Alimuon /Alimuong Sobrang init dito kanina mga kaingay ngayon naman ay umuulan dahil dito nag-amoy alimuon sa pasimula ng ulan. Nangyayari kase ang alimuon kapag sobrang init ng panahon. Naiipon sa lupa ang init at umaalingasaw ito kapag umuulan. Ang umaalingasaw na amoy na mula sa lupa kapag umuulan ang tinatawag naman na alimuon sabi ng matatanda nagiging dahilan daw ito ng kabag kapag nalanghap mo. Kaya kapag ganito ang panahon nagpapahid ng manzanilla sa mga bata at sanggol pangontra sa mabahong amoy ng alimuon. Late meryenda tayo Kaingay!
No comments yet