read.cash Log in
@Nengste more from that month

Lugaw Itlog: Itong lugaw itlog kaingay ay nabili sa isang tindahan sa may labasan malapit lang dito sa amin. Ang Lugaw ay kilalang comfort food ng pinoy tuwing tag-ulan, madalas lutuin kapag merong may sakit sa tahanan noong aking kabataan. Ngayon ang kadalasang comfort food na ng mga kabataang nagkakasakit ay instant noodles, na kung hindi chicken flavor ay beef flavor naman. Plain lugaw pa noon ang kadalasang iniluluto, lugaw asin kung tawagin, pero ngayon ang dami ng dagdag topping sa lugaw, may isaw, lechon kawali, laman loob, may overload pa, tokwa't baboy at marami pang iba. Ang plain lugaw noon , special na ngayon, lumelevel up, o upgrade na rin😅 Kain tayo ng lugaw kaingay, tara!

2 comments

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.