You Learn once You Experience
09.11.22
Struggles, challenges, and pain. I always say that life is unfair or we can never have it all. Would you agree with me if I say that lessons are learned through hardships in life? Let me take a look back and see what stuff I needed to learn the hard way that made me who and what I am now.
Special thanks to @itsmeCguro for renewing your sponsorship! Heartsu heartsu heartsu!!!
Teka taglish na lang muna tayo kasi nagmamadali ako dahil maagang nakaorlog and Lil B natin, maglalaba muna tayo at konting sulat muna dito. Day 24 na tayo mga friends!!
Write about a lesson you've learned the hard way.
Honestly, mejo napaisip ako sa topic nato. Why? Kasi lahat naman ng lessons in life, we learn it the hardway. Depende nalang sa type ng situation and kung gaano ka kabilis makahanap ng solusyon or gaano mo kaheavy itatake ang isang problema.
Marami akong naiisip while thinking about this topic like:
being a black sheep
dealing with family issues
having trouble in studies
college, job or financial hardships
love life problems
Pero I chose the one that I am experiencing right now, being a first-time mother or parent.
First-time mother/parent
Feeling ko nga nung nagstart ako dito sa read.cash, yung pagiging first time mother ko ang dahilan kung bakit may mga nagffollow sa akin dito. I was actually looking for other experiences lalo na sa mga naunang magkaanak sakin kasi I don't have any idea on how to be one.
I love kids, I've been a baby sitter sa mga pamangkin ko and sa mga anak ng friends ko. Little did I know that being a tita was different than being a mother, until I became one.
Eto yung literal na expectations vs. reality. Alam mo yung may idea ka kung pano magbuhat, magpakain, makipaglaro, magturo ng kung ano anong kalokohan, pero pag naging nanay ka na talaga ibang level. Yung gusto mo na lang minsan tumakas pero hindi pwede. Yung gusto mong mag-isa muna kahit ilang oras, pero di pwede. Lalo na kung isa kang breastfeeding mother, nako kulang nalang tapyasin ko ang dede ko para di sumakit likod ko at yun na lang ang hawakan nya, pero again, hindi pwede.
Yung pagiging ina or magulang yung araw-araw, buwan-buwan at taon-taon kang magaadjust. Bawat segundo, minutong pumapatak may matutunan kang lesson na hindi mo sukat aakalain na pagdadaanan mo. Yung literal at pisikal na lesson na matutunan mo kasi anjan ka na, pinagdadaanan mo na.
Hindi ko ma-pinpoint yung mga lessons na natutunan ko at dapat ko pang matutunan. Pero isa lang talaga yung natutunan ko, nakakapagod, isasakripisyo mo buong pagkatao mo kapag naging isang magulang ka na.
Being a mother/parent is just simply a life-long lesson learned and still learning through literally hardships. Uy sa lahat ng aspeto to, physically, emotionally, and mentally but definitely the greatest sacrifice that we will do and gift that one will receive.
Hindi dapat ito yun eh...
I was actually thinking of a different answer to this topic but nakalimutan ko na kung anong ilalagay ko.
Anyway, I noted this line days ago pa....
I always say that life is unfair or we can never have it all, these lines sound negative but now I've realized that life should be balanced and I....... THANK YOU!
Di ba ang layo sa topic ko... HAHAHAHA!
Pero seriously, being a mother/father, parent, child or anything in the world, we won't learn any lesson if life will not let us struggle. We may see things as unfair, and difficult or may consider ourselves unlucky. It is one wonder of life, you'll be down and will need to get back up.
Oh pwede na ba ako maglaba? You can also check out my other related articles here:
A day in a mom's life (a quarter day)
Nothing's too much for you, for now.
Realizations: Mom guilt, again
Realizations: Mom guilt, again
Sa mga gustong sumunod sa Noise.App eto ang invitation link para sa inyooo, https://noise.app/invite/qhmbi8yc
Don't forget to follow me too or like any of my posts so I can follow you back!
Check me out on
Noise.cash|Micontingsabit
Noise.App|Micontingsabit
lead image from unsplash
closing banner edited from toonme.com
all original content. Micontingsabit
Yeah, we learned things in a hard way talaga, but this makes us stronger. Eto nagpapatibay satin sa buhay. So kahit ano na dumating satin easy peasy na lang.