Tagalog Muna Tayo.

Agosto 27, 2021. Biyernes.

 

Kamusta kayong lahat?

 

Sana ay mabuti ang inyong mga kalagayan.

 

Magandang Umaga, Magandang Tanghali o Magandang Gabi sa nagbabasa nito. Ano mang oras mo ito mabasa ay bumabati ako sa iyo ng Magandang Magandang Araw.

 

Bago magtapos ang Buwan ng Wika ay syempre hindi tayo magpapahuli sa paggawa ng wikang Filipino na artikulo. Marami na ang gumawa nito at tinawag nila ito na “ Buwan ng Wika Challenge” kaya ngayong araw na ito ay gagawin din ako ng isang artikulo na hango sa wikang Filipino.

 

Ipinagdiriwang ang Buwan ng Wika tuwing Agosto. At ginugunita ito taon taon. Layon nitong patibayin at palawigin ang ang kamalayan sa kahalagahan ng Wikang Filipino. Ginagawa ito bilang pagsaludo gayun na din bilang  pagmamahal sa Pilipinas. Ang buwan ng wika ay ang panahon upang aalalahanin, kilalanin at panatilihin ang kasaysayan pati na ang paunlarin ang wikang Filipino.

 

Sa araw na ito ay muli ko lang babalikan ang aking mga ala-ala noong sa aking paaralan tuwing nagdidiwang ng Buwan ng Wika. Bago pa man sumapit ang buwan ng wika ay may ibat-ibang paligsahan na binubuo ang mga opisyal sa aming paaralan at iaanunsyo nila ito bago sumapit ang buwan na itinakda. Pinapalaganap nila ang impormasyon na ito upang maraming mahikayat na sumali at dumalo sa kanilang mga aktibidad na isasagawa. Nagpupunta sila kada silid aralan upang ibahagi sa mga estudyante ang mga impormasyon ng mga aktibidad na isasagawa at ipinaliliwanag ito bawat isa. May nakatakdang araw ang bawat aktibidad kung kailan ito gaganapin. At walang klase ang mga araw na iyun pero kinakailangan mo pa rin pumasok sa eskwelahan upang dumalo dahil kasama iyun sa patakaran.

 

Ang mga natatandaan kong aktibidad na ginaganap sa aming paaralan tuwing Buwan ng Wika ay,  kauna unahan “Balagtasan” ang mga tauhan dito ay isang lakandiwa, mga mambabalagtas at mga hurado syempre ay kasama na rin ang mga manonood dahil nakasalalay din sa kanila ang ilang porsyento ng padedesisyon kung sino ang mananalo sa dalawang mambabalagtas. Kailan man ay hindi ako sumali sa aktibida na iyan dahil kailangan ay maibato mo ng maayos at maganda ang bawat salitang bibitawan mo na sa tingin ko ay hindi ko kayang gawin dahil sobrang mahiyain ko ng mga panahong bata pa ako. Pangalawa naman ay, paggawa ng slogan tungkol sa wikang pambansa dito ay lumalahok ang mga estudyante na mahilig gumawa ng sarili nilang kasabihan o motto tungkol sa wikang pilipino. Hindi rin ako sumasali sa ganyan dahil hindi talaga ako mahilig sumali sa mga pagligsahan, sana ay pagpasensyahan nyo po ako Hahahha. Pangatlo naman ay ang poster making o paggawa ng poster, dito naman nabibilang ang mga mag-aaral na mahusay sa pagguhit, mahusay at malawak ang pag iisip. Gumagawa sila ng ibat-ibang imahe upang ipakita ang tema na pagmamahal sa wikang Filipino. Pang apat ay pagsulat ng tula at pagkatapos nito ay ipaparinig din sa lahat ng manonood, dito ay marami rin ang lumalahok. Panglima ay pagsayaw ng mga katutubong sayaw, syempre dito ay kakaunti na lang ang sumasali dahil ang iba ay nahihiya na din dahil sila ay mapapanood ng lahat.

Balagtasan
Slogan
Poster Making
Katutubong Sayaw

Iyan ay ilan lamang sa mga aking naaalala na ginagawa sa aming paaralan tuwing buwan ng wika. Ansarap lamang balikan ng mga ilang ala ala noong mga panahon na bata pa ako at nagdidiwang ang paaralan namin tuwing buwan ng wika, ngayon kolehiyo na kasi ako ay hindi na ito nangyayari dahil hindi na din nagdidiwang ang aming unibersidad ng ibat ibang paligsahan.

 

Kayo po ano ano ba ang mga paligsahan na ginaganap sa inyong paaralan tuwing buwan ng wika? Pwede nyo pong ikomento ito sa ibaba. Sana ay nasiyahan kayo sa pagbabasa nitong aking munting artikulo tungkol sa Buwan ng Wika.

 

 

Maraming maraming salamat po sa pagbabasa. Hanggang sa muli po.

 

Lead image source: Wika

Image 1 source: Balagtasan

Image 2 source: Slogan

Image 3 source: Poster Making

Image 4 source: Katutubong Sayaw

Ito po ang listhan ng aking mga mababait at mahuhusay na sponsors. Maari nyo rin pong basahin ang kanilang mga artikulo kung kayo ay may libreng oras. At maraming salamat po sa aking mga sponsors sa walang sawang pagmamahal at suporta. Samalat po.

Sponsors of Expelliarmus30
empty
empty
empty

Gusto ko lamang din pong magpasalamat sa mga taong laging binabasa, nagkokomento at ina-upvote ang aking mga artikulo. Maraming salamat din po sa inyo. Mahal ko po kayo.

Huwag po kayong mag-alinlangan na basahin ang aking mga naunang artikulo kung kayo ay pagkakataon:

Thank you very much for reading.

God Bless and Keep Safe Everyone.

Don't forget to Be Good and Be Nice as always.

Bye.

 

9
$ 4.03
$ 3.86 from @TheRandomRewarder
$ 0.05 from @LykeLyca
$ 0.05 from @FarmGirl
+ 2
Sponsors of Expelliarmus30
empty
empty
empty
Enjoyed this article?  Earn Bitcoin Cash by sharing it! Explain
...and you will also help the author collect more tips.

Comments

Maligayang buwan ng Wika, kabayan! sinigurado ko talaga na ay masulat akong Wikang Filipino sa buwan na toh para sa okasyon na makasaysayan sa atin lahat. Hindi ako masayadong active sa paaralan sa mga pa contest na ganyan, heheh! wala masyadong talent eh heheh!

$ 0.03
3 years ago

Maligayang buwan ng wika din po sa inyo. Hahahah parehas po tayo na hindi active sa pagsali sa mga pacontest. Ako din po mas marami nga po ata akong article na isinulat sa wikang Filipino ngayong buwan eh.

$ 0.00
3 years ago

Sumasali ako dati sa mga sabayang pagbigkas at dun sa balagtasan, nakakatuwa at nakakabulol minsan kasi parang mas mahirap pa yung tagalog kesa sa ingles, lalo na yung mga malalalik na kataga hirap intindihin, pero nakakagaan ng pakiramdam kapag nagkaroon kayo ng karangalan. Tapos sinubukan ko din yung folk dance hahahahaa halos sali lang ng sali kapag mga contest hahaha mas masaya pa kasi kesa acads yung ganto tyaka experience na din, nakakamiss mag face to fave class sana maging normal na ulit ang lahat.

$ 0.00
3 years ago

Halos yata lahat ng mga patimpalak sa paaralan at schools division ay nasalihan ko na. Mayroon ding balagtasan at chamber theater noon sa amin.

$ 0.03
3 years ago

Wow galing nyo naman po. Sana po lahat ay katulad nyo mahilig sumali sa mga activities and contest.

$ 0.00
3 years ago

Tagalag din ginagamit ko sa pgsusulat dito hehehe.. Hindi ako sumasali sa balagtasan, poster slogan at kung ano-ano pa hehe sa intermission number ako sumasali atleast kase doon group eh di masyadong pansin pag nasa likod na ako hehe

$ 0.03
3 years ago

Opo tsaka masaya po pag group kayo magpeperform kaso ako po mahiyain talaga eh. Hahaja kaya ayaw ko sumali kahit group performance.

$ 0.00
3 years ago

Hhaha tinatakot kase kami sa grades eh hehe

$ 0.00
3 years ago

Ayy kaya naman po pala hahahha. Kami naman po kailangan lang talaga pumasok pa rin para sa attendance at maging audience.

$ 0.00
3 years ago

Naalala ko tuloy yung Folkdance namin Langga. ☺️ Na miss ko tuloy yung pagiging estudyante yung magtatanghal kayo sa entablado kapag may programa sa buwan ng wika..

$ 0.03
3 years ago

Opo nakakamiss nga po talaga yung mga face-to-face na performance pero ako audience lang palagi hindi po ako performer hehehhe.

$ 0.00
3 years ago

Oo Langga.. sobra talagang nakakamiss..

$ 0.00
3 years ago

Sana po talaga bumalik na tayo sa normal para kahit papaano ay maexperience po ulit natin ang face-to-face performances.

$ 0.00
3 years ago

Oo nga, Ngayon ay Wikang Pambansa.Kailangan pala magsuot ng mga Maria Clara dress nung sinaunang panahon.Naalala ko mga damit ng lola konsa ataol hehehe ang haba ng saya nya at maganda naman tingnan at presentable. Bihira din naman ngayon naka alala ang Diwa ng Wikang Pambansa sa Buwang ito.

$ 0.03
3 years ago

Hahahha buti po nakapag tabi pa ang lola nyo ng maria clara dress. At opo bihira na lang pero meron pa rin naman pong iba na hindi talaga nakakalimot.

$ 0.00
3 years ago

Oo naman kasi nung buhay pa yun panahon pa ng hapon ,meron nga nanliligaw sa kanya pero ayaw nya ng intsik hahaha di nya feel yung intsik mas gusto nya ang Lolo ko na napaka romantic

$ 0.00
3 years ago

Ah kaya naman po pala.

$ 0.00
3 years ago