Sewing Pinakita ng apo ko ang pinagkakaabalahan niya kahapon. Nagtahi siya ng damit ng barbie niya gamit ang kanyang portable sewing machine mula sa tela ng sirang short niya. Noon pa man mahilig na itong magtahi kahit hirap na hirap sa mano-manong paraan kaya naman naisipan ng mga magulang niya na ibili ito ng sewing machine na magagamit niya 2 months ago. Nasulit naman ang bili nito dahil naging mabilis ang pagtatahi ng mga sirang damit dahil dito at nasisiyahan pa ang aking apo sa paggawa niya ng kung anu-ano.
2 comments
Ang galing naman ng apo niyo madam. Gusto ko din magkaroon niyang portable sewing machine.
Ang galing niya momsh! Hehe ilang taon na po siya?