nang pagpapala sa mainit na panahon! Tatlong malalaking Indian manggo. Panahon ng mangga kaya sagana sa mangga ngayon. Mamaya babalatan ko ito at kakainin habang nanonood, pero mas gusto ko kainin ang hinog nito lalo na pagmalamig.
Nagluluto na ba kayo? Heto ako inihanda ko na ang aking hapunan, fried Chicken at natirang Laing kaninang tanghalian. Inagahan ko na dahil may panonoorin akong movie na ang bida ay aso, heheh nasa puso ko na ang aso, pagnakita kong sinasaktan sila, sobra din akong nasasaktan.
'Always end the day with a positive thought. No matter how hard things were, Tomorrow's is a fresh opportunity to make it better ' Good night kaingay. Antok na si granny Ipahinga na ang pagod na katawan, isipan at mata sa paghawak at kakatingin sa selpon. Matulog ng hindi nagkukutkot ng sama na loob nang hindi ka mahirapang makatulog. Goodnight po!
Happy Sunday noiser! Mga ilang salita para ma motivate tayo ngayong araw. •Maniwala sa sarili na kaya mo at magagawa mo • Disiplinahin ang sarili, mentras nararamdaman mong ayaw mo, mas kumilos ka para magawa mo ito. •Maging matatag, Magkaroon ng matatag na kaisipan sa isang bagay at susunod na kikilos ang katawan. • iwasang maging pabago-bago, maging consistent sa bagay na sinimulan mo • Panatilihin ang kasipagan Ingat po tayo kaingay sa maghapon, go lang po tayo sa mga…
Nag exercise muna si granny, naglalakad-lakad para may konting exercise ang katawan. Nakita ko lang itong bulaklak ng Bougainvillea sa gilid ng daan, maganda itong itanim sa bakuran at gawan ng design, ingat lang tayo dahil matinik ito at nakakasugat. Noon ang daming Bougainvillea, naaalala ko ginagawang bakod sa bahay ito kaso ang hirap lang i trim kapag lumago. Huwag nyo na lang pansinin kaingay ang patubig at madumi.
Nakauwi na si bunso galing sa pinuntahan nilang beach, mamayang gabi pa sana ang uwi niya kaso may umuwing head nila kaya sumabay na siya dahil gusto na niyang mamahinga. Heto may uwi siyang pasalubong ulet, pagbaba niya daw mula sa service bus nila, naghanap siya ng fastfood para bumili ng pasalubong dahil special day ng mga mader ngayon, nahalata niyo ba na ganito lagi ang pinapasalubong niya sa akin? Kasi ito ang fave ko. Snack muna tayo kaingay!
Its cooking time ng dish na inihahanda para baonin ni bunso, gumawa akong lumpiang Shanghai at nagpapalambot ng porkchop para gawing pork steak, nahiwa ko na rin ang mga kailangang sangkap. Habang inaantay ng pinapalambot nagprito muna ako ng Lumpiang Shanghai para ulamin ko ngayong tanghalian. Late lunch na ito Kaingay dahil nakapagsnack ako kaninang 10 am. Tara po kain tayo!
May ibabahagi akong larawan sa inyo, isang magandang tanawin mula sa kapitprobinsiya. Nag byahe ang aking manugang papuntang Norte upang mag outing kasama ng ilang kaibigan patungo sa Dingalan Aurora. Umalis sila kaninang 10 am at heto may ibinahaging magandang tanawin na kinunan niya ng larawan at ipinakita o pinadala niya sa kanyang asawa na aking anak via messenger kani-kanina lamang at pinakita naman sa akin. Sa tingin ko nasa mataas silang lugar para makuhanan nang…
Magnilagang saging muna tayo kaingay. Masarap itong isawsaw sa ginamos (bagoong) at partneran ng mainit na kape. Late ng makakapag hapunan nito si granny dahil mabigat sa tyan ang saging. Tara kain po tayo, kuha na po kayo.
Gabi na naman, medyo late nga lang ang post ko, kuha yan kanina sa labas namin habang bumibili ako sa tindahan, kinukunan ko ang pagbaba ng araw. Ang bilis ng oras at ang bilis ng araw, bukas Lunes na at ito ang araw na pinakahihintay, ang eleksyon 2022, sino kaya ang magiging bagong mataas na leader ng bansa natin, babae kaya o lalake? Excited na akong pumunta sa nakalaang presinto ko, si bunso aabsent bukas para bumoto din, aagahan daw namin mga 7 am.
It's almost 9 o'clock in the evening but then still not yet feeling hungry, maybe because of too much glass of water I drank the whole day and the roasted peanut I ate earlier late afternoon. I hope I can sleep well, having no any disturbances while sleeping.
Bumangon na tayo at gumayak ng maaga para bumoto. Magdala ng ating kodigo para madali nating mahanap kaagad ang pangalan at numero ng kandidato sa balota, magdala ng extra ballpen na may tintang itim, ID, alcohol at magsuot ng Mask. Sana magiging maayos, matiwasay at walang aberya ang takbo ng botohan ngayong araw. Magandang umaga!
Kakauwi lang namin ni bunso galing sa pagboto. Pagdating namin doon ang haba ng pila, habang nakapila nakaramdam ako ng panlalabo ng mata, naisip ko na lumalabo na ang aking mata nang naalala ko na hindi pala ako nakapaghapunan kagabi at kape lang din ang ininom ko kaninang umaga. Mag beef noodles muna po tayo kaingay pantanggal labo ng mata at pagod sa haba ng pila sa pagboto. Tara po at humigop ng mainit na sabaw, kakaluto lang po nito kaingay!
Ang Eskwelahan sa pagdaraosan ng botohan ay malapit lang sa amin, pwedeng lakarin ngunit upang mapabilis makarating, nag tricycle kami ni bunso, pwede din jeep kasi along the highway lang kami kaso walang dumaan na jeep. Nang natapos na kaming bumoto naisip ni bunso na bisitahin ang isa niyang pamangkin dahil malapit lang din sa Eskuelahan ang tirahan, buti may seven eleven at alfa mart sa tapat ng Eskwelahan pero pinili ni bunso pumasok sa Alfa Mart at bumili ng…
Mabilisang lunch kaingay, mabuti at naihaw na ni granny ang talong kanina bago umalis papuntang eskwelahan para bumoto. Hindi ako nabusog sa noodles kaingay pero naka tulong naman para lumakas ulit ako. Sino pong tapos ng bumoto? Ang init sa labas kaingay magbaon kayo ng tubig kapag aalis. Kain po tayo!
Nakaidlip ako ng ilang minuto, nakatulong din mabawasan ang pagsakit ng aking ulo dahil sa init. Mag squidball muna kayo kaingay, pantanggal inip kung nasa pila kayong mahaba. Kamusta po ang botohan sa lugar ninyo? Mabuti at hindi na kami inabot ng hapon ,ang taas ng araw, nakakasakit ng ulo.
Nasa labasan ako kanina kaingay, nakikibalita sa halalan ngayong araw. Excited na ang mga taong malaman kung sino ang bagong mahahalal na pangulo ng bansa. Kaabang-abang naman kase dahil naging mainit ang laban ngayon ng dalawang kandidato ng pagkapangulo. Mainit gaya ng summer heat, pati mga supporters nila hot na hot ding sumuporta kahit pa may makaalitang iba. Sa kapwa ko Filipino relax lang tayo at kung sino man ang mahalal sumuporta tayo sa kaayusan bilang pakikiisa sa…
I treat ang sarili ng Choco Almond Fudge para sa midnight snacks kaingay. Hanggang ngayon mainit pa rin kahit gabi na. Nakaantabay ako sa balita habang kinakain itong ice cream. Kawawa naman yung mga nangangasiwa ng eleksyon ngayon lalo na ang mga guro. Minsan nababalingan ng inis ng mga botante dahil sa aberya sa eleksyon. Cool lang tayo kaingay, lahat tayo ay napagod ngayong araw hindi biro ang mangasiwa sa ganitong malawakang aktibidad sa buong bansa. Umasa tayong kung…
Note To Self : " Don't tell people your plans, show them your result." "Never think I have nothing.. Never think I have everything.. But always think I have something and I can achieve everything." Minsan naranasan n'yo na bang sabihin sa iba ang planong nais ninyong gawin pero imbes na makakuha ng suporta ay na discourage ka sa sinasabi nila? Maaari ninyong isaalang-alang ang "note to self." Kung may plano ka at tunguhin, iwasang sabihin ito sa iba sa halip ay isagawang…
Buko Maari ko bang hilingin na ako'y iyong pagbigyan, Mula dyan sa itaas ako sana'y iyong bagsakan, Pero huwag namang tamaan dahil masakit iyan. Ang matamis mong tubig ang nais kong matikman, Nang mapawi naman ang uhaw sa init ng araw, Upang maginhawahan kahit panandalian lamang. Napatula tuloy si granny dahil sa buko kaingay. Natakam sa buko.
Pritong isda with lettuce Kumain ng tangahalian kaingay , huwag tatamarin kahit mainit ang panahon para may lakas sa maghapon! Ang inihanda ko na sawsawan ay sweet and chilli sauce dahil bagay sa lettuce and fish. Sino po dito hindi pa naglulunch tara po at kumain muna? Magdala na lang po kayo ng softdrinks at yelo para mas masarap ang kainan. Ang iba naman ay dessert para happy na happy ang ating pananghalian!
Magminatamisang saging,sago,gabe at kamote tayo kaingay! Ang pinipig naman ay pwedeng ilagay kung nais ng kakain na lagyan ng gatas o gata na may yelo ang minatamisan . Guinomis ang tawag ng iba dito, isang uri ng halo-halo. Ang ibang bersyon nito ay gulaman,sago at pinipig lamang sa halip na saging,kamote o gabi. Kahit ano pa ang ihalo sa paggawa nito ay tiyak na katakamtam at magugustuhan ng marami dahil likas na mahilig ang pinoy sa malamig na pagkain at minatamisan. Alin…
Hinintay ko si bunso kaso nakaramdam na ako ng gutom, pritong talong,pritong okra at pritong tuyong sap-sap na isda ang ulam sa hapunan. Sigurado akong gusto din ni bunso itong pritong gulay hindi ako sigurado sa tuyo, may natira pa namang longganisa ipagprito ko na lang pag nagreklamo, tingnan ko muna reaksyon niya pag nakita niya ang nakahaing ulam. Tara po kain tayo!
Sleep tonight and be well! Know that you have done your very best today, And that you will do your very best tomorrow! Good night noiser! Inaantok na si granny, May makukulit akong bisita bukas kaya kailangan ko ng lakas. More posting ulit bukas dito kay noise.
One day, brain asked Heart, "Why are you sending messages to people without any reason? Lovely reply by Heart to Brain: "You need Reasons I need Relations" Good morning noisers! Full charge ba ang selpon natin ngayong umaga? May lakas ba tayo today? Kung wala pa magkape muna! Tara na at mag-ingay ngayong araw, syempre dapat may energy mas happy. Tularan natin ang saloobin ni Heart at Brain ngayong araw, ang reason para mag noise. Dahilan para mag update lagi at magkaroon ng…
Pansit Mamaya darating na ang dalawang bisita ni granny Nengste kaya kakain muna ako. Kamusta ang magdamag ninyo kaingay? Napapansin ko nagiging antukin ako nitong mga nagdaang araw. Kailangan ko na atang mag exercise para sumigla at gumaan ang pakiramdam ko. Samahan nyo akong magzumba kaingay ng ganahan naman akong magpapawis!
Nang dumating ang dalawa kong bisita may dala silang kamote at mga sangkap para gawing Lomi, kaya inilaga ko kaagad ang kamote at niluto ang Lomi. First time ko pa lang magluto nito kaya nagtanong muna ako kay google kung paano lutuin ito. Heto po luto na, sa palagay niyo po mukhang Lomi po ba?
Kaingay dalhin na po ninyo dito ang inyong mga pananghalian at pagkatapos magpakabusog ay maligo na tayong lahat dito sa falls! Wow, ang sarap tingnan ng pag-agos ng tubig at parang nag-iimbita at sinasabing "tara na sumabay ka na sa akin at papawiin ko ang init na nadadama mo ngayon." Halina na kayo! Larawan ito kaingay sa lugar na pinuntahan ng manugang ko mula sa bayan ng Aurora.
Malamig na Buko Juice Pinagbigyan ako ng buko kanoise, nagbagsak ito ng bunga at ngayon ay naging buko juice ni granny Nengste. Tara at pagsaluhan natin ito kaingay ang tamis ng tubig, nakakapawi ng uhaw, ang sarap, lalo na kapag ito ay malamig. Nakakabusog din dahil ang daming laman. Kuha na po kayo ng baso!
Bakit kaya kaingay magandang pagmasdan ang paglubog ng araw? Nakakatuwa lang isipin na the best gumawa ang Diyos ng magagandang bagay para masiyahan tayo. Pagnakikita ko ito mula sa malayo parang gustong maupo at magsenti ni granny hanggang lumubog ito ng tuluyan. Masasabi nating ang sunset ay isa sa mga gawa ng makapangyarihan, tunay na nakakamangha at talagang makapagmuni-muni tayo na ang galing niyang magdesinyo ng mga bagay bagay upang makapagbigay aliw sa atin. Bye Sun,…
Lumubog na ang araw, at sumapit na naman ang gabi at ang mga gawain maghapon ay natapos na. Kaya maghanda ng matulog upang ang katawang lupa ay mapahinga na at makapaglakbay ang diwa habang nagpapaantok, agahan ang gising dahil may nag-iintay na bukas para tayo ay muling gumawa. Good night po, share ko na po itong sunset kanina na nakalimutan kong iupload.
Good morning noiser! Mga katangian na magandang taglayin ngayong araw! • Kaunawaan - ito ang tutulong sa atin na makita o maunawaan ang dahilan sa likod ng isang bagay. • Pananampalataya - magdudulot sa atin ito na laging umaasa sa isang magandang bagay na hindi pa dumarating. • Kasiyahan- ang epekto nito ay magiging magaan ang buhay natin at magiging positibo tayo. • Kontento - hindi paghahanap ng mga bagay na wala sa halip ay nasisiyahan sa mga bagay na meron ka ngayon.…
Late post: Pasyal-pasyal din kapag may time. Para makapag relax ang isip at malibang-libang. Kapag maaga maganda sa bukid pero kapag mataas na ang araw mas mainam na nasa loob ng bahay o sa lugar na malilim. Clear ang sky dito sa Bulacan kaingay. Hindi matao dito sa pinuntahan ko kaya mas magandang mag jogging kapag pasikat palang ang araw.
Dahil may nilakad si granny Nengste at saka naabutan ng lunch time, sakto namang napadaan sa Mang Inasal. Nagpalamig at kumain muna dito sa Mang Inasal, matagal-tagal na rin ng huli kong natikman at nalasap ang masarap na lasa ng kanilang inihaw na manok. 7 stars ang review ko sa palabok nila at ang gulaman at chicken ay 10 stars. Kain po tayo!
Ang sobrang init ay lalong uminit ang ulo at kumabog ang puso sa pagcheck ng trading wallet, lahat ng crypto ay nagispaghetti pababa ang galaw. Ang tanong paano at kailan tayo nito makapitas ng bunga? Sinilip ko ang value ng Bitcoin Cash, kanina nasa 9k mahigit sobrang laki ng ibinaba. Kung sana lang may pambili tayo kaso wala, goodluck sa lahat na may pambili diyan!
Ramdam pa rin ang init sa tag-araw. Kaingay anong paraan ang ginagawa niyo para remedyohan o maibsan ang naramdamang init araw-araw? Ako heto ngayon, Kakain ng ice candy na melon flavor with sago at Nata de coco na nabili lang dito na tig 5 piso sa tabi-tabi.
Lumayo ka man sa akin At ako'y iyong limutin Masakit man sa damdamin Pilit pa rin titiisin Mga lumipas na ligaya Ang kahapong may pag-asa Mga pangarap na walang hanggan Ay naglaho paglisan mo mahal ko Pagkat saan ka man naroroon Pintig ng puso ko'y para sa iyo Naghihirap man ang aking damdamin Nagmamahal pa rin sa iyo giliw Limutin man kita'y di ko magawa Hindi pa rin ako nagbabago Ang pag-ibig ko sa iyo'y lagi mong kasama Mga sandaling ligaya Kung ikaw ang siyang kasama…
" Huwag mong sukuan ang mga pagsubok na dumarating sa'yo, Gawin mong aral at inspirasyon para mas maging matatag ka at matuto." Good night noisers! 'Bukas mo na lang isipin ang bukas na darating..' Narinig ko lang kaingay ang linyang iyan sa isang palabas sa telebisyon. May punto naman, nakakapagod ang isipin pa ang bukas kung late na at pagod ka pa. Good night na po sa lahat!
"Life is like riding a bicycle, to keep your balance, you must keep moving." - Albert Einstein "Sa araw-araw nating pagkilos sa paggawa ng ating gawain kailangan isaisip ang pag-iingat para hindi tayo mapahamak. at kung may hindi inaasahang nangyaring hindi maganda, bumangon at tumayo huwag hihinto, keep on moving forward. Samantalahin ang araw na maging kapakipakinabang ang maghapon natin. Have a lovely Friday noisers!
Gulay at chicharon Nag lunch na ba ang lahat? Halikayo at kumain tayo ng ginataang kalabasa at chicharon. Dito sa amin ang chicharon ay isa sa kilalang produktong ipinagmamalaki ng Bulacan. Maraming taga ibang bayan ang umaangkat nito para ibenta sa kani-kanilang pamayanan. The best isawsaw ito sa sukang may sili. Masarap ding itambal ito sa gulay gaya ng tanghalian ni granny.
Pomelo Kakatapos lang maglaba ni granny kaingay, pasilip-silip lang dito para magbahagi. Siyanga pala flex ko itong pomelo na mula sa puno ng isang good Samaritan. Matamis at makatas. Masarap sana itong gawing juice kaso wala na akong lakas. Ang pomelo nga pala kaingay ay nagtatagkay ng nutrients at minerals sagana din ito sa vitamin C , fiber, at antioxidant. May kamahalan nga lang ang prutas na ito kung ikukumpara sa presyo ng saging.
Andito kaming tatlo sa harap ng bahay, inaantay namin ang pag-uwi ni bunso galing sa work. Nakachat ko siya kanina at tinanong niya ako kung ano ang ulam, ang sagot ko ay "bibili lang ako ng lutong ulam" tapos nagreply na bibili na lang daw siya sa Jollibee at tinanong ako kung anong gusto ko. Mahangin dito sa labas, buti pansamantalang nakapahinga ang efan sa pag-ikot.
Waiting pa rin kay bunso, uminom muna tayo ng malamig na orange juice kaingay, habang inaantay ang foods for dinner na iuuwi ni bunso. Ano update ngayon tungkol sa bilangan ng boto? Hindi ako nakapagbukas ng fb account at t.v kaya wala akong alam.
Kakarating lang ni bunso, kaya tara kaingay kainan na, late dinner ni granny Nengste.
Good night kaingay! Sabayan natin ang araw na napakabilis dahil Saturday na bukas, pero bago yan magpahinga muna tayo. Enjoy your adventure in the forest of dreams noisers.. Nyt, nyt..
Gising na, gising na Si haring araw ay sumikat na, Magpataan sa higaan ay itigil na, dahil tiyak na kung hindi ay magagalit si ina. Sa halip na mga huni ng ibon ang maririnig mo, Tinig na galit ni nanay ang papalit dito, Bibilang pa siya ng isa, dalawa, tatlo at tiyak na tatayo ka sa ayaw at gusto mo. Hala ka, sige ka, Basahin mo pa ito, Para tumagal ka sa higaan At mapalo ka na ng todo. Good morning noisers! Bad ata yung tula ni granny? Good vibes lang..
DIY Hanging Plant Sumusubok ng ibang bagay si granny Nengste, kinuha ko ang idea na ito sa napanood ko sa Youtube. Ang dami kaseng source of information dito na nakaeengganyong gayahin. Idadagdag ko ito sa mga halaman ko sa terrace, para makatulong pamparelax ng mood pag maraming nakikitang magandang bagay sa paligid.
Anong masarap ilahok dito kaingay? Hokaido o Sardinas na pula? Huwag na muna kayong humiling ng manok para sa tinola wala si granny ng manok ngayon dahil kahit pa masarap igisa ang manok sa maraming luya, bawang at sibuyas. Kahit pa igisa itong mabuti na may patis at paminta. Kahit pa tagalan ang gisa para malasang-malasa at kahit pa ilagay ko ang gulay kasama ng malunggay para magkaroon ng masarap at mainit na sabaw. E, hindi talaga obra dahil walang manok si granny.…
Napa-inom tuloy ako ng malamig na sprite nang kumain kaninang tanghali-an kaya naging komportable ang aking pakiramdam habang kumakain. Ngayon parang gusto ko ulit ng malamig na sprite. Hindi talaga kami nasanay na may softdrinks tuwing kumain katulad ng iba, mas gusto namin tubig na hindi malamig kahit may fridges na pwede magpalamig ng tubig pero pag ganito katindi ang init ang sarap talagang uminon ng tubig na malamig.
Itong dumalagang itlog ng itik na bigay sa akin ng friend ko na nagpa 'sharon cuneta' hanggang ngayon meron pa. Isang plastic ang uwi ko nito, ang iba ay nilaga ko na pero ang dami pa rin. 17pcs pa ito kaingay. Balak ko nang gawing leche flan para maubos na. Ok pa kaya ito? Mahigit isang linggo ng naka stock?
Ihaw-ihaw Sa paglalakad ko napansin ko ang isang stall na mausok at maraming parukyano. Biglang nag crave si granny sa ihaw-ihaw kaya napabili ako. Kainin ko muna habang hinihintay umuwi si bunso. Huwag naman sanang abutan ng ulan ito dahil naririnig ko kumukulog sa malayo. Ano ba ang tawag sa part na 'to?
Ang sarap mahiga at matulog kaingay para kahit sandali makalimutan mo ang lahat na alalahanin sa buhay. Good night po sa lahat. Sleep well noisers! Makatulog sana tayong mabuti kahit maalinsangan ang panahon. Kung maaari sana na matulog ng nakabukas ang bintana para pumasok naman ang hangin sa loob.
Sunday is Church Day Good morning noisers! Gagayak na ako para sumamba.Sana ay maging makabuluhan, progresibo, kasiyasiya, puno ng pagmamahal ang ating buong maghapon. Sa mga mommy diyan ihanda na po ang mga sarili dahil balik aral na ulit bukas ang mga chikiting. Have a fun Sunday noisers!
Pagkatapos ng kulang dalawang oras na pagkawala, heto na si granny Nengste nagbabalik upang ibahagi sa inyo itong isang kakanin na ngayon ko lang natikman. Na usi ako sa lasa nitong pinipig na suman kaya nakabili ako nito at dahil na rin, gusto ni bunso ng kakaning malagkit. Sino na ang nakatikim nito?
Bagong ligo na ang isa naming alagang aso na si Zorro, pinaligoan ni granny Nengste, ito ang aking kaaway araw araw sa bahay, pag nasa loob siya ng silid tulogan ni bunso hindi ako makakapasok dahil tatahulan niya kaagad ako kaya pag nakita kong wala siya sa loob, yun na ang pagkakataon kong pumasok at ayusin, linisin ang silid ni bunso. Pogi po ba ang mahal kong kaaway?
Ang husay ng mananahing kaibigan ko, pet lover po siya katulad ko, sa sobrang pagkagiliw niya dito sa kanyang alagang aso ay ipinagtahi niya ito ng damit. Talaga namang nakakatuwa ang ibinigay na pagmamahal ng mga taong mahilig mag-alaga ng aso o pusa. Ang ganda siguro nitong tingnan habang naglalakad. Pwede na niyang gawing business ang paggawa ng damit pang aso at gawing model ang aso niya.
Happy lunch time! Nabusog ako sa ube pinipig kanina, pero nagutom na si granny dahil sa pag-aasikaso dito sa bahay. Mapapadami ang kain ko nito dahil sa ampalaya at inihaw na tilapya, dahil sa sobrang init kaya may kasamang pang pawi sa init, softdrinks na malamig sa tanghalian. Kain tayo kaingay! Kung hindi pa kayo kumain tara po dito!
Dirty Ice Cream May nagtitinda pa pala nito kaingay, narinig ko kase ang kalembang ng ice cream hindi ko sana papansinin kaso nakita ko na may nakasabit na tinapay. Kaya tinawag ko at bumili ng isa. Ang gusto ko sanang flavor ay cheese kaso wala available kaya ito nalang cookies and cream ang pinili ko. Mainam naman at napadaan si manong ice cream nagkaroon ako ng malamig na meryenda, pampawi ng init sa maalinsangang hapon.
Naalala nyo ba kaingay yung mahigit 1 week ko ng stock na dumalagang itlog ng itik? Ito na siya ngayon naging penoy na, ang sarap dahil may sabaw ng maluto. Plano ko na talagang gawing leche flan pero ng basagin ko iba na ang itsura hindi na pwede gawing leche flan. Ang ginawa ko ay inilaga ko nalang lahat, at ng maluto meron na akong masarap na penoy. 16pcs ito kaingay, ibinigay ko na yung iba sa kapitbahay ko. Natuwa naman at may penoy silang kakainin.
Kumain na ba ang lahat? Si bunso may pinuntahang fiesta ngayong araw, kinumbida ng family ng best friend niya na kamag-anak ng kanyang ex boyfriend. Nang pauwi na binalotan siya ng food ng nanay ng kanyang best friend, may pa ulam na at may pa dessert pa, kaya busog much.
Ginising ako ni Zorro, ayaw ko pa sanang dumilat kaso naalala ko na Lunes ngayon, kailangan kong gumayak ng babaonin ni bunso kaya bumangon at nicheck ang oras 4:30 am, tamang tama lang pala ang oras ng paggising sa akin ni Zorro🐕 naging alarm clock ko na siya.
Hot Pandesal Maganda gising ni granny dahil nakatulog ng mahimbing umulan kase kagabi kaya nakatulog ng mabuti kagabi. Nakapagpack na ako ng baon ni bunso at heto ngayon kumakain ng hot pandesal masarap kainin ang mainit na pandesal pag pinahiran ng butter. Tara kaingay kain tayo! Pagkatapos nito babalik ako sa higaan.
Gagawa si granny ng Pichi- Pichi para may pangmeryenda mamaya. 4 to 5 kilos marahil ito kaingay bigay ng mabait na kapitbahay. Kuha lang ako ng ilan para hindi naman madami ang gagadgarin ni granny. Mailaga na lang ang iba maaari naman itong i stock ng ilang araw dahil hindi naman ito madaling masisira. Asikasuhin ko muna ito kaingay.
Luto na kaingay ang Pitchi-Pitchi. Ang tagal na rin ng huli tayong mag cooking with granny. Kaya sa nais gumawa ng pitchi2x narito ang sangkap. Cassava o kamoteng kahoy White sugar Pandan leaves Cheese Procedure - sa kaserola magpakulo ng tubig at ilagay ang pandan leaves na gagamitin mamaya - habang pinakukuluan ito gadgarin ang kamoteng kahoy -kapag tapos na pigaan ang nagadgad na kamote - para sa mas simpleng sukat kada 2 cups ng ginadgad na kamote ay maglagay ng 1 1/2…
Silipin ulit natin kaingay ang kagandahan ng Siruma Beach ng Bikol habang kumakain tayo at nagsi siesta ngayong tanghali! Hindi ko alam kung anong effect ang ginamit dito ng friend ko para makuhanan niya ng ganito kaganda. Mapapa wow ka talaga sa ganda ng langit kaingay at ang dagat kumakaway na tila nagsasabing "pumunta kayo dito at dito kayo kumain ng inyong lunch." Nanghihikayat ang view, nag-aayang mag picnic tayo!
Suman Kaaalis lang ng bisita ko kaingay, dala niya itong suman na kamoteng kahoy pinagsaluhan namin habang masayang nagkwentuhan at saka pichi-pichi na ginawa ko kanina. Hindi ko nakuhanan agad kase nahiya ako, mas nagpokus na lang ako na maistema ko siyang mabuti at ma feel at home naman siya dito sa bahay, kaya ng makaalis tsaka ko na lang nakuhanan ng litrato. Kahit may mga gawain pa ako kanina, isinantabi ko muna baka kasi gusto niyang may makausap kaya heto tatapusin ko…
Lets eat! Oras na para kumain ng ating pangatlong meal of the day. Kakaluto ko lang nitong fried chicken pang ulam ni bunso ngayon at saka babaonin niya sa work bukas. May natira pang ulam na inuwi niya kahapon galing fiesta ininit ko na, ito ang aking ulam ngayon. Taralets, kumain na tayo!
As the day turns into night. Keep your worries out of sight. Close your eyes and go to sleep, for all the good times are yours to keep. Good night noisers! Magbawi ng lakas ngayong magdamag para lakas na nawala ay maibalik agad. 2 hours na lang tapos na ang araw ng lunes. Gumising ng maaga ng ang gawain ay agad na maumpisahan at matapos ng maaga. Sleep well sa lahat!
Naramdaman niyo po ba na malamig ang klima ng panahon kagabi? Bigla akong naghanap ng kumot at saka nag turn off ng efan. Tapos nagtaka ako ng ako ay nagising ngayon, ang sakit ng aking leeg at ng salatin ko ang aking mata doon ko nalaman na nakasuot pa pala ako ng salamin at nasa gilid ko ang selpon at bukas pa ang wifi, napagtanto ko na nakaonline ako kagabi at nakatulogan ko. Magandang umaga sa lahat!
Here comes the sun noisers! Good morning everyone! Maglilinis-linis muna si granny at pagkatapos ay titingin ng ma iistock na ulam para pambaon ni bunso. Sa ngayon samantalahin muna natin ang magandang view ng sunshine from Bicol pa rin.
Tiyak na sa oras na ito ay nakapag-almusal na kayo, heto ako late na nakapag-almusal dahil late na rin bumangon nang maalala ko na martes pala ngayon, araw ng labadami labango. Tuwing Martes at Biyernes na ngayon ang aking sked sa paglalaba, hindi ko na kayang maglaba ng linggohan, hinihingal na ako sa dami. Nakaisang salang na sa washing, kain muna si granny Nengste habang umiikot ang washing. Halikayo pagsaluhan natin ito.
Nakauubos ng lakas maglaba kaingay, hindi pa ako tapos may babanlawan pa akong towel at mga pantalon ni bunso, nanginginig na ako kaya iniwan ko muna ang labahin at iginisa ang hokaido para makakain muna at mamahinga saglit. Sana matuyo ang nilabhan ko ngayong araw, sinilip ko kase ang langit medyo makulimlim, kaya inayos ko na ang sinampay sa lugar na hindi mababasa sakaling biglang bumuhos ang ulan. Ilang araw ng umuulan dito sa katanghalian.
Gloomy afternoon! Ibig umulan ang kalangitan sana matuloy kahit 30 minuto lang nang mawala ang alinsangan. Nakaidlip din ako ng ilang minuto, para akong nabugbog sa bigat ng aking katawan, hindi pa nakabawi ng lakas na nawala sa paglalaba kanina. Ang hina na heheh papunta na kasi sa pagkasenior. Meryenda time na, ano ba meron kayo diyan? Ako wala pa.
Speaking of meryenda! Tamang-tama may dumating, napawi ang pagod ni granny dahil sa pauwing buko pie. Tara na muna dito sa amin at magminindal tayo. Umuulan na nga pala dito kaingay. Masarap ang hot chocolate o kape kapag umuulan. Sa mga uuwi galing trabaho, mag-ingat at iwasang mabasa ng ulan.
Iniisip ko kung anong luto naman ang gagawin ko dito? Bagong bigay kaingay, hindi ko pa nauubos ang natirang kamoteng kahoy meron ulit na pagpapala. Sana malapit kayo kaingay para mapaghatian natin ito. Suggestion naman kaingay kung ano gagawin ni granny Nengste dito. Maganda panahon ngayong gabi, malamig dahil kakatapos lang ng ulan.
Magandang umaga kaingay, Start your day with a smile kahit bitter ang buhay. Never let life's worries put you down. Hangad ko na maging maayos at nakabubuti ang araw ng Miyerkules sa atin at bigyan nawa tayo ng bagong pag-asa, at maging maligaya para maenjoy natin ang bawat sandali ng buhay. Have a great Wednesday morning kaingay!
Maaga akong gumising kanina mga 4:30 ng madaling araw para magsaing at initin ang ulam na babaonin ni bunso, pagkatapos igayak ang kanyang pack lunch, bumalik ulet ako sa higaan at tanghali na bumangon. Nga pala naglaga ako ng iilang kamoteng kahoy para mabilis na makain kaagad ng almusal. Taralets, pagsaluhan natin ito.
Nga pala may natanggap akong message via gmail account na nagsasabing meron daw akong nareceived na 0.22 BTC, ang malaking halaga ito almost 350,000 php, tama ba ako? ika nga too good to be true, pero I just ignored it kasi baka maging a risk ang aking Data privacy or ano pa man at saka hindi ako sigurado na nakapag fill up ako sa google form.
Luncheon Meat - Maling- Kumain ng tama sa oras kaingay. Ito ang lunch ni granny today. Walang gulay dahil cheat day ngayon. Niluto ko na ang kahulihulihang di lata ni granny sa kabinet. Nirereserba sa araw ng tag-hirap. Kapag may natira maipalaman sa tinapay mamaya. May tanghalian na may pang meryenda pa.
Musta? Nakatulog po ako at nang magising akala ko ay magtatakip-silim na yun pala ay 3:45 ng hapon pa lamang, madilim dahil nagbabadyang uulan kaya medyo malamig ang klima ng hapon. Nga pala flex ko lang itong prutas na dinaan dito ng aking son in law. At heto na nga ang ulan papatak patak na.
Malamig ang klima ng panahon dahil sa nagdaang pagbuhos ng ulan, buti na lang humupa bago dumating si bunso. May uwing makakain si bunso kaya skip muna ako sa pagkain ng kanin ngayon gabi ang kapal na ng taba ko sa tiyan at kung minsan nakarandam ako ng pananakit pag naiipit.
Hiniwa ko na itong mangga kanina para palamigin, ito ay nagmula pa sa Carranglan. Habang kumakain ngayon si bunso inilabas ko at tinikman, ang sarap! Matamis. Sa bansa natin sagana tayo sa puno nito kaya sa panahon ng anihan kabi-kabila ang nagtitinda nito mapa sa palengke o tabing kalsada. Bukod sa masarap na lasa nito ay napakarami din nitong benipisyo sa ating kalusugan. Kain kaingay.
Goog night noisers, May this night bring you the most wonderful and peaceful sleep. Wala na siguro tayong maririnig na reklamo tungkol sa init ng panahon dahil umuulan na at dahil doon naging masarap at mahimbing ang ating pagtulog sa gabi. Sa mga papasok sa trabaho at sa mga mag-aaral na may klase bukas, matulog na ng maaga. Ingatan ang sarili at bigyan ng sapat na oras ang pagtulog, upang malayo sa sakit at magkaroon ng malakas at malusog na katawan at maging maayos ang…
Inhale positive energy and exhale any fears, good morning mga kaingay! Thursday na pala, ang bilis ng araw. Kapag nasa bahay ka lagi kahit araw at petsa minsan nakakaligtaan na. Have a lovely Thurday morning po kaingay!
Pancake Nagcrave si bunso kanina kaya ako naman ay agad naghanda ng gusto niyang pancake, sakto naman at meron pang tender juicy, iniluto ko na rin. Buti nakaabot naman sa oras ng maluto, nakakain si bunso bago umalis papuntang trabaho. May natira ito rin ang aking inalmusal ngayon.
Time check 12:16 PM Oras na para tayo ay kumain ng pangalawang importanteng meal of the day at ito ay tinatawag na lunch o tanghalian. Nakabili ako ng Talong sa tindahan malapit sa amin, hindi po ako nag iimbak ng gulay kasi minsan nasisira lang. Heto ginawa kong Torta at nagprito ng skinless Longganisa, ulam ko ngayon. Tara Kaingay, kumain na tayo!
Noong unang week na nag work onsite si bunso, medyo magulo ang isip niya dahil ang laki ng expenses niya araw-araw kaya sabi ko magbaon na siya pero dahil medyo magulo ang isip dahil ang iba niyang kasama ay nagresign at wala daw OT at kung may OT man hindi nacredit sa kanila kaya parang nag-iisip na magresign na rin at sinabi niya rin yun sa akin pero kalmado lang ako at sinabi sa kanya na pag-iisipan ng ilang ulet. Lumipas ng dalawang linggo hindi ko na siya narinig na…
May hindi inaasahang mameryenda si granny Nengste. May nag-abot nito ngayon lang, isang malapit na kapitbahay may handaan sa kanila, tamang tama pang hapunan ko na ito. Nga pala, bumuhos ang ulan kanina pero hindi nagtagal, binasa lang ang lupa at diniligan ang halaman.
"For I know the plans I have for you, " declares the Lord, " plans to prosper you and not to harm you, plans to give you hope and a future". - Jeremias 29:11 Paboritong teksto ni granny ito kaingay. Nagbigay ang Diyos ng langit ng assurance sa atin na may plano siyang gawin para mapabuti tayo, at ang idudulot nito sa ating lahat ay magandang kinabukasan at pag-asa. Minsan may nagshare sa akin ng niloloob niya. Naitanong nito kung bakit parang may kulang sa buhay niya?…
Laging dumadaan araw-araw ang mamang nagtitinda nitong kutsinta at puto, at ilang buwan na rin ang nagdaan na iniisnab ko ang kanyang pagdaan. Ngayon araw sa pagdaan niya parang nagcrave ako kaya tinawag ko ang nagtitinda at bumili, dinagdagan ko na kasi sarap na sarap din ni Grey 🐕 kumain nito pero si Zorro pagsinusubuan ko dinudura niya. Kain tayo kaingay!
Nga pala dahil may natira pang kamoteng kahoy, may naisip si granny Nengste na pagkaabalahan ngayon. Bumili ako ng ibang mga sangkap para mabuong isang kakanin na tinatawag na Bilo-bilo, mukhang marami ito pagnaluto, okay lang marami naman kaming kapitbahay dito na mapagbigay at mahilig lagi magbahagi kung anong meron sila kaya oras na para ako naman ang magbabahagi sa kanila.
Noong bumili ako ng sariwa, una kong naisip na magluto ng adobong baboy kaso nang nalaman ko ang presyo, kaagad na nag-iba na ang aking isip, adobong manok na lang ang aking niluto. Ito ay pambabaon ni bunso at ulam niya mamayang gabi. Ang aking inulam naman ngayon ay ginisang dahon ng ampalaya na may tinapa. Pag dahon dahon ang ulam ang gaan ng tiyan ko pagkatapos kumain kasi mabilis malusaw kaagad kesa meat.
Bilo-bilo Luto na ang Bilo-bilo kaso nasunog kasi iniwan kong nakasindi pa ang apoy sa kalan pero hindi naman lahat at nasobrahan ng kulo kaya parang naglangis. Habang mainit pa, sumandok na ako para bigyan ang aming kapitbahay upang umabot sa kanilang meryenda, pagkatapos saka ako sumandok para sa akin.
Sunsets are proof that endings can often be beautiful too. - Beau Taplin Ang sunset ay hudyat ng pagtatapos ng isang araw at ito ay isang patunay na kadalalasang may magandang idudulot sa atin, katulad ng isang relasyon na napakatoxic, kailangan tapusin para sa ikabubuti ng isa't isa. Noon dahil sa story ng fairy tale marami ang naniniwala sa happy ending at prince charming. Hindi na natin kailangang ma exprience ito, humanap nang magandang lugar sa dapit hapon, umupo at…
Life ends when you stop dreaming, hope ends When you stop believing, love ends when you stop caring. So dream and love! Make life beautiful! Good morning! Kagabi ang lakas ng ulan may kasamang malakas na hangin,kulog at kidlat kaya ang daan ngayon maputik. Ingat po tayo ngayong araw! Tandaan ang motivation ngayong araw, mangarap, magmahal at gawing maganda ang buhay. Tayo ang gagawa ng paraan para gumanda buhay natin kaingay hindi ang ibang tao, kaya bugbugin ang katawan at…
Balak kong gawing buttered garlic shrimp itong konting hipon na nabili ko kahapon para pambaon ni bunso. Dahil wala akong butter, pumunta ako sa tindahan para maghanap ng mabibilhan. Dahil wala akong nahanap, star margarine na lang ang aking gagamitin, nakamenos gastos pa po ako.
Downtown Ito noon ang lagi kong naririnig mula sa aking mga magulang noong maliit pa ako. Ang salitang downtown ay tumutukoy sa isang malaking pamilihan o kalakalan sa lungsod. Ngayon ay galing ako sa pamilihan ng bayan para maghanap ng dress na maisusuot bukas. Ang rate pala ng dress ngayon ay 500-950 pesos ang mahal, pero dahil kailangan ko kaya nagikot-ikot muna ako para pumili ng gusto kong style at matapos ng nakakapagod na paglalakad, sa wakas nakapili rin ako at…
Mango Bravo Flex ko lang itong isang klaseng Ice Cream cake na dinala dito ng aking son in law dito nilagak dahil kami daw ang magdadala nito sa venue (Shakeys) kung saan magsalo-salo ang pinagsamang pamilya mamayang 5 pm. Kaarawan ng aking 5 years old na apo. Buti na lang walang laman ang freezer may paglalagyan para hindi malusaw.
Sinusuyod ko ang convo namin ni bunso sa messenger nang nadaanan ko itong picture at naalala ko kung paano ito iniyakan ni bunso ng pumanaw si Tofu, ang pangalan ng alaga niyang isang siamese na pusa. Sinisi niya ang kanyang sarili sa pagkawala nito dahil pinaliguan niya ng 2 beses sa isang linggo kaya sinipon ang pusa at nanamlay.
Andito kami ni bunso sa Shakeys kasama ang magulang ng aking apo. Dinner ang salo-salo. Malaki ang servings ng fried chicken at medyo maalat kaya hindi ko rin naubos ang isang piraso tapos konti lang din ang nakain kong spaghetti, medyo naparami naman ang kain ko sa garlic bread at pizza, nabusog din dahil sa softdrinks at dessert na cake.
Good night post! Napagod si granny sa buong maghapon kahit ganun nag enjoy naman ako today. Sana ganun din kayo kaingay. Nga pla hindi umulan dito kaya mainit ang klima pero sana wag naman sobra katulad noong hindi pa nag-uuulan. Mauna na akong matulog kaingay aalis pa si granny bukas. Good night!
Late post Forget the day's troubles, Remember the day's blessings, Good morning mga kaingay, Sunday morning na naman kaya bumangon na at magpasalamat gumanyak para sumamba, ilakas ang pag-awit ng papuri at tahimik na makinig na may pang-unawa sa pagpupulong. Panahon ngyon ng pagtuturo ng Maylikha kaya tara na at samantalahin ang paglalaan niya. Have a joyful Sunday morning mga kaingay!
Noong nakaraang araw, may pinapahanap si bunso sa akin sa Shopee na mumurahing Thermal insulated lunch bag at nakakita naman ako. At kasalukuyang natanggap ko na ang parcel ngayong araw. Binuksan ni bunso ang parcel at nagustuhan niya ang style kaso medyo hindi nagustuhan ang kulay, mahilig kasi si granny Nengste sa earth color kaya pasensiya siya. Ito po minodel na niya.
Jollibee Kaninang umaga nasa galaan ako hanggang inabutan ng lunch kaya at nag stop muna kami sa "bida ang saya" para kumain at magpalamig na rin. All time favorite ang chicken and fries ng marami at dahil gutom na si granny Nengste iisnabin ko muna ang burger at jolly hotdog. Nag rice and chicken muna ako ngayon dahil hindi rin ako kumain ng rice kagabi baka manghihina ako. Sakto ang pagpasok sa Jollibee dahil masakit na ang sinag ng araw sa oras na yon.
Patakipsilim na ng biglang bumuhos ang malakas na ulan at malakas din ang hangin, biglang napondohan ng tubig ulan na naman ang aming labasan mga 4 inches na ang lalim. Kamusta naman ang weather update sa inyo diyan kaingay?
Piknik Rest day ni bunso ngayon kaya heto at nagbukas ng family size piknik para samantalahing mag chillax ngayong gabi at mag movie marathon dahil may pasok na ulit siya bukas. Dati-rati makakatikim ka lang ng ganitong pagkain kapag may pauwi galing abroad pero ngayon kabikabila ang mga nagtitinda ng ganitong pagkain pati mga imported chocolate dahil sa mga chocolate hub na nagsulputan ngayon at kahit sa mga grocery store gaya ng puregold at 7/11 ay available na rin ito.…
Good Morning kaingay! May our day be filled with positive things and full of blessings! Happy morning! Maaga akong nakatulog kagabi kaingay hindi ko na namalayan kung anong oras natulog si bunso. Good morning po ulit sa inyong lahat! Heto na naman tayo kaingay start na naman ng umaga at unang araw na naman ng paghahanap-buhay ng masisipag nating mga kaingay. Ingat-ingat po sa lahat.
Almusal Nagluto ako ngayon ng pansit mikki. Paborito ng mga pilipino ang anumang uri ng pansit, pansit malabon,pansit palabok, pansit guisado at marami pang-iba. Madalas na inihahain ito kapag may mga okasyon at patok na pangmasang negosyo din ito sa mga restaurant at karenderia
Mainit ang panahon na nakakaantok, lalo na at katatapos palang kumain. Ay naku! Ang sarap ihiga ng likod sa kama at umidlip. May sakit na namang kumakalat ngayon kaingay hindi naman ito covid virus. Ibang virus naman kaya mag-ingat tayo at magpalakas ng katawan. Ano pa aasahan natin ngayon na maganda e nasira na ang kalikasan natin at puro polusyon pa? Pati pagkain natin hindi na rin safe ngayon sa dami ng kemikal. Hindi ko na kaya itong pagkaantok kailangan ng ilapat ang…
Kakabasa ko lang nito sa Meta (facebook) na sinasabing magiging isang siyudad na ang ang aming Bayan na Baliwag.
Monkey fox naman ngayon kaingay ang kumakalat na sakit para siyang bulutong tubig tapos mas malalaki at marami, dito sa ating bansa wala pa namang nairereport na may ganitong kaso pero kahit ganoon mag-ingat pa rin po tayo! Sandata natin ngayon ang facemask, alcohol at pagkakaroon ng malakas na immune system. Sa pagbabasa ko pa sa facebook nadaan sa news feed ko ang batang namatay dahil sa sakit na diabetis, ingatan po natin ang ating mga anak kaingay. Limitahan ang pagkain…
Ngayon pa lang iniisip ko na kung ano na naman ang ipababaon ko na ulam kay bunso sa trabaho. Wala na kase kaming stock, ang hirap mag-isip kung ano na swak sa budget, araw-araw iniintindi ko yun. May pagkakataon na paulit-ulit na nga lang ang iniluluto ko. Ang tinda kase sa kanto namin ay iyon at iyon din.
Ang lakas ng ulan dito kaingay Ang sarap matulog ngayong gabi at kung tatagal pa ang ulan sa magdamag parang masarap mag-almusal ng mainit na champorado bukas. Mauna ng matulog si granny kaingay, sweet dreams sa inyong lahat!
Maging maanghang sana ang umaga natin kaingay! Ay, este maging maganda. Maging maganda sana ang mga umaga nating lahat! Nagbasa-basa ako kaingay kung ano ang magandang maidudulot sa katawan natin ng sili. Mahilig kase si granny sa spicy foods kaya hindi pwedeng walang stock sa ref nito. Nabasa ko na maganda ito sa mga diabetiko, mahusay itong sa nagpapapayat, may tulong din ito sa mataas ang cholesterol at may sakit sa puso para mapigilan ang pagbabara ng ugat sa puso,…
Petsay Gulay na mabibili sa pamilihan sa talipapa ito'y hindi nawawala, madaling itanim At madaling anihin Basta mahusay ang kamay ng mag-aalaga Sa petsay ika'y kikita Alam na kaingay kung ano ang ulam ni granny ngayon. Petchay guisado.
Bumalik na naman ang maalinsangan na panahon kaingay. Nagtatawag ng halo-halo, ice cream o ice candy na memeryendahin sabagay masarap na kainin talaga ito lalo na kung mainit ang panahon. Share ko muna itong Petchay guisado. May kakayahan ang pagkain ng madadahong gulay araw-araw tulad ng petchay na magpalakas ng immune system. Mahusay din itong makapagdagdag ng enerhiya dahil sa taglay nitong protina. Ayon sa research ang taong madalas kumain ng gulay ay mas may mababang…
Libre Masarap sa pandinig Masaya sa dibdib Salitang free o libre Ito ang nais ng marami Kung maaari nga kahit bill ng tubig at kuryente ay maging free, edi sana lahat tayo ay happing happy. Nakalibre ng hapunan si granny kaingay, kaya masaya ako kanina pa kase ako nag-iisip kung ano kakainin sa hapunan, tama naman paglabas ko may nag-abot ng pansit.
Let all that you do be done in love . -1 Corinthians 16:14 "Gawin ninyo ang lahat ng bagay nang may pag-ibig." Ang pag-ibig ay isang magandang katangian na dapat na taglayin nating lahat pero bagama't tayo ay may kakayahang makadama ng pag-ibig pero nagiging hamon ito ngayon na magpakita ng ganitong uri ng katangian. Hindi naman lagi na sa romantikong pag-ibig tumutukoy ito kundi sa lahat ng aspekto ng pag-ibig. Maganda din kung sa bawat ginagawa natin ay sa sangkapan natin…
"A positive mindset brings positive things" - Philipp Reiter Good morning mga kaingay! Kahit bumabaha sa noise tuwing umaga ng mga pagbati hindi pa rin maiwasan ni granny mag good morning, madalas nga tanghali na ako magpost sa umaga pero dahil may kasabihang huli man at magaling naihahabol pa rin kaya heto at nag e effort pa rin ako na mag magandang umaga sa lahat. Nakaka good vibes kase ang greetings. Kaya spread more positive vibes sa buong maghapon mga kaingay. Alis muna…
Viand Simula naging work onsite na si bunso madalas na karne ang inuulam namin kase ang iba doon ay ipinambabaon rin niya kaya para maiba naman, umorder si granny Nengste ng gagataan na gulay para fiber naman ang aming kakainin. Maganda ito para maging balance naman ang pagkain namin at iwas cholesterol pa. Viand or dish nga pala ay salitang english na ang ibig sabihin ay ulam sa tagalog, nilagay ko na lang para sa content, hehe. Nakakaubos din ng idea kung araw-araw kang…
Special non-working holiday bukas dito sa bayan ng Baliwag dahil ipagdiriwang ang ika- 289 taon ng anibersaryo ng pagkatatag nito. Ito ang nabasa ko sa post ng aming butihing Mayor kanikanilang. Goodnews po ito sa mga empleyado. Nga pala naluto na ni granny itong ulam for today. Tara po kain tayo ng ginataang langka!
Hindi nakaidlip dahil maalinsangan ang klima ng panahon dito sa amin ngayon kaya nanood na lang ako ng ikalawang araw ng National Canvassing live, noong nakaraang halalan. Panonoorin ko ito hanggang matapos dahil excited na ang aking tenga marinig na maproclaim ang aking binotong kandidato para maging Presidente ng bansang Pilipinas.
Sasa Last sunday nga pala mga kaingay may nag-abot sa akin ng sukang sasa. Sa isang 1.5 liters na plastic bottles ito nakalagay hanggang ngayon hindi ko pa nasusubukang gamitin kase hindi ako pamilyar kung saan ba siya masarap ilagay? Nakahiyaan ko namang itanong sa nag-abot. Sa dami nito ilang buwan din akong hindi bibili ng suka. Ni try kong amoyin, maasim talaga. Pwede kaya itong timplahan tapos lagyang ng bawang, luya,sibuyas, asin at sili para i stock?
Bloated stomach Not feeling well si granny feeling ko ang bigat ng tyan ko. Sabi ni doc "Google" ang sanhi ng bloated stomach ay excess intestinal gas o maaring may digestive issue, marahil kumain ka ng mabilis at marami dahil pwedeng mag cause ito para hindi agad matunawan kaya humanap ako ng remedyo dahil ang tea ay mahusay sa stomach kaya maglalaga si granny ng luya at luyang dilaw. Isang tasa lang para bumuti na ang pakiramdam ko.
Good Night by Beatles Now it's time to say good night Good night sleep tight Now the sun turns out his light Good night sleep tight Dream sweet dreams for me Dream sweet dreams for you Close your eyes and I'll close mine Good night sleep tight Now the moon begins to shine Good night sleep tight Dream sweet dreams for me Dream sweet dreams for you Sa mga hindi pamilyar sa kanta maaari po ninyong tingnan sa youtube para marinig at tiyak aantukin kayo. Good night mga kaingay…
Mushroom '"Morning greetings doesn't only mean saying good morning, it has a silent message saying: I remember you all mga kaingay!" Kwento lang ni granny ang morning ko kanina habang nag-iisip ako ng maaalmusal namin, nakita ko itong lata ng Jolly Mushroom na sumasayaw sa estante kaya dali-dali kong binuksan at niluto para gawing garlic mushroom para sa almusal at ginawa ko na ring side dish ito para sa baon ni bunso kaya na solve na ang agahan may dagdag na baon pa. Plano…
Less fats Para sa mas safe na health imbes na pork ang karneng gagamitin ko sa shanghai chicken ang pinili ko. Good source ng protein at less pa sa cholesterol at mas abot kaya ang presyo kumpara sa karne ng baboy. Gagawin ko muna ito sandali kaingay para may uulamin sa lunch si granny Nengste.
Sauce Sa pagkain malaki ang nagagawa ng mga sawsawan para lalong ganahang kumain gaya ng fried chicken sa Jollibee may gravy para dito kahit masarap na ang fried chicken nila pero mas masarap kung may sawsawan na kapartner katulad din ng chicken sa KFC may gravy din itong perfect na sawsawan para dito, kaya itong lumpia ni granny Nengste na niluto ko kanina tinambalan ko ng dalawang sawsawan. Isang sukang sasa na may timplang, asukal,pipino,sibuyas,paminta at asin at ang…
Old recipe Habang sama-sama tayong nag-aantabay kung kelan papasok ang ating mga tips sa wallet kumain muna tayo ng may lakas tayo sa paghihintay. Old recipe na itong meryenda ni granny. Mainit na pandesal + butter + mayonnaise+ scramble egg + mainit na kape = busolve. Umasa tayong bubuti uli si noise at tumaas ang bch ng matapos na ang ating agam-agam.
No rice Kahapon nagluto ako ng ginataang langka at dahil may natira pa sa ref ininit ko na lamang ito para kainin ngayon kasama ng lumpiang shanghai hindi na ako nag rice para maubos ko na lahat ng gulay. Nood ng t.v while eating si granny Nengste ngayong gabi, nga pala lumalamig simoy ng hangin dito dahil nagbabadyang umulan.
Waves "Dance with the waves, move with the sea, let the rhythm of the water set your soul free." Sumabay sa agos ng buhay ng hindi ka masyadong mapagod at manghina kaingay. Sa unang paghampas ng alon maaari kang makabangon ngunit kung parating ganito hindi ba ikaw ay mapapagod ng husto kaya magpakatalino at sabayan mo ang agos nito. Huwag sobrang mabahala dahil sa kalusugan ito ay masama. Good morning mga kaingay. Laban lang today, Laban lang tomorrow
Almusal Late na itong aking almusal dahil inuna ko ang mga gawaing bahay at saka wala rin kasi ako sa mood kumain ng maaga kanina. Nga pala nabisita ko ang youtube account ni Marc de Mesel kahapon, may huling post siya 12 days ago, baka gusto niyo rin bisitahin at panoorin. Sino nga ba si Marc de Mesel? Isa siya sa nagbibigay ng fund dito sa noise.cash na $4,000/day para ipamahagi sa ating mga user via tipping. Since Monday ba yun o Tuesday hanggang ngayon still nasa pending…
Issue Napanood ko yung balita tungkol sa mass school shooting sa Texas 19 na bata at dalawang titser ang namatay ayon sa font ng balita. Nakakalungkot ang daming magulang ang nagluluksa dahil dito. Hindi nila akalain na yung pinaka safe na lugar na maiisip nila ay doon pa mamamatay ang mga anak nila. Hinihimok ng Presidente ng Amerika ang mga mambabatas na gumawa ng sapat na batas ukol sa paggamit ng baril dahil 18 years old lamang ang suspek sa mass shooting. Condolence po…
Incredible Hulk Nanonood ako ngayon ng G Flicks sayang hindi ko nasimulan ang palabas na incredible hulk kahit paulit-ulit ko ng napanood ito masarap pa rin ulitin dahil wala namang magandang palabas na iba sa tv kung ikukumpara dito. Tara kumain tayo ng pinya, uwi ni bunso.
"Make up your mind to be happy today. No matter what, let no one and no situation take that away from you. Hold on to your joy." Stay postive pa rin tayo mga kaingay kay noise. Naging happiness natin ito everyday sa ilang panahon kaya tiwala lang. Kung magbago man ang kalagayan maging masaya pa rin tayo dahil sa platform na ito maraming pangarap ang unti-unting binuo, maraming bills ang nabayaran dahil dito, maraming cravings ang napagbigyan every payout , maraming load ang…
Sewing Pinakita ng apo ko ang pinagkakaabalahan niya kahapon. Nagtahi siya ng damit ng barbie niya gamit ang kanyang portable sewing machine mula sa tela ng sirang short niya. Noon pa man mahilig na itong magtahi kahit hirap na hirap sa mano-manong paraan kaya naman naisipan ng mga magulang niya na ibili ito ng sewing machine na magagamit niya 2 months ago. Nasulit naman ang bili nito dahil naging mabilis ang pagtatahi ng mga sirang damit dahil dito at nasisiyahan pa ang…
Cornstarch Napadami ang kain ko kanina dahil sa crispy bangus belly ang aking ulam. Ang iba iniiwasan o takot magprito ng bangus dahil tumatalsik ang mantika kapag nagprito. Ang ginagawa kong paraan ay maglalagay ng tamang dami ng cornstarch at pampalasa para hindi ka na matatakot matalsikan ng mantika pag magprito. Sure pa na malutong ang luto.
Kagigising ko lang nang hinawakan ko ang cp may nagpop up kaagad na notif, yes good news no more pending na sa aking wallet sa noise, napasok na lahat sa aking Bitcoin cash wallet. Sa inyo din ba?
Balanghoy /Balinghoy Cassava sa English, kamoteng-kahoy sa Tagalog at balanghoy naman sa Cebuano. Meryenda at hapunan ko na ito. Ito ang ginagawang suman ng aking lola noon dahil may sarili silang lupa na pinagtataniman nitong kamoteng kahoy at sari saring gulay, na tinatawag nilang kaingin.
Oh Lord, grant that this night we may sleep in peace and awake in peace. Protect us and inspired us to think and act only out of love. In Jesus name.. Amen! Good night mga kaingay! Makakatulog na tayo ng mahimbing dahil wala ng pending tips. Wait nalang natin na tumaas ang bch at umasa tayo na sana malapit na ang tinatawag na bull run. Good night po ulit sweet dreams sa lahat.
'Don't quit. Sometimes the things you are hoping for come at unexpected times.' Keep moving forward mga kaingay lalo na ngayon maayos na ang lahat. Kung may goal ka ipagpatuloy mo lang. Ang bunga ng pagsisikap hindi sa simula napipitas may panahon ito kung kelan kaya nga huwag kang mainip, huwag kang hihinto. Good morning mga kaingay A new day A new blessing A new hope Have a wonderful Sunday morning.
Andito ngayon ang aking dalawang apo, dala nila itong dalawang hinog na papaya. Pagdating nagtanong agad kung ano ang ulam, nakita niyang may niluluto ako, adobong manok, ayaw daw niya gusto niya hakdog, kaya pinagluto ko kaso itong tita nila nag-ayang pupunta daw silang tindahan kaya heto ngayon inunang kinain ang mga sitsirya at kung ano-ano.
Simulang dumating dito sa bahay ang dalawa kong apo, ang ginawa ay nanood agad sila, pinapatulog ko dahil maaga pa silang nagising kaninang umaga para sumamba ng 7 am, ayaw din nilang matulog, kaya ang ginawa ko ay inilabas ko ang hindi ko natapos na diamond painting para gawin nila, tinuruan ko at nagustuhan nila at nalibang, buti naman nakapahinga saglit ang mata sa kakanood.
Kakanin Nilupak, sumang kamoteng kahoy at ube kalamay ito lang ang ilan sa mga kakaning pinoy na masarap kainin sa agahan o meryenda. Nakakabusog ito at mabigat sa tyan. Madiwarang gawin kaya iilan na lamang ang nagtitinda ng ganito ngayon. Madalas makikita ito sa tiange at palengke tuwing umaga. Sakto lamang ang tamis ng ganitong pagkain at hindi nakakaumay kainin. Meryenda po tayo kaingay!
Nakapagdinner na rin ang aking dalawang apo at heto may pa dessert ang tita nila. Nakaligo na rin ang bunsong apo ko bago kumain. Ready na sila sunduin kaya habang hinihintay ang sundo, chill and relax muna nood sa youtube.
After this hard day, I want to wish you all, to have a good night sleep and I hope that tomorrow we all be in a good mood to start a new day! Good night mga kaingay. Parang ang bilis dumaan ng weekend. Balewala na ang pahinga ngayon sa bilis ng oras. Maidlip ka lang patapos na ang araw. Sulitin na lang natin ang bawat oras, pahinga sa pahinga, trabaho sa oras ng trabaho. Good night!
Dahil maagang nagising sa paggayak ng baon ni bunso, heto back to higaan ulet si granny Nengste dahil inaantok, pagbigyan ko ng isang oras para makabawi. Mayang paggising ko ulet na ako mag-almusal. Bye muna at good morning!
Laging Manalangin Don't worry about anything. Instead pray about everything. - Philippians 4:6 Magandang umaga mga kaingay! Bilang indibidwal likas sa atin ang mag-alala pero dahil sa sobrang stress ang pag-aalala ay nagiging sobra-sobra anupa't hindi na ito nakakabuti sa atin at dahil dito maaaring naaapektuhan na ang ating kalusugan kaya hinihimok tayo ng Filipos 6:4 na laging manalangin, maari nating sabihin ang ating nadarama, iniisip, gustong gawin at inaasahan ng sa…
Sinigang Feel ko humigop ng mainit na sabaw ngayon. Iniisip ko kung dehydrated ako kase parang lagi ako nauuhaw o baka dahil mainit naman talaga ang panahon. Nabili ko nga pala ito sa kanto mukhang fresh pa kaya kumuha ako ng kulang kalahating kilo para sabawan, dadamihan na lang ng gulay.
Ulat Panahon Maalinsangan ang panahon dito sa amin ngayon dahil siguro sa may pagbabadya ng papalapit na pag-ulan, may naririnig na akong pagkulog sana matuloy heheh, inaantok kasi ako ngayon, makatulog sana pag natuloy ang ulan. Meryenda time na pala, ako ay wala pang meryenda.
Alimuon /Alimuong Sobrang init dito kanina mga kaingay ngayon naman ay umuulan dahil dito nag-amoy alimuon sa pasimula ng ulan. Nangyayari kase ang alimuon kapag sobrang init ng panahon. Naiipon sa lupa ang init at umaalingasaw ito kapag umuulan. Ang umaalingasaw na amoy na mula sa lupa kapag umuulan ang tinatawag naman na alimuon sabi ng matatanda nagiging dahilan daw ito ng kabag kapag nalanghap mo. Kaya kapag ganito ang panahon nagpapahid ng manzanilla sa mga bata at…
Expiration date Your dream doen't have expiration date. Take a deep breath and try again. - Kt Witten Kapag may pangarap kahit anong edad pa yan posible pa ring matupad basta magpatuloy ka lamang at huwag hihinto. Simulan mo sa maliliit na pangarap at achievement para kapag malakihan na ready ka na. Ang sarap makinig ng mga nakakapagpatibay na salita. Sa maghapon bukod sa paulit-ulit lamang ang gawain napapalibutan pa tayo ng mga negatibong tao at nakakapagod na trabaho.…
Good night na po mga kaingay! Salamat sa mga masisipag at masisigasig na mga kaingay kaya laging alive na alive ang noise everyday. Sa mga baguhan post lang po ng post. Good night na po sa lahat!
Word of encouragement Nagustuhan ni granny ang mga quotation, at motivational word. Simple message, short pero ang daming meaning. Tulad nito, "Happiness is the new rich, Inner peace is a new success, Health is the new wealth, Kindness is the new cool." Nasa totoo lang naman ang kaligayahan bihira lang ngayon kahit mayaman na ang iba sa materyal na bagay pero hindi pa rin sila maligaya. Ang iba nga nagpapakamatay pa kahit napakayaman na tapos na de depress pa kahit nasa…
BCH Mula kahapon paunti-unti tumataas ang bch. Sana magtuloy-tuloy, from 9,983.02 yesterday to 10,315.7 kaninang 8am at ngayon naman ay 10,410.02 na, magandang senyales ang galaw pataas. Go bch, fly high! Source: Coins.ph
Exhausted Nakakaubos talaga ng lakas ang paglalaba kahit pa may washing machine nakakapagod pa rin. Siguro kaya laging masakit ang balakang ko dahil sa kakaupo at kakayuko ko. 2 times a week akong naglalaba mga kaingay pero kahit ganun pagod na pagod ako pagkatapos. Ulam ko nga pala yan kanina. Adobong tokwa. Tulog muna tayo!
Power Nap / Cat Nap Nakabawi din ng lakas si granny, nakaidlip ako matapos makapaglaba. Mahalaga ang pag-idlip kaingay para ang katawan ay gumana ng maayos. Pansinin ninyo kaingay kapag hindi tayo nakapahinga o nakakatulog parang wala tayo sa kondisyon. Makatutulong din ng malaki ang pagtulog sandali para mapanatili ang malusog na pag-iisip kapag kulang tayo sa tulog nagiging magagalitin tayo at hindi nakakapag-isip ng tama. Kain tayo ng puto kaingay, hindi ko alam kung…
Binisita ko ang aking gmail account at ito ang dalawa sa mga nareceived kong mensahe. Napaka generous naman nilang mamigay ng ganito kalaking halaga ng Bitcoin (BTC) obvious talagang hindi makatotohanan. Hindi ko na sinubukang iclick ang link baka may patibong.
Blessing May humabol na pagpapala bago matapos ang araw na ito. Habang nanonood ako ng tv at namamahinga, may narinig akong tumatawag, nang lumabas ako para alamin kung ano ang pakay, heto may inabot na pagpapalang isang platong pansit palabok, dahil dito meron na akong kakainin habang hinihintay ang pagdating ni bunso. Mukhang hindi ko na masabayan sa hapunan si bunso dahil mabubusog na ako nito.
Good Night Post Stay hopeful. Tomorrow brings a new day. A fresh beginning! Good night mga kaingay! Ipahinga ko na ang nananakit kong likod bunga ng kasipagan sa maghapon at tumatandang buto,hehe. Kaya kayong mga bata pa ingatan ninyo ang inyong katawan dahil ang buhay natin ay hindi pabata. Maging maingat din kayo sa pagkain, umiwas sa sobrang pag inom ng mga nakalalasing na inumin at sobrang pagkain ng matatamis. Matutulog na si granny. Good night!