"For I know the plans I have for you, " declares the Lord, " plans to prosper you and not to harm you, plans to give you hope and a future". - Jeremias 29:11 Paboritong teksto ni granny ito kaingay. Nagbigay ang Diyos ng langit ng assurance sa atin na may plano siyang gawin para mapabuti tayo, at ang idudulot nito sa ating lahat ay magandang kinabukasan at pag-asa. Minsan may nagshare sa akin ng niloloob niya. Naitanong nito kung bakit parang may kulang sa buhay niya? Kumakain naman siya 3 times a day, may trabaho, maganda ang buhay, nabibili ang mga bagay ng gusto niya pero parang may kulang pa rin. And then i asked, " sa kabila ng busy mong buhay may espiritwal na rutin ka ba sa araw-araw?" Sagot niya, "wala, hindi ko nga matandaan kung kelan ako huling nanalangin sa kanya." At ang sabi ko, "Baka ito ang kulang." Magandang paalala sa lahat kaingay, kung pinakakain natin ang ating katawan para sumigla, ang espiritwal din natin ay kailangang pakainin para tayo maging matatag sa kabila ng mga hamon ng buhay, tutulong sa atin ang mga pangako ng Diyos para asahan ang mas magandang buhay sa hinaharap. Good morning!
1 comment
THANKS GOD..Goodmorning ate