Andito kaming tatlo sa harap ng bahay, inaantay namin ang pag-uwi ni bunso galing sa work. Nakachat ko siya kanina at tinanong niya ako kung ano ang ulam, ang sagot ko ay "bibili lang ako ng lutong ulam" tapos nagreply na bibili na lang daw siya sa Jollibee at tinanong ako kung anong gusto ko. Mahangin dito sa labas, buti pansamantalang nakapahinga ang efan sa pag-ikot.
1 comment
Parang fried chicken yata yan ng Jollibee ang ulam natin mother ah? Enjoy nalang po sa pagakain.