May nag-imbita sa akin kaingay at may pa "sharon cuneta" pa na pauwi! Balutin mo serye, kaya meron na kaming almusalan bukas at ang menu ay gulay, menudo at pansit. May pauwi pang dumalagang itlog ng itik isang plastic hindi ko na nakuhanan ng larawan. Nabusog na si granny sa handaan mabubusog pa ulit sa kinabukasan. Kayo po kamusta ang maghapon?
3 comments
Huling huli na ako ang tawa ko po diyan sa sharon cuneta at balutin mo serye haha
Naman nag uumapaw sa pa sharon mam a hehe mainam yan para di ka na po magluluto kinabukasan👍👍😍
Ang sarap naman nyan! May pa-take-out pa!