Suman Kaaalis lang ng bisita ko kaingay, dala niya itong suman na kamoteng kahoy pinagsaluhan namin habang masayang nagkwentuhan at saka pichi-pichi na ginawa ko kanina. Hindi ko nakuhanan agad kase nahiya ako, mas nagpokus na lang ako na maistema ko siyang mabuti at ma feel at home naman siya dito sa bahay, kaya ng makaalis tsaka ko na lang nakuhanan ng litrato. Kahit may mga gawain pa ako kanina, isinantabi ko muna baka kasi gusto niyang may makausap kaya heto tatapusin ko na bago gumabi.
No comments yet