Nakauubos ng lakas maglaba kaingay, hindi pa ako tapos may babanlawan pa akong towel at mga pantalon ni bunso, nanginginig na ako kaya iniwan ko muna ang labahin at iginisa ang hokaido para makakain muna at mamahinga saglit. Sana matuyo ang nilabhan ko ngayong araw, sinilip ko kase ang langit medyo makulimlim, kaya inayos ko na ang sinampay sa lugar na hindi mababasa sakaling biglang bumuhos ang ulan. Ilang araw ng umuulan dito sa katanghalian.
No comments yet