Adobong tokwa: Hello kaingay, handa na ang lulutuin ni granny para sa lunch. Nahiwa ko na ang tokwa, sibuyas, bawang, at siling berde para mamaya. May timpla na rin ang tokwa ng asin at paminta, hinaluan ko na rin ito ng cornstarch para maging firm at crunchy ang prito. Calamansi ang gagamitin kong pampaasim para sa adobong ito at tamang dami ng toyo. Nagandahan ako sa tokwa kanina kaya bumili ako, malambot ito at walang masamang amoy halatang bagong gawa hindi gaya ng nabibili sa ibang tindahan na may masamang amoy ang tokwa. Nakabili ako minsan ng tokwa, ang sabi sa tindahan bago lang, pero pag-uwi ko may amoy na ito at matigas na. Sayang lang ang rekado kung lulutuin pa. Ibabahagi ko sa inyo mamaya kapag luto na.
2 comments
Wow favorite ko po yang tokwa!
mahal ung tokwa po dto at bihira na dn makabli ng fresh